You are on page 1of 28

A.Y.

2019-2020

Filipino 6
G. Johnny V. Abalos Jr.
Pang-araw-araw na Gawain :
Pambungad na Panalangin

Ating alalahanin na tayo ay nasa kabanal-banalang


harapan ng Diyos.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo Amen.

Personal na Panalangin (A-C-T-S)


Lasalyanong Panalangin

Lider: Sabay-sabay nating dasalin ang Lasalyanong panalangin.

Tugon: Ipagpapatuloy ko O Panginoon ko ang lahat ng aking mga magagandang gawain alang-alang sa pag-ibig ko sa Iyo.
Lider: Nuestra Senyora de La Salette,
tagapagkasundo ng sanlibutan.

Tugon: Ipanalangin Mo kaming walang


humpay na nananalig sa Iyo.
Lider: San Juan Bautista ng La Salette

Tugon: Ipanalangin Niyo kami.


Lider: Hesus manatili ka sa aming mga
puso.

Tugon: Magpakailanman.
Pagsasaayos ng silid

Pagtsek ng lumiban

I-update ang PATH


1) Pagdedistribyut ng mga namarkahang
LAS.

2) Ilakip ang LAS sa portfolio folder.


I- update ang iyong talaan ng nilalaman

LAS # Petsa Pamagat ng


Gawain

Paalala: Huwag magsulat ng anuman sa iskor. Ang guro na


ang mag-a-update nito.
 Pagbibigay ng bagong LAS.

Tala: Tupiin ang papel sa kaliwang bahagi nito


upang magkaroon ng isang pulgadang
puwang/palugit.
Isulat ang iyong Control Number
Isulat ang iyong Pangalan:

(Apelyido, Unang Pangalan, Gitnang


Inisyal)
Isulat ang Baitang:

6- St. John Baptist Dela Salle


Isulat ang Petsa:

Setyembre 6, 2019,
Biyernes
Gawain Bilang:
15
Itsek ang sabjek:

Filipino
Uri ng Gawain:

Konseptong Pangkaisipan

Dril/Pagsasanay
Pamantayang Pangnilalaman:

“Ang Lobo at ang Kabayo ”


Pamantayan sa Pagkatuto:

Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan


ng mga pangyayari sa kuwentong
napakinggan.
Sanggunian:

https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-l
obo-at-
ang-kabayo
Basahin ang pabula : “Ang Lobo at ang Kabayo ”

Mga Gabay na Tanong.

1) Bakit kinatatakutan ng ilang hayop sa gubat ang


lobo ?
2) Sino ang tinangkang lukuhin ni Lobo?
Nagtagumpay ba siya?

3) Paano tinangkang lukuhin ni Lobo si Kabayo?


Ang Lobo at ang Kabayo

Kahit may kaliitan, maaaring sakmal-sakmalin


ka ng masibang Lobo. Kapag natipuhan ka ng
hayop na ito, magtago ka na at tiyak na lalapain
ka nito. Kapag nangangalisag na ang mga balahibo
at pinaggigiyagis na nito ang mga pangil, umakyat
ka na sa pinakamataas na puno o tumakbo kaya sa
pinakamalayong burol upang di abutan at lapain
ang iyong katawan mula ulo hanggang talampakan.
Upang makapanloko, ang Lobo ay nagbabait-baitan. Isang tanghali nga habang ito ay ikot nang ikot sa kagubatan ay natanawan nito ang isang Kabayong nanginginain sa talahiban. Inggit na inggit ang naglalaway nang Lobo sa pagnguya-nguya ng Kabayo.
"Gustong-gusto mong nguyain ang mga talahib. Nakita kitang sarap na sarap sa panginginain kaya hindi na kita sinaluhan upang ikaw ay lubos na masiyahan. Di ka ba magpapasalamat man lang at ipinaubaya ko sa iyo ang buong talahiban?"
"Naloloko ka na ba?" galit na nag-aalma ang Kabayo. "Dapat mong malaman na una, ang talahiban ay hindi sa iyo at ikalawa, ang mga Lobong tulad mo ay hindi ngumunguya ng talahib. Lumayo-layo ka riyan at baka masipa lang kita. Alis diyan!"

Sa takot ng Lobo ay walang lingong tumalikod at umalis ito.


Gawain 1
Pangkatang Gawain
Madulang Pagkukuwento
Rubrik:
Interpretasyon 5 pts.
Bigkas 5 pts.
Tinig 5 pts.
Damdamin 5 pts.
20 pts.
Paghahanda: 15 minuto
Presentasyon: 5 minuto
Gawain 2
Sagutin ang mga katanungan sa loob ng 3-4 na pangungusap.

1) Bakit masama ang gawaing panloloko?


2) Ano kaya ang mangyayari kay Kabayo? Kay Lobo?
Ipasa ang papel

You might also like