You are on page 1of 24

Ang Pagpili ng Batis ng

Impormasyon
ANG BATIS
Sa antas-akademik, katuwang ng pananaliksik ang pagpili ng mahusay
na batis o pinagkukunan ng impormasyong binabahagi sa anumang
binubuong produktong sulatin. Sa operasyonal nitong depinisyon, ito ay
ang pinagmulan ng anumang impormasyong umiiral na sa iba pang
pamayanan ng karunungan.
Ang pagpili ng wasto, naaayon at balidong batis ay isang praktika sa
ilalim ng kultura ng saliksik. Isa itong dambuhalang batayan sa kalidad
at kredibilidad ng pag-aaral.
ANG BATIS
Makikita rin sa batis ang pagtitipon ng uri ng sulating binubuo. Kasama rin dito ang
balidasyon at beripikasyon ng mga detalyeng ipinamamalas sa bawat teksto. Ang
pagpili ng batis ay kontekswalisado ayon sa pangangailangan ng tekstong sinusulat.
Ito ay isang kasanayang integrasyon ng kritikal at analitikal na pagbasa sa
impormasyon.
Sa malaking perspektiba, ang pagpili ng batis ay nagpapakita ng korelasyon sa
komprehensiyon sa nukleyo ng sinusulat, higit sa pagbabalangkas ng mga
pangunahin at pantulong na ideya. Susi rito ang matalinong pagsala ng
impormasyong maaaring mailangkap sa sulatin at ang pag-aayos nito alinsunod sa
mahusay na kohesyon ng mga ideya.
Batis Batay sa Iskolarsyip
Nito
Iskolarling Batis

Ang pagkaiskolar ng isang batis ay ayon sa pagtitiyak na anumang dokumentong


nakabatay sa mga saliksik at pag-aaral ng mga iskolar, guro, at iba pang dalubhasa
at espesyalista s isang tiyak na larang.
Pinagtitibay ito ng kahulugan ng University of Illinois library(2018), na ang
iskolarling batis, o kilala rin bilang sangguniang akademik, peer-reviewed, o
refereed ay isinulat ng mga eksperto sa isang particular na larang at naglilingkod
upang gawing bago at dinamiko ang mga impormasyong nababasa ng sinumang
interesado sa larang sa tulong ng mga napapanahong saliksik, natuklasan, at
akademikong dyornal.
Iskolarling Batis
Sa bahagi ng peer-reviewed sources, ang mga sangguniang ito ay nagdaraan sa
serye ng pagsusuri at paghihimay ng mga rebyuwer batay sa pamantayang
akademik ng kanilang larang. Ito ay sinusukat ayon sa tunguhin ng impormasyon at
ang katangiang interdisiplinari nito (o ang posibilidad ng pagtutulay at pagsasanib
nito sa iba pang larang).
Ang batis na ito ay makapagbibigay ng matibay na impormasyon para sa mga
sulatin. Dagdag na tuntunin sa pagtitipon ay ang pagkiling sa mahigpit na pagtugon
sa kahingian at pamantayan ng publikasyon o limbagan.
Taglay ng iskolarling batis ang mga
sumusunod na katangian:
1. Inaasahang ang mga iskolarling artikulo ay nagtataglay ng mahigpit na
pagsunod sa mga tuntuning panggramatika;
2. Inaasahan din ang wastong pagpapangungusap sumakatuwid tinitimbang din
dito ang ekonomiya ng mga salita at katumpakan ng pagbabantas;
3. Ang wikang gagamitin ay maaaring kompleks o akademik na maaaring kakitaan
ng disiplinari at teyoretikal na wika, at jargon;
4. Nilalagay rin dito ang mga pangalan ng mga iskolar/ekspertong nagsagawa ng
peer-reviewed o tinatawag bilang mga referee;
Taglay ng iskolarling batis ang mga
sumusunod na katangian:
5. Ang mga awtor ay mga iskolar o mananaliksik na kilalal sa kanilang
larang/ekspertis.
6. Idinaragdag din sa dulong bahagi ng anumang iskolarling artikulo ang tala ng
reperensiya, talababa, bibliyograpiya, limbagan ng mga unibersidad; (halimbawa:
University of the Philippines press, Ateneo De Manila Press) at iskolarling asosasyon
(Halimbawa: Philippine Journal of Linguistics ng Linguistic Society of the
Philippines).
Ang mga halimbawa ng iskolarling batis ay
mga:
1. Papel/saliksik na nagmumula sa mga akademikong kumperensya;
2. Mga nalimbag na saliksik na nagdaan sa pagsusuri/peer-review;
3. Mga dyornal na nilimbag sa publikasyon ng mga iskolarling asosasyon;
4. Mga artikulong nagdaan sa pagsusuri/peer-review;
5. Mga rebuy ng mga iskolarli at akademikong aklat at mga rebuy nito;
6. At iba pang sangguniang nagdaan sa proseso ng pagrerebyu ng iskolar.
Kadalasan namang ginagamit ang mga ganitong uri
ng batis sa mga sumusunod:
1. Akademikong pananaliksik;
2. Pamanahong papel;
3. Pangkursong papel/pananaliksik;
4. At iba pang uri ng pananaliksik gaya ng report sa mga organisasyon, tanggapan
ng pamahalaan, at asosasyon.
Di-iskolarling batis
Kaiba sa nauna, ayon sa Central Quuensland University Library(2018) ang di-
iskolarling batis ay nagbibigay-impormasyon at nagbibigay-aliw sa publiko.
Ang mga popular na batis ay kadalasang kinakatha ng mga mamamahayag at
nagtataglay ng mga adbertisment at may pangunahing layong kumita. Ang
impormasyon sa ilalim ng batis na ito ay sumasaklaw sa mga balita sa
pangkalahatang inters, mga profile ng mga kilalang tao, at mga sulating nagtataglay
ng polikal na opinion.
Ang isa pang uri ng di-iskolarling batis ay nagpapahintulot sa mga praktisyoner na
magbahagi ng industriya, praktika, at produksiyon ng impormasyon.
Di-iskolarling batis
Ang mga ito ay tinatawag ding professional or trade sources o mga sangguniang
sinulat ng at para sa mga propesyonal at praktisyoner sa isang particular na larang
o disiplina subalit wala naming ugnayang pampananaliksik. May hawig ito sa isang
iskolarling batis ngunit nagtataglay ang mga ito ng adbertisment bagaman
karamihanay nakatuon sa tiyak na propesyon o kalakalan (profession- or trade-
specific) at gumagamit ng mga piling jargon na mula sa ilang propesyon.
Taglay ng batis na ito ang ilang mga biswal, subalit ang mga ito ay para lamang sa
estetika ng teksto at kadalasang nakatema batay sa taglay na impormasyon ng
material.
Inuri ng University of Southern Californi (2017) ang mga
sumusunod na materyal bilang uri ng di-iskolarling batis:

