You are on page 1of 4

Filipino 4

2nd Grading

Panuto: Tukuyin ang panghalip na pananong sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.

_______________ 1. Sino-sino sa mga bata ang sasama?


_______________ 2. Alin sa mga ito ang gusto mong bilhin?
_______________ 3. Bibisitahin nino-nino ang ating paaralan?
_______________ 4. Ilan-ilan ang mga kending isinilid sa mga supot?
_______________ 5. Tinanggap nino ang liham na ipinadala ko sa iyo?
_______________ 6. Alin-alin ang mga napili ni Melai sa mga laruang uwi mo?
_______________ 7. Sino ba ang nagpadala nito sa iyo?
_______________ 8. Ano-ano pa ang mga bibilhin mo para sa nanay?
_______________ 9. Anong bulkan ang matatagpuan sa Bicol?
_______________ 10. Magkano ang isang dosenang itlog?

Panuto: Tukuyin ang angkop na panghalip pananong na tamang pamalit sa


pangngalang nasa loob ng panaklong sa loob ng pangungusap.

_______________ 1. Sinundo ni Lola Cita si (Teresa). ( ano, sino, alin, nino)


_______________ 2. Bumili ang babae ng isang kilo ng (mangga). ( gaano, ilan, ano, alin )
_______________ 3. Ang matanda ay nagtanong kina (Janet at Sylvia). ( kanino, sino, kani-kanino,
sinu-sino)
_______________ 4. Inabutan ng mayaman ng (sandaang piso) ang matandang pulubi. (gaano,
magkano, nino, kanino)
_______________ 5. Umorder ako ng (limang kilong) lansones kay Mang Cesar. (alin, ilan, gaano,
ano)
_______________ 6. Sina (Lilibeth at Sharon) ay matatalinong mag-aaral ni Gng. Santos. ( sino,
sino-sino, nino, nino-nino)
_______________ 7. Ang (singsing) ay ibinigay sa kanya ng nanay niya. (ano, kanino, alin, sino)
_______________ 8. Si Nina ay ibibili ko ng (blusa, palda, at sapatos). (sino-sino, ano-ano, alin-alin,
ilan-ilan)
_______________ 9. Sa mga dala kong bag, ang (asul) ang pinili ni Rod. (ilan, alin, ano, sino)
_______________ 10. Ipinamana ng lola kay (Belen) ang antigong kwintas. (kanino, nino, sino, ano)
Panuto: Punan ng wastong panghalip na pananong ang patlang.

1. __________________ ang mga kaibigan mo?


2. Isinulat _________ ang tula?
3. ____________ ang isang kilo ng bigas?
4. ___________ beses ka naglalaba sa isang lingo?
5. _______________ sa mga ito ang pipiliin mo para kina Ted at Maila?
6. _______________ ang mga pagkaing nais mong ihanda ko sa iyong kaarawan?
7. _________ ang paborito mong aktor?
8. _________ ang aawitin mo sa ating programa?
9. ______________ sa mga panauhin ibibigay ang mga regalo?
10. ______________ ang mga dadalaw sa ampunan.

Panuto: Tukuyin ang angkop na panghalip na pamatlig sa loob ng pangungusap.

1. (Dito, Ganito, Heto) mo itago ang iyong mga gamit.


2. Nagustuhan ko ang damit na suot mo noong Lunes. Tinahi ba (hayun, ganoon, iyon) ng nanay mo?
3. (Ganito, Ganyan, Ganoon) ang tamang paraan ng paghawak sa byulin. Tularan niyo ako.
4. Tutulungan mo pala akong maglinis dito. O, (heto, hayan, hayun) ang isang walis. Kunin mo.
5. Tingnan mo ang hawak kong larawan. Kuha (ito, iyan, iyon) noong magbakasyon ako sa probinsya.
6. (Iyan, Diyan, Hayan) ang gupit sa buhok na bagay sa iyo.
7. Ang bahay ni G. Luna (heto, hayan, hayun) sa dulo ng Kalye Amapola.
8. (Dito, Diyan, Doon) sa tabi mo ako uupo, ha?
9. Ang pista sa nayon ay (ganoon, doon, iyon) gaganapin.
10. (Ito, Dito, Ganito) titira ang Tito Louie mo.
11. (Dito, Rito) ka na magpalipas ng gabi.
12. Ayaw niya (doon, roon) kaya uuwi na siya bukas.
13. Magkasabay palang dumating (diyan, riyan) ang magpinsan.
14. Maaga siya (dito, rito) kahapon pero nagmamadali ring umalis.
15. Totoo nga ang sinasabing ang mga bahay (diyan, riyan) ay pawing yari sa pawid.
16. Dina ( hayan, hayun) pala sa tabi moa ang aking bag. Pwede pakiabot.
17. Maganda ang hawak mong pitaka. ( Iyan, Iyon) ba ang ibinigay ni Mark nung kaarawan mo.?
18. Huwag ka nang umuwi ngayon. (Dito, Rito) ka na matulog sa aming bahay.
19. Naku! (Doon, Hayun, Iyon) si Rosie sa malayo. Baka siya malunod.
20. Tingnan mo ang ginagawa ko. (Ganito, Ganyan, Ganoon) ang paggawa ng marble cake.
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng panghalip ang panghalip na nasa loob ng panaklong.

