You are on page 1of 1

Pangalan:

Marka:

II. Bilugan ang pang uri sa bawat pangungusap. Tukuyin din ang kaantasan ng mga ito at isulat ang
sagot sa patlang.
Antas ng Pang-uri : Lantay, Magkatulad, Palamang, Pasahol, Pasukdol
__________1, Masarap ang kapeng barako sa Batangas
__________2. Siya ang pinakamabait na guro kaya mahal na mahal naming siya.
__________3.Mas masustansya ang gatas ng ina kaysa sa pinulbos na gatas ngbaka.
__________4.Mabango ang kaning nilagyan ng pandan.
__________5.Di gaanong mainit ngayon kumpara kahapon.
__________6.Magsindami ang lalaki at babaeng mag-aaral sa kanilang klase.
__________7. Siya ang hari ng ingay sa klase,
__________8. Higit na mahirap lumisan sa bansa kapag ikaw ay may pamilya na.
__________8. Talagang maingat siya sa kanyang mga desisyon sa buhay,
__________9. Ang dangal ay di-hamak na mahalaga kaysa ginto.
___________10. Malakas ang ulan kagabi kaya maimbing ang tulog ko.
___________11. Ang damit na suot ni Rudy ay lumang-luma na.
___________12. Ang tubig sa dagat ay mas malalim kaysa ilog.
___________13. Di-gaanong mahal ang isda kaysa karne.
___________14. Magsimbilis ang takbo ng sasakyan sa SLEX at NLEX.
___________15. Maligaya sila sa kanilang buhay kahit sila ay mahirap.

III. II. Piliin sa loob ng kahon ang tamang kasagutan. Isulat ito sa patlang.
Salawikain Sawikain Bugtong
Kasabihan
_____________1. Huli man daw at magaling, naihahabol din.
_____________2. May puno walang bunga, may dahoon walang sanga.
_____________3. Isang kahig, isang tuka.
_____________4. Putak, putak Batang duwag Matapang ka’t Nasa Pugad
_____________5. Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin
_____________6. Malikot ang kamay
_____________7. Kung may isinuksok, may madudukot
_____________8. Takbo rito, takbo roon, di makaalis sa tayong ito.
_____________9. Ayan na ayan na , hindi mo pa makita.
_____________10. Baston ni Adan, hindi mabilang.

IV. BUGTONG-BUGTONG. Isulat sa patlang tamang sagot sa mga sumusunod na bugtong,


___________1. Dalawang batong itim malayo ang nararating,
___________2, Heto na ang magkapatid naguunahang pumanhik.
___________3.Nakayuko ang reyna hindi nalalaglag ang korona.
___________4.Isda ko sa Mariveles nasa loo bang kaliskis.
___________5. Dumaan ang hari nagkagatan ang mga pari.

You might also like