You are on page 1of 3

FILIPINO SA PILING LARANG

2 URI NG PAGSULAT
Akademikong Pagsulat
(pormal na sulatin, ulat, ekperimento, imbestigasyon, pagsusuri o kritisismo, rebyu, pamanahong papel, disertasyon,
sanaysay tungkol sa kasaysayan, manual at mapanuring sanaysay)
- lantad ang organisasyon at estruktura ng akademikong sulatin. Ginagabayan ito ng mga teorya at pormal ang
tono.
- gumagamit ng pormal na wika
- sumasailalim sa istriktong kombensyon ng pagbabantas, pagbabaybay, at gramatika
Malikhaing Pagsulat
(tula, dula, nobela, maikling kwento, at malikhaing sanysay)

ESTRAKTURA NG AKADEMIKONG SULATIN


Simula
- tinatalakay ang papaksain ng mananaliksik at ang kahalagahan nito
- mababasa ang layunin ng may akda
Katawan
- mahalagang bahagi
- naglalaman ng pagtatalakay, pagsusuri at ebalwasyon
Kongklusyon
- o pagtatapos
- mababasa ang buot at ang mahahalagang puntong nais ibahagi
Rekomendasyon
- depende sa hinihingi ng pagkakataon ang pagtatapos din ng isang akademikong sulatin

PAGKILALA NG SANGGUNIAN
-katangian din ng akademikong sulatin ang pagkilala sa mga sangguni at ginamit na saliksik ng manunulat.
- pangunahing katangian ng akademikong papel ang Bibliograpiya
- tumitibay ang argumento kung ginagamitan ng makabuluhang pahayag buhat sa mga naunang iskolar at
palaisip(pilosopo)
- ebidensiya ng lawak ng kaalaman ng manunulat ang sangguniang babanggitin
- ito rin ay paggakang sa mga kapwa iskolar at mananaliksik
- ang mga pahayag, impormasyon ng walang pahintulot at pagkilala ay makatutumbas sa pagnanakaw
ESTILO NG AKADEMIKO
- ang pagsusulat ng akademikong sulatin ay kapansin-pansing OBHETIBO
ACADEMIC WRITING PORTAL NG MONAJH UNIVERSITY
- impersonal na tono
- malinaw na pangungusap
- lohikal at sistematikong o pagpapaunlad ng ideya
- paggamit ng pormal na wika
- maingat na paggamit ng mga daglat at akronim
IWASAN:
- mahahabang pangungusap
- komplikadong estraktura
- di malinaw na tinutukoy ng pahayag
- walang ugnayan ng mga pangungusap sa isang talata
- hindi malinaw ang tema sa talata
- walang ugnayan ng mga talata
- hindi gumagamit ng angkop na transisyon patungong bagong talata
- maraming paglalarawan o deskripsiyon at kulang sa pagsuri o analisis
- mahinang estraktura ng mga pangungusap at talata
- paggamit ng impormal na wika
- paggamit ng maraming sipi na hindi makita ang orihinal na pananaw ng mananaliksik
- maling paggamit ng mga sipi
- kakulangan sa sanggunian
- maling paraan ng pagkilala sa mga sangguniang teksto
- pag-angkin ng ideya ng iba ng walang anumang pagkilala sa orihinal na awtor
- hindi epektibong pagkakahulugan sa ibang pangungusap
PAGSULAT NG TALA SAMAY-AKDA O BIONOTE
ANO ANG TALA SA MAY-AKDA?
- pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon at mga pagsasanaysay na
taglay ng isang may-akda
- karaniwang nakasulat sa ika-3 na panauhan kadalasan itong hinihiling sa sumusunod na mga pagkakataon:
pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya
pagpapasa ng aplikasyon sa palinam o workshop
pagpapakilala ng sarili aa website o blog
panimukang pagpapakilala ng aplikante sa isang posisyon o scholarship
tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o panauhin ng pandangal
pagpapakilala ng may-akda, editor o iskolar na inilalathala sa huling bahagi ng kaniyang aklat o anumang
publikasyon
kinakailangan ito upang makilala ng mga mambabasa ang kakayahan ng manunulat
kinakailangan ding may kaugnayan ang mga impormasyon sa bionote
2 URI NG TALA
1. Maikli
- siksik pero malaman
- pinakakaraniwan
- dyornal at antolohiya
- hindi na kailangang banggitin ng may-akda ang mga tula na walang kaugnayan sa tema o paksain
NILALAMAN NG MAIKLING TALA ANG MGA SUMUSUNOD:
- pangalan
- pangunahing trabaho ng may-akda
- edukasyong natanggap ng may-akda
- akademikong karangalan
- mga premyo na may kinalaman sa paksahin ng dyornal o antolohiya
- dagdag na trabaho ng may-akda bukod sa kanyang pangunahing posisyon
- organisasyong kinabibilangan
- tungkulin sa pamahalaan o komunidad
- kasalukuyang proyekto
- detalye sa pakikipag-ugnayan gaya ng e-mail address(kung kinakailangan)
2. Mahabang uri
- sinusulat bilang prosing bersiyong isang curriculum vitae
- binubuo ng 2 o 8 pahina at doble espasyo
KINAKAILANGAN SA MAHABANG URI
- entri sa encyclopedia
- entri sa aklat ng impormasyon gaya ng manunulat sa pilipinas
- tala sa aklat ng pangunahing manunulat o editor
- tala para sa mga hurado ng isang lifetime achievement award
- tala para sa administrador ng paaralan
iwasan ang pagsisinungaling
kinakailangang paunlarin ang sarili upang magkaroon ng laman at ningning ang sariling bionote
ABSTRAK
-ang termino niyo sa pananaliksik ay nangangahulugang buod ng isang sulatin. Maaari itong abstrak ng tesis,
disertasyon, o anumang uri ng pananaliksik. Pormal ng tono sa abstrak dahil difo nakapaloob ang
oinakamahalagang punta ng pananaliksik
- hindi tinatawag na abstark halimbawa ang buod ng pelikula
KAHALAGAHAN NG ABSTRAK
- dahil matutulungan nito ang sinomang mananaliksik o manunulat na higit pang mapaunlad ang isang paksa,
saliksik, o sulatin.
- hindi na kailangan basahin ang kabuoan ng pananaliksik upang matulog kung ito ay makakapagpayaman sa
isinusulat o kung malayo na ito sa kanyang paksa
- karaniwang 500 na salita lamang ang hinihinging kabuoan ng abstrak. Nakabatay ang haba ng abstrak sa
kahilingan ng guro o ng sinoman o ng institusyong nagpapagawa nito
- karaniwan ding hindi ito lalagpas ng isang pahina at doble-espasyo. Walang nakasulat na opinyon sa abstrak.
Ang lahat ng mababasa dito ay nakabatay sa katotohana. Hindi maaaring magdagdag ng higit aa
impormasyong makikita sa saliksik
- iwasan ang mga high-falutin na salita

You might also like