You are on page 1of 3

Saint Francis de Assisi School of Multiple Intelligences

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Pangalan: __________________ Iskor: ___________

Guro: Bb. Charissa C. Placido Petsa: ____________

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M
kung mali.
(Mahigpit na pinagbabawal ang pagbura.)
_____1. Ang bolunterismo ay kusang loob na pagtulong sa kapwa.
_____2. Ibayong ligaya ang nararanasan natin kapag tumutulong sa kapwa.
_____3. Para maging buo ang kasiyahan ay dapat may relasyon ang tumutulong at tinutulunga.
_____4. Ang bolunterismo ay sumasagot sa pangangailangan ng tao.
_____5. Ang pagboboluntaryo ay parang isang magneto na humahatak ng ibang bagay.
_____6. Ang sentro ng bolunterismo ay ang kapakanan ng taong tinutulungan.
_____7. Ang pakikilahok at bolunterismo ay dapat ipakita hindi lamang sa panahon ng trahedya
o kalamidad.
_____8. Ang tumutulong sa nangangailangan ay bunga ng pagmamahal sa kapwa.
_____9. Ang paggalang sa tao ay umiiral sa pamamagitan ng paggalang sa prinsipyo.
_____10. Ang Pilipinas ay mayaman sa cultural heritage na kinabibilangan ng isang
magkakaibang koleksyon ng mga tradisyonal na mga sayaw.
_____11. Ang sayaw ay bumubuo ng tatlong mga pangunahing hakbang.
_____12. Ang mga sayaw ng Pilipinas ay bahagi na ng kultura, ngunit hindi na kabuuan ng
kultura.
_____13. Ang lahing Pilipino ay matulungin at nagkakaisa sa gitna ng samot-samong problema
sa buhay.
_____14. Ang pangangailangan ng tao ay mga bagay na kailangan upang mabuhay.
_____15. Ang pangangailangan ng tao ay malaki ang pagkakaiba sa kagustuhan ng tao.
_____16. Ang katarungang panlipunan ay pantay na palagay o relasyon sa pagitan ng tao at
lipunan.
_____17. Tayo ay naniniwala na tayo ay pantay-pantay.
_____18. Ang kulturang panlipunan ay mangyayari o makakamit lang kung igagalang ang
dignidad.
_____19. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi hinihingian ng kapalit.
_____20. Kilala ang mga Pilipino bilang mapagmahal sa kapwa Pilipino.

II.Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.


_____1. Ito ay mahalaga sapagkat kapag ito ay lumipas hindi na ito maibabalik.
_____2. Ito ay tumutukoy sa kusang loob na pagtulong sa kapwa, grupo o komunidad ng walang
kapalit.
_____3. Ano ang pinakamahalagang element ng bolunterismo?
_____4. Ito ay tumutukoy sa pantay na pagtrato sa isang tao, grupo o komunidad?
_____5. Binubuo ito ng ating kaalaman tungkol sa ating mga paniniwala at kilos.
_____6. Sayaw sa Pilipinas kung saan itinuturing ng marami na maging national dance ng
Pilipinas.
_____7. Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan tulad ng pakikipagkaibigan at
pagkakaroon ng pamilya.
_____8. Pinakamataas na antas sa hirarkiya.
_____9. Ito ay nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.
_____10. Pinakamababang bahagi ng hirarkiya.
_____11. Ito ay trabaho na tinantya na matatapos sa loob ng isang lingo o buwan at ang bayad sa
manggagawa ay ayon sa napagkasunduan.\
_____12. Angking galling na minana sa mga magulang o kamag-anak.
_____13. Praktis ng pagbibigay ng kaunting halaga sa manggagawa na ibabawas sa sweldo o
bayad sa kanya.
_____14.Ano ang mahalagang katangian sa buhay estudyante?
_____15. Ito ay kakayahang pigilin ang sarili sa anumang balakid sa pag-aaral.

III.Panuto: Ibigay ang mga hinihinging kasagutan.


1-3. Tatlong uri ng birtud.




4-9. Anim na kahalagahan ng Birtud.







10-15. Magbigay ng anim na sayaw ng Pilipinas.






IV.Panuto: Punan ang trayanggulo ni Abraham Maslow’s Hierarchy of Needs na batay sa


pagkasunod-sunod nito.(10puntos)

You might also like