1. Balita, pahayagan, at mga material na time-based;


2. Mga babasahing sinulat para sa pangmaramihang pagbasa(general readership);
3. mga sangguniang nakabatay sa adbokasiya o opinion;
4. Mga artikulong di nagtataglay ng sapat na reperensiya mula sa iba pang batis;
5. Publikasyon at kompilasyon ng mga datos at estadistika;
6. Primaryang batis;
7. Sangguniang pangkalakalan at pampropesyonal;at
8. Rebyu ng mga diakademikong aklat, pelikula, dula, obra, at iba pang
pangtatanghal, na hindi nagtataglay ng sapat na haba at walang
bibliyograpikong konteksto.
Tiniyak naman ng St. Charles Community College (2008) ang iba
pang pagkakaiba ng iskolarli at di-iskolarling batis:
Pamantayan Iskolarling batis Di-iskolarlin batis
Awtor Ang mga artikulo o aklat ay naisulat ng Ang mga artikulo ay maaaring naisulat ng mga
iskolar o propesyonal sa larang. Ang mga propesyonal na manunulat gaya ng mga
awtor ay pinapangalanan at isinasama ang mamamahayag na hindi eksperto sa larang.
kanilang mga kinabibilangang institusyon. Ang mga awtor ay hindi ppinapangalanan.
Pagsisipi Ang mga awtor ay inaasahang matapat na Ang mga awtor ay di-gaanong naglalahad ng
nagsisipi ng mga sangguniang gaya ng in- detalye sa mga sanggunian ng impormasyon
text referencing o paglalagay ng hindi sila gumagamit ng in-text referencing at
bibliyograpiya. walang bibliyograpiya.
Tiniyak naman ng St. Charles Community College (2008) ang iba
pang pagkakaiba ng iskolarli at di-iskolarling batis:

Nilalaman Ang mga teksto ay maaaring magtaglay Ang mga teksto ay nag-uulat ng mga pangyayari
ng mga resulta ng saliksik, at o opinyon at hinahangad nito ang
espesalisadong bokabolaryong para sa pangkalahatan awdyens paagkat ang wika nito
mga iskolarling awdyens. ay magaan lamang basahin.
Dibuho at Ang mga dilubho ng pabalat nito ay payak Ang mga dibuho ng mga aklat, dyornal, o website
Disenyo lamang at kontekstwalisado ayon sa ay nagtataglay ng maraming larawan at iba pang
disiplina. biswal. Ang mga dyornal (magasin) at website ay
kadalasang tumatanggap ng mga adbertisment
na kasamang nililimabag.
Paglilimbag Ang mga batis ay nililimbag para sa Ang mga batis na ito ay kadalasang binubuo
pamamahagi ng mga natuklasan na upang kumite. Ito rin ay maaring maging
salisik. Ito ay maaaring ilimbag lamang ng behikulo ng mga political, moral o etnik na
mga pamayanangiskolarli, mga opinion.
mananaliksik, at espesyalisadong
limbagan gaya ng mga unibersidad at
kolehiyo.
Tiniyak naman ng St. Charles Community College (2008) ang iba
pang pagkakaiba ng iskolarli at di-iskolarling batis:
Pag-iisyu Ang mga dyornal ay nilalagyan ng bilang Ang mga isyu ng dyornal (magasin) ay
ng isyu at tomo. kadalasang nagsisismula kaagad sa unang
pahina.

