You are on page 1of 7

Bio Note

Talakay sa Paksa
Mahalagang kasanayan ang pagsulat ng tala sa may-akda o
bionote. Ito’y pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan,
edukasyong natamo, publikasyon, at mga pagsasanay na
taglay ng isang may-akda. Karaniwan itong nakasulat sa
ikatlong panauhan. Kadalasan itong hinihiling sa sumusunod
na mga pagkakataon:
 Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o
antolohiya
 Pagpapasa ng aplikasyon sa palihan o workshop
 Pagpapakilala ng sarili sa website o sa isang blog
 Panimulang pagpapakilala ng aplikante sa isang
posisyon o scholarship
 Tala ng emore upang ipakilala ang isang tagapagsalita o
panauhing pandangal
 Pagpapakilala ng may-akda, editor, o iskolar na
ilalathala sa huling bahagi ng kaniyang aklat o anumang
publikasyon
 Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay
sa mga mananaliksik
Dahil ang tala sa may-akda ay isang buod, mahalagang piliin
ng may-akda ang pinakamahahalagang bahagi mula sa
kaniyang biodata o curriculum vitae. Hindi ito pagbubuhat
ng sariling bangko o pagyayabang. Kinakailangan ito upang
makilala ng mga mambabasa ang kakayahan ng manunulat.

Dalawang uri ng tala sa may-akda


May dalawang uri ng tala sa may-akda na kadalasang
hinihingi sa akademya at mga publikasyon. Una at ang
pinakakaraniwan ay ang maikling tala para sa mga dyornal
at antolohiya. Tandaang dapat ay maikli ito ngunit siksik sa
impormasyon. Hindi na kailangang banggitin ng may-akda
ang mga tala na walang kaugnayan sa tema at paksain ng
dyornal o antolohiya.

Pansinin ang halimbawa ng tala sa may- akda na nailathala


sa Bumasa at Lumaya 2: A Sourcebook an Children’s
Literature in the Philippines (Anvil Publishing, Inc., 2016):
Si Carla M. Pacis ay manunulat ng mga aklat pambata at
mga kuwentong pangkabataan na ang ilang akda ay
nagwagi sa National Book Award, Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature, at sa PBBY Salanga Prize. Siya rin ay
full time na propesor sa Departamento ng Panitikan sa De
La Salle University-Manila, at tagapagtatag ng Kwentista ng
mga Tsikiting (KUTING), at council member ng National
Council for Children’s Television.

Bilang gabay, kadalasang nilalaman ng maikling tala ang


sumusunod:
 Pangalan
 Pangunahing trabaho ng may-akda Edukasyong
natanggap ng may-akda (antas batsilyer hanggang antas
gradwado)
 Mga akademikong karangalan gaya ng Latin honors
(cum laude hanggang summa cum laude), Best Thesis, o
scholarship na natamo bilang mag-aaral (hindi kasama
ang diskuwentong natamo dahil sa pinansiyal na
kalagayan)
 Mga premyo o gantimpalang natamo na may kinalaman
sa paksain ng dyornal o antolohiya
 Dagdag na trabaho ng isang may-akda
 Bukod sa kaniyang pangunahing posisyon (kailangang
tukuyin ang posisyon at institusyong kinabibilangan)
 Organisasyong kinabibilangan
 Mga tungkulin sa pamahalaan o komunidad
 Kasalukuyang proyekto
 Mga detalye sa pakikipag-ugnayan gaya ng e-mail
address (kung kinakailangan)

Pangalawang uri ng tala sa may-akda ay ang mahabang uri


nito. Kadalasan, ito ay isinusulat bilang prosang bersiyon ng
isang curriculum vitae. Mahahabang bionote ang
kadalasang ginagamit ni Ligaya Tiamson-Rubin, may-akda ng
maraming aklat tungkol sa Angono at isang Professor
Emeritus sa Unibersidad ng Pilipinas. Aniya. Mahalaga ang
mahahabang bionote upang may sangguniang ang mga
iskolar at mananaliksik kaugnay sa kaniyang buhay at
tagumpay.
Binubuo ito ng dalawa hanggang walong pahina, at doble
espasyo Isinasagawa ang ganitong uri ng bionote para sa
sumusunod:
 Entri sa ensiklopedya
 Entri sa aklat ng impormasyon gaya ng Buhay ng mga
Manunulat sa Pilipinas Tala sa aklat ng pangunahing
manunulat o editor
 Tala para sa mga hurado ng isang lifetime achievement
award
 Tala para sa administrador ng paaralan

Narito ang halimbawa ng mahabang bionote ng


Pambansang Alagad ng Sining na si Dr. Bienvenido Lumbera
na hinango mula sa maraming sanggunian gaya ng Internet
at kaniyang bionote sa mga aklat:
 Kasalukuyang posisyon sa trabaho
 Mga tala ukol sa kasalukuyang trabaho
 Mga pamagat ng naisulat na aklat, artikulo, o kaugnay
na akda tulad ng mga sining-biswal, pelikula,
pagtatanghal
 Mga listahan ng parangal na natanggap
 Tala sa pinag-aralan o edukasyon gaya ng digring
natamo at kung saan ito natanggap
 Mga natanggap na training at nasalihang palihan
 Mga posisyon o karanasan sa propesyon o trabaho
 Mga kasalukuyang proyekto
 Mga gawain sa pamayanan o sa bayan
 Mga gawain sa samahan o organisasyon

You might also like