You are on page 1of 5

Q3 PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

KALIGIRANG KAALAMAN SA PAGSULAT

PAGSULAT
- Sistema ng komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinasalin
gamit ang papel at panulat

- Continuum process ng mga gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng


pagsulat bilang masalimuot na gawain sapagkat nangangailangan ng kasanayan

- Pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na


mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga
tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan

- (XING AT JIN) isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit,


talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento, kaugnay
ang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa

- (BADAYOS) ang kakayahan sa pagsulat ang mabisa ay isang bagay na totoong mailap
para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang
wika — ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo

- (PECK AT BUCKINGHAM) ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula


sa kaniyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa

PROSESO SA PAGSULAT (Garcia & Marquez, 2017)

● BAGO SUMULAT (Prewriting)


- Brainstorming
- Mag-isip at magtala ng mga kaalaman at karanasan na may kinalaman sa
paksa, pinagpapasiyahan kung ano ang susulatin, layunin, at estilong
gagamitin
● HABANG SUMUSULAT (Actual Writing)
- Sinusulat ang unang burador
- Karaniwang tuon ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral, lohika sa
sulatin
● PAGKATAPOS SUMULAT (Post-writing)
- Ginagawa ang mga pagbabago (pagdaragdag, pagkakaltas, paglilipat-lipat ng
mga salita, pangungusap, o talata)
- Pinagtutuunan ang mekaniks ng sulatin tulad ng baybay, bantas, at
gramatika
BAHAGI NG TEKSTO

1. Panimula
- Kinakailangang mapukaw ang atensyon ng mambabasa upang mahikayat na
tapusin ang babasahin
- Maaaring katanungan, kasabihan, o kataga na may kaugnayan sa paksa
- Kadalasang binubuo ng 2-3 pangungusap
2. Katawan
- Wastong paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda
- 7-10 pangungusap, depende sa mahalagang ideya na maibabahagi
3. Wakas
- Makapag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mambabasa, makabuluhang pag-iisip,
o repleksyon, maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay
- 2-3 pangungusap

URI NG PAGSULAT

● AKADEMIKO
- Sulating pampaaralan na layunin ay pataasin ang antas ng kaalaman
- Maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa

MGA KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN

➔ Pormal
➔ Obhetibo - pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral, binibigyang-diin
ang impormasyong gustong ibigay at mga argumento
➔ May Paninindigan - pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat dinudulog at
dinedepensahan
➔ May Pananagutan - pagkilala sa mga sanggunian
➔ May Kalinawan - malinaw na pagsulat ng impormasyon

● MALIKHAIN
- Sulating kinakailangan ng pagpapahayag ng damdamin
- Ginagamit ang imahinasyon ng mga mambabasa upang mapukaw ang damdamin

● TEKNIKAL
- Tekstong ekspositori, nagbibigay impormasyon para sa komersyal o teknikal
na layunin
- Pagsulat ng pangkalakalan, negosyo, produkto

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

● Impormatibong Pagsulat (expository) - makapagbigay impormasyon at paliwanag


● Mapanghikayat na Pagsulat (persuasive) - makumbinsi ang mga mambabasa
● Malikhaing Pagsulat - maikling katha, nobela, tula, dula
BIONOTE

- Maikling talang pagkakakilanlan sa pinakamahalagang katangian ng isang tao


batay sa kanyang mga nagawa
- Sulating nagbibigay impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya
sa mga tagapakinig o mambabasa (edukasyon, parangal, paniniwala)
- Ginagamit sa paglalathala ng mga dyornal, magasin, at iba pang publikasyon na
nangangailangan na ipakilala ang manunulat

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG BIONOTE


- Maikli ang nilalaman
- Pangatlong panauhan (niya, siya, kaniya)
- Kinikilala ang mambabasa
- Baliktad na tatsulok (mga natamong karangalan —> maliit na detalye sa buhay)
- Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian

