You are on page 1of 15

MGA BATAYANG KASANAYAN SA PANANALIKSIK

Pagtukoy sa Batis, Pagbabasa


MGA BATAYANG at Pagbubuod
KASANAYAN SA PANANALIKSIK

Jaymark A. Monforte
Jaymark Aguada Monforte
jaymark.monforte@deped.gov.ph
KASANAYAN SA PAGBUBUOD
PAGBABASA

PANANALIKSIK

PAGTUKOY SA TAMANG BATIS


ANG PAGPILI NG
BATIS NG IMPORMASYON
Ang kasanayan sa pagbabasa ay
isang pangangailangan ng isang
mananaliksik. Ang kakayahang
kumilala at magpasiya ng mga
nararapat na babasahín ang
tutulong sa mananaliksik upang
matukoy ang nararapat na batis
(sources) na gagamitin sa
isasagawang pag-aaral.
BATIS
Anumang reperensiya tulad ng
mga nailimbag na mga sulatin,
mga recorded na panayam,
pakikipanayam, pakikinig at iba
pa na makatutulong sa binubuong
pananaliksik
BATIS BATAY SA ISKOLARSYIP NITO
ISKOLARLING BATIS DI-ISKOLARLING BATIS
Isinulat ng mga eksperto tulad Nagbibigay-impormasyon at
ng iskolar, guro at ibang nagbibigay-aliw sa publiko.
dalubhasa sa isang partikular Ang mga teksto ay nag-uulat
na larang na nakabatay sa ng mga pangyayari o opinyon
mga saliksik at pag-aaral. Ang at hinahangad nito ang
mga teksto ay maaring pangkalahatang awdyens,
magtaglay ng mga resulta ng pagkat ang wika nito ay
saliksik at espesyalisadong magaan lamang basahin.
bokabolaryong para sa mga
iskolarling awdyens. Mula sa St. Charles Community College (2008) na binanggit sa aklat nina Bosque at
Mortera (2019)
MGA URI NG BATIS AYON SA PINAGMULAN
PRIMARYANG SEKUNDARYANG TERSARYANG
BATIS BATIS BATIS
Direkta at orihinal na P agsusuri sa Kalipunan , indeks at
ebidensiya at patunay anumang materyal o konsolidasyon ng
na may kaugnayan sa akawnt na nagmula sa primarya at
mga bagay, penomena, isang orihinal na batis sekundaryang batis
pangyayari, sitwasyon
o taong sinasaliksik

Pantulong sa Pananaliksik sa Filipino sa Iba’t ibang Disiplina nina Bosque at


Mortera (2019)
MGA URI NG BATIS AYON SA PINAGMULAN
PRIMARYANG SEKUNDARYANG TERSARYANG
BATIS BATIS BATIS
awtobiyograpiya, journal, rebyu ng mga panitikan, guide book, almanac,
artikulo, talaarawan, personal mga komentaryo, teksbuk, handbook, manwal,
na liham, rekord ng mga
pagsusuri o rebyu sa mga bibliyograpiya
pagdinig sa korte, personal na
email, pagsasalin sa orihinal na larawan, guhit, poster
dokumento, orihinal na atbp., biyograpiya,
larawan, guhit, poster, sining replektibong pahayagan,
at musika, ulat-teknikal, diksiyonaryo at
manuskrito, poll ng ensayklopedya.
pampublikong opinion, datos
na mula sa saliksik at
estadistika, personal na
ANG PAGBABASA
Ayon kay Goodman (1967) ang
pagbabasa ay isang
sosyolingguwistikong panghuhula.
Ang pagbabasa ay produkto ng
kompleks na kombinasyon ng iskema,
kondisyon, konteksto, mga
estratehiya at pang-unawa.
ESTRATEHIYA NG PAGBABASA
ISKIMING/PAHAPYAW NA PAGBASA
Pinakamadali at pinakamabilis na estilo na hinahagip
lamang ng paningin ang mga pahimaton sa teksto
a.Pagtuunang-pansin ang pamagat
b.Basahin ang huli at unang talata
c.Hanapin ang mga pangunahing ideya ng bawat
kasunod na talata
d.Pagtuunan ng pansin ang mga pahiwatig at
dibisyon
ESTRATEHIYA NG PAGBABASA
ISKANING O MASUSING PAGBASA
Masusing pagtingin sa kabuoan ng teksto at
paghahanap sa partikular na impormasyong may
kinalaman sa tinutugunang paksa
a.Parating isipin ang hinahanap
b. Suriin ang anyo ng organisasyon ng teksto
c.Basahin ang kabuoan ng teksto
ESTRATEHIYA NG PAGBABASA
CLOSE READING
Maingat at mabusising pagkuha at pag-unawa sa
pangunahing ideya ng teksto
Antas
1.Literal (Ano ang sinasabi ng teksto?)
2. Structural ( Paano nabuo ang teksto?)
3.Inferential (Ano ang ipinapakahulugan ng teksto?
4.Action-Oriented ( Ano ang nais baguhin ng teksto
sa iyo?)
Inilahad sa aklat na Kasanayan sa
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik ni Mortera (2012) ang
sumusunod na uri iba pang uri ng
pagbabasa: pagbasang may ekspresyon,
pagbasa sa bawat talata, pagbasa sa
bawat pahina, ugnayang tanong-sagot,
pamaraang SQ4R (Survey, Question,
Read, Record, Recite, Review), at
Metakognitibong Pagbasa.
ANG PAGBUBUOD
Ayon sa Diksiyonaryong Online ng UP
Diksiyonaryong Filipino (2018), maikling lagom o
pangkalahatang pagtingin sa isang bagay.
Mahalaga ang kasanayan sa pagbubuod dahil
malimit na tinitingnan lamang ang mga
mahahalagang detalye ng binasa na may
kaugnayan sa sinasaliksik. Tinukoy ni Buckley (2014)
sa Bosque et. al (2019), ang pagbubuod ay
pagbabawas ng teksto patungong 1/3 o 1/4 na
bahagi ng orihinal na anyo ng teksto.
PROSESO NG PAGBUBUOD
1. Basahin ang kabuoan ng tekstong ibinubuod
2. Basahin itong muli
3. Suriin ang mga naitala o tinandaang bahagi
ng ibinubuod.
4. Pagsama-samahin ang mga bahaging natipon
mula sa pagsasala
5. Suriin ang buod
6. Basahing muli ang binuod
SANGGUNIAN
Bosque, A. at Mortera, M. (2019). Pantulong sa Pananaliksik sa Filipino
sa Iba’t ibang Disiplina. Books Atbp. Publishing Corp. Lungsod
Mandaluyong.

Mortera, M. et.al (2012). Kasanayan sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik. Olimpia Publishing House. Taytay Rizal.

You might also like