You are on page 1of 20

Welcome to E.s.P. 1 Class!

Mr. Rey Steve A. Sale


Guro
Nakapagpapakita ng Pagiging Masaya Para sa
Tagumpay ng Ibang Kasapi ng Pamilya at
Kamag-aral
(Esp 1PPP-IIIa-e-3)

Ang Layunin:
1. Nakapagpapakita ng mga paraan upang makamtan at mapanatili
ang kaayusan at
kapayapaan sa tahanan at paaralan tulad ng
pagiging masaya para sa tagumpay ng ibang
kasapi ng pamilya at kamag-aral
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
 Ang modyul na ito ay naglalaman nang mga paraan upang
makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa
tahanan tulad ng pagiging masaya para sa tagumpay ng
ibang kasapi ng pamilya at kamag-aral.
Pagganyak
 Dito matututunan na nagbibigay kapayapaan sa
loob ng pamilya ang pagsuporta at pagiging masaya sa
tagumpay ng kasapi ng pamilya at maging mga kamag-aral.
Pagtatalakay
 Basahin ang maikling tula.

Kasiyahan Mo, Kagalakan Ko!


Isinulat ni : Christine Joy C. Cagud
Tagumpay ay nararanasan
Kabigua’y di maiiwasan
Sa buhay ay ganyan

Ang pagiging masaya


Sa tagumpay ng iba
Ay mainam na gawa
Pagtatalakay
Ang pagbati ng masaya
Ngiti sa puso ng iba
Sa buhay nagbibigay sigla

Pag-angat at tagumpay
Kamag-aral o kasama sa bahay
Ay biyaya na dapat ikasaya
Pagtatalakay
Kasiyahan mo, kagalakan ko!
Isang kawikaan na totoo
Pagsang-ayon ng maraming tao

Matutong maging masaya


Sa tagumpay ng iba
Magiging mapayapa ang pagsasama.
Pagtatalakay
Sabihin ang iyong sagot tungkol sa mga sitwasyong nasa ibaba.
1. Ang iyong pinsan na si Charity ay nanalo ng unang
puwesto sa pag-awit sa Pilipinas Got Talent. Ano ang sasabihin
mo sa kanya?
2. Ang iyong kuya ay nakahanap ng bago niyang
trabaho. Bilang nakababatang kapatid ano ang
iyong sasabihin sa kanya?
Pagtatalakay
3. Si Sharon ay iyong kaklase. Siya ay may angking
talento sa pag-awit at kumatawan ng inyong klase
sa paligsahan sa pag-awit. Siya ay nanalo ng unang puwesto.
Ano ang sasabihin mo sa kanya?
4. Si Lolit na iyong kamag-aral ay nagkamit ng unang
karangalan. Ano ang iyong sasabihin sa kaniya?
Pagtatalakay
Basahin ang mga si-
nabi ng bata. Anong
titik ang nagpapakita
ng pagiging masaya
sa tagumpay ng
kasapi ng pamilya o
kamag-aral.
Paglalapat
Piliin sa loob ng ang tamang salita na bumubuo sa mga
sumusunod na pangungusap.
mapayapa masaya tagumpay
pamilya kamag-aral kaguluhan

1. Ang maging __________________ sa tagumpay ng iba ay


mabuting pag-uugali.

2. Makakamit ang masaya at ____________________ na


pagsasama sa loob ng pamilya kung may suporta sa bawat isa.
Paglalapat
3. Ang _________________ ng ibang tao ay isang biyaya na
nararapat ipagbunyi.
4. Ang kasiyahan ng isang kasapi ng _________________ ay
mahalagang ipagdiwang ng bawat isa.
5. Ang tagumpay ng ______________________ o kaklase ay
nararapat na bigyang halaga sa pamama- gitan ng pagiging
masaya para sa isa’t-isa.
Paglalahat
Ang modyul na ito ay naglalaman nang mga paraan upang
makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa
tahanan tulad ng pagiging masaya para sa tagumpay ng ibang
kasapi ng pamilya at kamag-aral.
Pagtataya
Piliin at bilugan ang titik nang tamang sagot.
1. Natapos nila Mang Tonyo at Roy ang paggawa ng
kulungan ng mga manok. Ano ang maaari mong
sabihin sa kanila?
a. Hindi maganda ang ginawa ninyong kulungan.
b. Mas mabuti sana kung mas malaki ang inyong
ginawa.
c. Wow! Binabati ko kayo at natapos na ninyo ang
kulungan ng mga manok.
2. Isa si Cinta sa mga nanalo sa paligsahan sa pagguhit sa inyong
paaralan. Ano ang…
Pagtataya
…gagawin mo kapag nakita mo siya?
a. Kakamayan ko siya at batiin.
b. Hindi ko siya papansinin.
c. Aawayin ko siya.
3. Nang umuwi ang iyong kuya na isang OFW, siya ay
sumailalim ng kwarantin ng labing-apat na araw.
Natapos niya ito na walang naramdamang anumang sakit. Ano
ang gagawin mo pagdating niya sa inyong bahay?
a. Hindi ko siya papansinin.
b. Titingnan ko lamang siya.
Pagtataya
c. Babatiin ko siya ng, “Maligayang pag-
dating kuya!”
4. Ang grupo ng mananayaw na nakakuha ng unang
puwesto sa paligsahan ay mula sa inyong klase. Ano ang
sasabihin mo sa kanila?
a. Magaling! Binabati ko kayo sa inyong
pagkapanalo.
b. Hindi naman kayo magaling tsamba lang yun.
c. Boo! Binayaran siguro ninyo ang mga hurado kaya kayo
nanalo.
Pagtataya
5. Si Kring ay magaling sa pagbabaybay. Siya
ang nanalo sa inyong klase. Bilang kamag-
aral ano ang sasabihin o gagawin mo?
a. Hindi ko na siya kakaibiganin.
b. Hindi ko siya kikibuin.
c. Papalakpakan at babatiin ko siya sa kanyang
pagkapanalo.
Takdang-Aralin
Isulat ang tsek ( ) kung ang mga pahayag ay nagpapakita ng
pagiging masaya sa tagumpay ng iba at (X) kung hindi.
____ 1. “Bakit siya ang nanalo e mas magaling ako?”, wika ni
Nilo kay Nene.
____ 2. “Magaling! Ipagpatuloy mo iyan”, bati ni Binibining
Santos kay Jose.
____ 3. “Mabuti at nakatapos ka ng pag-aaral, maligayang bati
sa iyo”, wika ni Jun sa nakababa- tang kapatid.
Takdang-Aralin
____ 4. “Boo! Boo!”, sigaw ng mga kamag-aral ni Lisa ng siya
ay nanalo bilang pangulo ng kanilang sa klase.
____ 5. “Salubungin natin ng masigabong palakpakan ang
bagong kasal!”, pahayag ng mamahayag sa
okasyon.

You might also like