● BALANGKAS SA PAGSULAT: prayoritisasyon ng mga impormasyong isasama sa bionote


● HABA: isa hanggang tatlong talata (depende sa pangangailangan): microblading
bionote, maikling bionote, mahabang bionote
● KAANGKUPAN NG NILALAMAN: para sa tiyak na tagapakinig o mambabasa sa isang
tiyak na pagkakataon
● ANTAS NG PORMALIDAD: nakadepende sa audience at klima ng mismong okasyon na
paggagamitan
● LARAWAN: propesyonal at pormal ang dating

PINAGKAIBA NG BIONOTE, BIODATA, AUTOBIOGRAPHY

BIONOTE
- Kredibilidad, akademiko
BIODATA
- Mayroong format, teknikal
AUTOBIOGRAPHY
- Karanasan, malikhain

RESUME vs CURRICULUM VITAE

RESUME - bago
CURRICULUM VITAE - mas detalyado, mayroong karanasan, ispesipikong propesyon

SINTESIS

- Syntithenai (put together or combine)


- Pagsasama ng dalawa o higit pang buod
- Pinagsama-sama na mga impormasyon, mahalagang punto, ideya upang mabuod ang
napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, maipasa ang kaalamang ito
sa sandaing panahon lamang
- Pag-ugnayin ang iba’t ibang impormasyon upang makalikha ng panibagong argumento
o panibagong pagtingin/perspektibo/pananaw ukol sa paksa
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

- Basahin mabuti ang kabuuang anyo at nilalaman ng teksto


- Pag-unawa sa teksto gamit ang pandama
- TATLONG URI NG PAGSUSUNOD-SUNOD NG MGA DETALYE:
● SEKWENSYAL - pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na
magkakaugnay sa isa’t isa
● KRONOLOHIKAL - pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang
detalye ayon sa pangyayari na may kaakibat na panahon (petsa)
● PROSIDYURAL - pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa na
may inaasahang matamo na resulta
- Isaalang-alang ang bahagi ng teksto
- Gamitin ang proseso sa pagsulat

MGA URI NG SINTESIS

● Background Synthesis
- Isang uri ng sintesis na nangangailangan pagsama-samahin ang mga
sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon
sa tema at hindi ayon sa sanggunian
● Thesis-driven Synthesis
- Halos katulad ng background synthesis, nagkakaiba sa pagtutuon
- Hindi simpleng paglalahad ng paksa kung hindi ay ang malinaw na
pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin
● Synthesis for the literature
- Sulating pananaliksik
- Pagbabalik-tanaw sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa

REPLEKTIBONG SANAYSAY

SANAYSAY
- Isang komposisyon na nagbibigay ng personal na kuro-kuro o opinyon ng may-akda
ukol sa isang paksa
- (BAELLO, GARCIA, VALMONTE, 1997) likas na katangiang ikinatatampok ng sanaysay
ay ang tahas na paglalaman nito ng pananaw, pagsusuri, at opinyon ng manunulat
sa isang pangyayari o isyu na napukaw ng kanyang damdamin

REPLEKTIBONG SANAYSAY
- Pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na
nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral
- Mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring kaniyang nasaksihan
- Naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na salaysay
at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende sa layon ng
manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan (Arrogante, Golla, Honor-Ballena,
2010)
- Anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon sa husay ng paggamit ng
estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat
para sa mambabasa, akademikong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa
pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan
- Gumagamit ng unang panauhan (ako, tayo, kami)
- Sariling kaisipan, damdamin, at karanasan (in-text references)

MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

1. Panimula
- Pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa
- Pampukaw sa interes
2. Katawan
- Malaking salaysay, obserbasyon, realisasyon, natutuhan
- Mga bagay na nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran,
o sistema
3. Wakas
- Mag-iwan kakintalan
- Mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinalaysay niyang
pangyayari at mga pananaw niya rito
- Masasabi ang ambag ng kaniyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at
kaalaman para sa lahat

You might also like