You are on page 1of 13

Mga Uri

ng Teksto
Tekstong Tekstong
Impormatibo Reperensiyal
o Nagbibigay- o
kabatiran
Sanggunian
Tekstong Impormatibo
o Nagbibigay-kabatiran

1. Sistematikong pagbubuo, paghahanay at pag-uugnay ng mga ideya


upang magkaroon ng malinaw na ugnayan malinaw ng pagbabalangkas
ng mga datos, kaisipan, saloobin, katotohanan o ideya.
2. Tiyak at tumpak ang mga impormasyon.
3. Naglalayon ang tekstong ito na bigyan ng kabatiran ang sinumang
bumabasa o nakikinig.
4. Hinahawi ang kamangmangan tungkol sa isang ideya, obhetibo kaya
naman limitado ang pagkiling o paglalapat ng damdamin ng
nagpapahayag.
Mga Katangian ng
Tekstong Impormatibo

1. Naglalahad ng mahahalagang impormasyon, bagong


kaalaman, pangyayari, paniniwala, at tiyak na detalye para sa
kabatiran ng mambabasa.
2. Ang mga kaalaman o datos ay nakaayos nang may
pagkaksunod-sunod at inilalahad nang buong linaw.
3. Nagbibigay ito ng mga impormasyong nagpapalawak ng
kaalalaman at nagbibigay-linaw sa mga paksang kailangan ng
kasagutan o may alinglangan.
Kailangang isaalang-alang ng sinumang
nagbabasa at suriin ang teksto sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na tanong:
1. Sino ang may-akda?(Pagsusuri ng kredibilidad ng sumulat)
2. Ano ang layunin ng teksto? (Pagtitiyak sa pakay o layon ng
teksto)
3. Ang isinulat ba ay batay sa katotohanan? (Pagsasala ng datos
kung may batis o sources)
4. Paano inilahad ang impormasyon? (Pagsusuri sa paraan at
paraan ng presentasyon ng datos)
5. Napapanahon ba ang impormasyon? (Pagtitiyak sa kasariwaan
ng datos)
Tekstong Reperensiyal o
Sanggunian
- Ang tekstong ito ay mga tala ng impormasyon, kaalaman, o
kaisipan na nagmula sa anumang publikasyon (koleksiyon ng
isa o higit pang mga artikulo na naisulat sa limbagan, aklat
dyaryo, magasin at iba pang babasahin).
- Ito ay hinango sa kalipunan, sakop, o saklaw ng kaalaman ng
ntao na ang mga antas ng kahulugan at pagsasakonteksto ng
diwa.
- Ang kahulugan ng ekspresyon ng isang tekstong reperensiyal
ay kung ano ang nilalaman at sino ang tumutukoy nito.
Mga Uri ng Tekstong Reperensiyal o
Sanggunian

Abstrak– Ito ay kalipunan ng mga buod ng mahahalagang aklat,


artikulo, pananaliksik, o babasahin na kinapapalooban ng
pinakapangunahing paksa. Maaari itong nagpapaliwanag nagtuturo,
nagpapahiwatig, at nagbibigay kaalaman na nakasulat mula sa
pananaw ng sumulat.
Almanak– Ito ay aklat na naglalaman ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
Inilalahad nito ang pangkalahatang impormasyong ukol sa politika,
rehiyon, relihiyon, industriya, edukasyon, at iba pang bagay tungkol
sa idang bansa.
Mga Uri ng Tekstong Reperensiyal o
Sanggunian

Bibliograpiya– Sistematikong listahan ng mga aklat, dyornal


pahayagan, pananaliksik, at iba pang babasahin.
Diksiyonaryo– Kilala sa tawag na talahuluganan. Naglalaman ng
mga salitang nakaayos nang pa-alpabeto. Ibinibigay nito ang baybay,
bigkas, bahagi ng pananalita, pagpapantig at kahulugan ng isang
salita.
Direktori– Listahan ng mga tao, lugar, organisasyon, kompanya,
institusyon, at iba pang naghahatid ng impormasyon at mahahalgang
dtalye na nakasulat ng pa-alpabeto.
Mga Uri ng Tekstong Reperensiyal o
Sanggunian

Ensiklopedya – binubuo ng mga hanay ng aklat na nagtataglay


ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa. Maaaring set ng
mga aklat na nakaayos ng pa-alpabeto o isang aklat lamang na
nagtataglay ng mga artikulo tungkol sa mahahalagang
impormasyon mula sa iba’t ibang larangan at disiplina.
Handbook – Babasahing naglalahad at nagbibigay ng
impormasyon sa isang partikular na paksa na madaling
maunawaan. Ito rin ay sistematikong isinaayos para sa mabilis
na pag-access.
Mga Uri ng Tekstong Reperensiyal o
Sanggunian

Tesauro – Kahalintulad nito ang diksyonaryo. Ang


pagkakaiba lamang ay nagtataglay ito ng kasing
kahulugan at kasalungat ng mga salita.
Yearbook – Taunang pagdodokumento ng mga naipong
kaalaman, impormasyon, larawan, at estadistika ng mga
pangyayari sa isang partikular na paksa na nauukol sa
isang bansa o institusyon.
Mga Uri ng Tekstong Reperensiyal o Sanggunian
Ang tekstong Mauuri ang Abstrak
reperensiyal o tekstong Almanak
sanggunian ay mga reperensiyal sa Atlas
tala ng impormasyon, tatlong pangkat: Bibliyograpiya
kaalaman, o kaisipan • Hanguang Direktori
na nagmula sa Primarya Diksiyonaryo
anomang publikasyon • Hanguang Ensiklopedya
tulad ng aklat at sa iba Sekondarya Handbook
pang basahin. • Hanguang Tesauro
Elektroniko Yearbook
Paano mo maiuugnay ang teksto sa
mga susunod na aytem?

a.Sarili

b. Pamilya

c. Kapuwa

d. Pamayanan

e. Bansa
Paano nakatutulong ang teksto sa mambabasa? Ano-
ano ang bisa ng teksto sa isip, damdamin, at asal?

Bisa sa Isip Bisa sa Damdamin Bisa sa Asal

You might also like