Panahon ng Ang paglilimbag nito ay estratidyik, Ang mga dyornal (magasin) ay nililimabag kada
paglilimbag maaring kada-buwan(monthly), kada buwan (monthly), kada lingo (weekly), kada
tatlong buwan(quarterly), o kada anim na araw (daily).
buwan(semi-annually).

Lugar Ang mga aklat at dyornal na ito ay Ang mga aklat at magasin na ito ay kadalasang
kadalasang makikita sa mga akademikong makikita sa mga bookstore, news agent at mga
aklatan. pampublikong akalatan.
Batis Ayon sa Pinagmulan
Nito:
Primaryang Batis
Nagpapamalas ang primarying batis ng direkta at orihinal na ebidenya at patunay
na may kaugnayan sa mga bagay, phenomena, pangyayari, kondisyon, sitwasyon, o
taong sinasaliksik.
Ang mga primarying batis ay tinuturing bilang pinakamalapit na koneksyon sa
paksa. Sa ganitong kondisyon, ang batis ay hindi pa nagdaraan sa anu mang
modipikasyon dulot ng interpretasyon at nagbibigay ng orihinal na diwa o bagong
impormasyon– ito ay itinuturing na orihinal, sa anumang uri ng pormat o
presentasyon ito pinapakita. Ang mga ito ay liha ng mga personal na nakaramdan o
nakasaksi sa isang pangyayaring naitala o nairekord sa anumang paraan.
Hinahayaan ng primarying batis ang isang mananaliksik na magsasagawa ng
pansariling interpretasyon kaysa sumandig sa interpretasyon ng iba tungo sa mas
epektibong paglalahad ng impormasyon.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng primarying batis:

1. Awtobiyograpiya at memoirs;
2. Iskolarling dyornal/artikulong naguulat ng bagong saliksik at natuklasan;
3. Talaarawan, personal na liham, at korespondenysiya;
4. Rekord ng mga pandinig sa korte (court hearing record);
5. Personal na email, blog, listervs, at new groups;
6. Pagsasalin ng isang orihinal na dokumento;
7. Mga patent ng mga natuklasan/imbensyon/nilikha/nakatha;
8. Orihinal na larawan, guhit, poster, sining at musika;
9. Mga ulat-teknikal
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng primarying batis:

10. Manuskrito;
11. Mga poll ng pampublikong opinion;
12. Datos na mula sa saliksik at estadistika, gaya ng census statistics;
13. Mga personal na dokumento gaya ng birth, marriage and death certificates,
trial transcripts at titulo ng lupa);
14. Opisyal at di-opisyal na record/dokumento ng mga organisasyon at tanggapan
ng pamahalaan; at
15. Mga artifacts gaya ng kagamitan, salapi barya, damit, muwebles, at iba pa.
Sekondaryang batis
Taglay ng sekondaryang batis ang pagsusuri sa anumang material o akawnt na
nagmula sa isang orihinal na batis. Binibigyang-interpretasyon ito ng isang panlabas
na tagasuri, pagkat hindi siya ang aktuwal na naka saksi sa pangyayari o nakaranas
ng phenomena –ang mga primarying batis.
Ang mga ito ay kadalasang suri o kritik na nagtataya sa mga umiiral na datos o
impormasyon. Kadalasang ito ay likha ng mga may akdang nakapagsuri ng samot-
sari at iba’t ibang primarying batis na nakapeta sa isang particular na panahon
habang nagsasagawa ng isang imbestigasyon tungo sa isang historical na paksa.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng sekondaryong batis:

1. Rebyu ng mga panitikan at meta-pagsusuring kadalasang nanganganak ng


panibagong pananaw o kongklusyon gaya ng mga nagdaan sa peer-review;
2. Mga komentaryo;
3. Teksbuk
4. Mga rebuy at pagsusuri sa mga umiiral na larawan, guhit, poster, sining at
musika;
5. Biyograpiya;
6. Opinyonado at replektibong pahayagan at mga artikulo nito; at
7. Diksiyonaryo, at ensayklopedya.
Tersaryang Batis
Ang batis na ito ay koleksyon, indeks, at konsolidasyon ng
primarya at sekondaryang batis. Ang mga ito ay
pangkalahatang pagtingin at sintesis ng naunang dalawang
batis.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tersaryang batis:AB

1. Guide books;
2. Almanac
3. Handbooks;
4. Mga manwal;
5. Mga bibliyograpiya; at
6. Mga abstrak, indeks, at ibang talang nagpapakita ng mga primarya at
sekondaryang batis.

You might also like