You are on page 1of 9

Baha

Ma. Luisa Lining

Si Rumi ay mahilig magtapon ng kalat kahit saang lugar.

Nagbara ang kanilang kanal dahil sa kalat na kaniyang itinapon.

Isang gabi, habang siya ay mahimbing na natutulog, bumuhos

ang malakas na ulan. Ang kalat na kaniyang itinapon ay pumasok

sa kanilang bahay. Nagulantang siya sa mga pangyayari. Nagsisi

siya. na kung hindi siya makalat, hindi babaha sa kanilang lugar.

Pagkahupa ng baha, agad siyang tumulong sa paglilinis ng

kanilang bahay at ng kanilang barangay. Mula noon, hindi na

nagkalat si Rumi.

Mga Tanong sa Pagkaunawa:

1. Ano ang pangalan ng pangunahing tauhan sa maikling


kuwento?
2. Ano ang katangian ng pangunahing tauhan sa maikling
kuwento?
3. Bakit bumalik sa kanilang tahanan ang mga kalat na
tinapon niya?
4. Paano naipakita ng pangunahing tauhan ang kaniyang
pagsisisi?
5. Ano ang aral na napulot mo sa maikling kuwento?
Ang Uwak at Ang Pitsel
Aesop

Isang nauuhaw na uwak ang nakahanap ng banga na

may lamang tubig. Ngunit hindi abot ng kaniyang tuka

ang tubig sa loob ng pitsel kaya hindi niya mainom ang

tubig. Nagkaroon siya ng ideya at kumuha ng maliliit na

bato. Isa-isa niyang inilagay ang mga bato sa pitsel at sa

wakas ay unti-unting tumaas ang tubig hanggang abot na

ng kaniyang tuka ang tubig.

Mga Tanong sa Pagkaunawa:

1. Nagustuhan mo ba ang kuwento?

2. Anong paraan ang ginamit ng uwak upang

makainom ng tubig?

3. Anong aral ang napulot mo sa kuwento?

You might also like