You are on page 1of 3

LUNES

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Iba’t ibang Paraan ng Pananatili ng Kaayusan at Katahimikan


sa Tahanan at Paaralan

Maaari mong gawin ang mga sumusunod:

1. Palaging makitungo nang may paggalang sa mga kasapi ng iyong mag-anak.


2. Sumunod sa napagkasunduang tuntunin sa loob ng tahanan, kung
mayroong alituntunin na naitakda. Nararapat lamang na ito ay iyong
sundin.
3. Maging masaya sa tagumpay ng kasapi ng mag-anak. Tandaan na ang
kanilang tagumpay ay tagumpay mo rin.
4. Iwasan ang mainggit sa mga kasapi ng mag-anak. Ang pagiging maiinggitin
ay hindi magandang gawain. Unawain ang dahilan kung bakit minsan ay
hindi napagbibigyan ang iyong kagustuhan.
5. Maging mapagpakumbaba at mapagpatawad. Kung minsan ay
nagkakasakitan kayo ng kasapi ng iyong mag-anak. Ang pag-amin sa
pagkakamali at paghingi ng tawad ay mabuting gawi. Mas maigi rin na
iwasan na makasakit pang muli.

PANUTO: Sa tulong at gabay ng iyong magulang gumuhit ng masayang


mukha kung ang sitwasyong ay nagpapakita ng kaayusan at kapayapaan sa
pamilya at malungkot na mukha kung hindi.

_______1. Binati mo ang nanalong kapatid nang maglaro kayo ng sungka.

_______2. Humingi ng paumanhin sa ate dahil natabig ang kanyang baso

nang hindi sinasadya.

_______3. Ayaw ipahiram ni kuya ang kaniyang laruan sa bunsong kapatid.

_______4. Hindi pinansin ni kuya si bunso dahil tinalo siya sa laro.

_______5. Ipinagmalaki mo ang panalo ng iyong kapatid


LUNES
MATHEMATICS

Pagguhit ng Buong Region o Pangkat batay


sa ½ o ¼ na Bahaging Natira

Kung ang ibinigay na set ng mga bagay ay ½ o ¼ ng isang set.


Upang malaman kung saang set/pangkat ito nagmula:

A. Bumuo ng 3 iba png pangkat na may magkasindami ng laman.


Pagsama-samahin ang mga laman ng 4 na pangkat upang makabuo
ng isang bagong pangkat. Sa pangkat na ito nagmula ang ¼.
B. Bilangin ang mga bagay sa loob ng pangkat. Pagsamahin ang mga
bilang. Ang sagot sa pinagsamang bilang ay ang pangkat kung
saan nagmula ang ½ o ¼.

PANUTO: Ang kalahati at sangkapat ng isang buo ay nawawala.


Piliin ang titik ng tamang sagot.
LUNES
MAPEH (MUSIC)

Iba’t ibang Uri ng Tunog

Ang purong tunog ay ang tunog na pino, malinis, makinis, diretso,

at may kaukulang tono. Ito ay maaaring lumikha ng mataas o mababang

tono, at kadalasan ay mahaba ang tunog. Halimbawa:

Ang tunog na hindi puro ay may tunog na hindi pino, magaspang

at walang kaukulang tono. Mahirap tukuyin kung ito ay mataas o

mababa, at kadalasan ay maikli lamang ang tunog nito.

Halimbawa:

PANUTO: Isulat sa patlang ang tsek / kung ang ganap sa larawan

ay may purong tunog. Isulat naman ang ekis X kung ito ay may tunog na

hindi puro.

_____1. Pag-awit ng isang tono

_____2. Paghampas ng silya

_____3. Pagputok ng bulkan

_____4. Pagtapik ng tinidor sa baso

_____5. Pagpindot sa tiklado ng piano

You might also like