_______________ 1. (Ako) ay inanyayahan sa isang piging sa kabilang nayon.  


_______________ 2. (Siya) ay isang tanyag na mang-aawit.
_______________ 3. Ang bestida ay idinisenyo (niya).
_______________ 4. Ang itatanghal na dula ay pinaghirapan (namin).
_______________ 5. (Kanila) ang malaking bahay na tutuluyan ng magkakaibigan.
_______________ 6. (Heto) ang hinahanap mong sapatos.
________________ 7. (Alin-alin) ba ang napili mo mula sa mga kulay na ito?  
_______________ 8. (Sino – sino) ang mga lalahok sa paligsahan?
_______________ 9. (Ano) ang gusto mong regalo sa darating na pasko?
_______________ 10. (Ganito) ang pagtatahi ng butas na damit.

Panuto: Tukuyin ang angkop na panghalip sa loob ng panaklong.

__________ 11. (Ako, Akin) ay naglalaro ng bola.


__________ 12. (Ako,Kanya) itong malaking libro.
__________ 13. Baka (tayo,sayo) ang mapagalitan.
__________ 14. Sa (kanila,sayo) itong maliit na lobo.
__________ 15. (Sila, Amin) ay naglalaro.
__________ 16. Maghati-hati kayo sa binigay kong pasalubong.
__________ 17. Masarap ang pagkaing linuto mo.
__________ 18. Sino ang nagmamay-ari ng tuwalyang ito.
__________ 19. Doon ang papuntang simbahan.
__________ 20. Ang bagong laruan na binili ni Nanay ay akin.

Panuto: Ibigay ang pawatas.

_______________ 1. sasambahin
_______________ 2. kumain
_______________ 3. magtatapon
_______________ 4. minamahal
_______________ 5. naglalaro
Panuto: Tukuyin kung SANHI o BUNGA ang mga salitang nasa loob ng panaklong?

1. ____________ (Napagalitan siya ng kanyang ina) sapagkat hindi niya sinunod ang utos nito.
2. ____________ Dahil sa hindi pagpaplano nang maayos ng pamilya (kaya lumulobo ang bilang ng
populasyon.)
3. ____________ (Hindi siya nag-aral nang mabuti) kaya nakakuha siya ng mababang grado sa
pagsusulit.
4. ____________ (Dahilan ng matinding bagyo) kaya marami ang mga nasalantang tahanan.
5. ____________ Unti-unting nasisira ang likas na yaman (dahil sa ating kapabayaan).

Panuto: Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang salitang nasa loob ng panaklong?

_______________ 1. Si Maria ay (maglalaba) mamayang hapon.


_______________ 2. (Sumayaw) sa entablado ang magkakapatid.
_______________ 3. Kagigising lang ni Tatay kaya (magtitimpla) na ako ng kape para sa kanya.
_______________ 4. Ang mga programa ng DOH ay (itinataguyod) ng mga lokal na pamahalaan.
_______________ 5. Ang bata ay (tumutugtog) ng gitara.
_______________ 6. Si Mario ay (maglalaro) ng basketboll bukas.
_______________ 7. Sino ang mag-aalaga sa mga bata habang (nagtatrabaho) ka sa Dubai?
_______________ 8. Ang masipag na estudyante ay (nagbabasa).
_______________ 9. Si Jasmin ay (nagtagumpay) sa paligsahan sa pagsusulat ng tula.
_______________ 10. Ang lalaki ay (sumaklolo) sa matandang babae na nahimatay.

You might also like