You are on page 1of 3

Saint Francis de Assisi School of Multiple Intelligences

Ikatlong Markahang sulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Pangalan: __________________ Iskor: ___________

Guro: Bb. Charissa C. Placido Petsa: ____________

(Mahigpit na pinagbabawal ang pagbura.)


I.Panuto: Isulat ang T kung tama ang sinasaad at M kung mali ang pahayag.

_____1. Ipagdasal ang taong may awtoridad.


_____2. Pagkatiwalaan ang taong may awtoridad.
_____3. Maging mabUting halimbawa ng tagasunod sa mga taong nasa paligid ninyo.
_____4. Alamin at intindihin ang mga patakaran at ipalagay ninyo na hindi lahat ng magiging
desisyon ay magugustuhan ninyo.
_____5. Magbigay mula sa puso.
_____6. Maging mabuting tagapakinig.
_____7. Magturo sa nangangailangan.
_____8. Patawarin ang nagkasala sa iyo.
_____9. Masaya ang taong patuloy na gumagawa ng kabutihan sa kapwa.
_____10. Higit na pagpapahalaga sa sarili at kakayahan.
_____11. Humahaba ang buhay ng mga taong regular na tumutulong sa kanilang kapwa.
_____12. Ang paggawa ng kabutihan ay nagpapaunlad ng pamayanan.
_____13. Nagsisinungaling ang tao para maproteksyunan ang sarili.
_____14. Nagsisinungaling ang tao para tumaas ang pagpapahalaga sa sarili.
_____15. Nagsisinungaling ang tao para maproteksyunan ang damdamin ng ibang tao.
_____16. Nagsisinungaling an gang tao para sa pakikipag-kaibigan.
_____17. Nagsisinungaling ang tao dahil umiiwas siya sa katotohanan.
_____18. Dahil sa katamaran, nakakagawa ng masama ang tao.
_____19. Dahil sa labis na paghahangad, nakukuhang gumawa ng hindi dapat ang tao.
_____20. Sa pagiging tapat, nalalayo ka sa kapahamakan.
_____21. Mainam ng magsinungaling wag lang makasakit ng damdamin ng ibang tao.
_____22. Ang pagsisinungaling ay hindi kasalanan kung ikaw ay may pinoproteksyunan lamang
na tao.
_____23. Ang pagsisinungaling ay sandata upang hindi makapanakit ng damdamin ng ibang tao.
_____24. Hindi kasalanan ang pagsisinungaling kung ginawa mo ito para hindi ka mapahamak.
_____25. Nakakatulong ang pagsisinungaling para maitago ang mga katotohanan.
_____26. Ang labis na paghahangad ng tao ay nakakatulong sa lahat ng bagay.
_____27. Ilihim na lamang ang mga ginawang aksyon dahil baka mapahamak lamang.
_____28. Ang labis na pagiging tapat ay nakakapahamak sa tao.
_____29. Ang taong tapat ay lagging iniisip ang kanyang sariling kapakanan.
_____30. Magsasabi lamang ng katotohanan kung nasa piligro na ang kalagayan.
_____31. Unang paraan ng pagiging tapat ay pagtanggap sa sarili.
_____32. Huwag pabayaan na idikta ng iba ang dapat at hindi mo dapat gawin.
_____33. Tanggapin ang kakayahan at sarili mong kahinaan.
_____34. Ituon ang iyong sariling atensyon sa mga bagay na magpapaunlad sa iyo.
_____35. Ang taong tapat ay lagging nagsasabi ng katotohanan.
_____36. Kailangan natin pahalagahan ang ating birtud.
_____37. Ang taong totoo ay hindi nagkukunwari para mapabuti.
_____38. Ang pagkuha ng gamit na hindi sa iyo ay hindi pagiging totoo.
_____39. Aminin ang mga bagay na iyong nagawa kahit walang may nakakita.
_____40. Hindi ka tapat kung ayaw mong aminin ang mga ginawa mong mga kasalanan.
_____41. Pag-uwi sa bahay bago magi ka-sampu ng gabi.
_____42. Pagpapaingay gamit ang kaldero sa halip na paputok sa Bagong taon.
_____43. Pagsunod s autos ng Tiyuhin na bumili ng sigarilyo sa tindahan.
_____44. Pag tawid sa footbridge kahit malapit lang ang pupuntahan.
_____45. Pagtaya sa lotto sa halip na magsugal.
_____46. Pakikipagkaibigan sa tanod ng paaralan na pumapayag na palabasin kayo kahit wala sa
oras.
_____47. Pagtulong sa pagbuhat ng mga aklat ng guro.
_____48. Pagbati ng magandang araw sa mga Manang na nagtitinda sa inyong mga kantina.
_____49. Pag-iwan sa mga pinagkainan kapag nakita na ang mga tagapaglinis ng paaralan.
_____50. Paggamit ng mga gadyet sa oras ng talakayan ng guro.

II.Panuto: Bilugan ang mga bilang na nagpapakita ng paggawa ng kabutihan sa kapwa.


1. Pagbibigay ng dugo sa Red Cross.
2. Pagtawag sa magulang kahit walang okasyon.
3. Pag-aalok ng silya para sa nakakatanda.
4. Magparaya sa pila.
5. Pasalamatan ang tagasilbi sa isang kainan.
6. Ngumiti sa makasalubong, kahit hindi kilala.
7. Pagsulat ng pasasalamat sa dating guro.
8. Pagbigay sa iyong lumang sapatos at damit.
9. Pakikipag-usap sa mga preso.
10. Pagpapakopya ng takdang-aralin sa kaklase.
11. Pagbisita sa bahay-ampunan.
12. Pagpapatawad sa mga nagkasala sa iyo.
13. Magluto at magpakain ng may sakit.
14. Makinig sa bali-balita ng kapit bahay.
15. Sumali sa mga programa ng simbahan.
IIIA.Panuto: Bilugan ang titik ng kasingkahulugan.
1. Bumabagabag
a. Gumugulo b. Kalmado c. Nangaabala
2. Ikalulugod
a. Ikasisiya b. Ikahihiya c. Ikagagalit
3. Magpagpaimbabaw
a. Mapagkunwari b. Mapagmataas c. Mapagpalaya
4. Namayapa
a. Nasiyahan b. Naglakbay c. Namatay
5. Sinagoga
a. Bahay b. Gusali c. Sambahan
IIB.Panuto: Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng salita.
_____1. Hinalughog
a. Hinanap b. Nagmasid c.Hinukay
_____2. Kumokontra
a. Lumalaban b. Nakiki-ayon c. Sumasalungat
_____3. Mapagpanggap
a. Mapagpasikat b. Mapagkunwari c. Mayabang
_____4. Balatkayo
a. Hambog b. Pasikat c. Pagpanggap
_____5. Mapanlinlang
a. Mapagkunwari b. Manloloko c. Sinungaling
_____6. Asul
a. Bughaw b. Berde c. Luntian
_____7. Mahalimuyak
a. Mabango b. Maalisangsang c. Maamoy
_____8. Maganda
a. Marikit b. Maaliwalas c. Malago
_____9. Dambuhala
a. Higante b. Mataba c. Malusog
_____10. Matalas
a. Malinaw b. Matulin c. Mabilis

You might also like