You are on page 1of 3

Name: ___________________________________ Date: ______________________

Summative # 2.5
ESP VI

I. Piliin ang titik ng tamang sagogt. Isulat sa sagutang papel.

1. Iminungkahi ng ilang siyeentipiko ang paggamit ng mabagsik na kemikal bilang pamuksa sa mga daga sa palayan. Ano ang
masasabi mo rito?
A. dapat puksuin ang mga dagang naninira sa palay
B. dapat pag-aralan ang epekto ng kemikal sa halaman, ibang hayop at sa mga kakain ng palay
C. kung pasya ng pamahalaan, ito ang dapat masunod

2. Nag-ipon ng peraang nanay mo para mabili mo ang lahat ng gusto mong laruan. Marami na siyang naipon. Narinig mo ang nanay
mo na nagsasabing wala siyang pambili ng bigas dahil wala pang suweldo ang tatay mo. Ano ang tamang gawin mo?
A. Magagalit sa inay kung ibibili ito ng bigas.
B. Sabihan ang inay na ang itay ang dapat gumawa ng paraan para makabili ng bigas.
C. Hayaan ang inay na ipagbili ng bigas ang naipong pera.
D. Kunin sa inay ang pera para ibili na ito ng laruan.

3. May pinagkakasunduang pasya ang magkakaibigan na Reyna, Arlene at Jessa. Si Reyna at Jessa ay nais magbakasyon sa
Palawan. Ngunit gusto mo na sa isla ng Boracay pumunta, ano ang gagawin mo?
A. Hindi sasama sa kanila.
B. Magagalit sa kanila
C. Igalang ang kanilang pasya.
D. Magsawalang-kibo na lamang.

4. Malapit na ang kapistahan ng iyong baryo. Ikaw ang namumuno sa inyong organisasyon. Nais ninyong lahat na magpasimuno ng
isang patimpalak. Ang iyong mga kasapi ay nais magkaroon ng patimpalak sa pagkanta. Ikaw ay gusto mo naman ng patimpalak
sa pagsayaw. Bilang isang lider, paano ka magpapasya?
A. Hindi sila pakikinggan dahil ikaw ang dapat masusunod.
B. Pakikinggan ang mga kasapi at suportahan ang nais nila.
C. Susundin ng mabigat sa kalooban ang nais ng iyong mga kasapi.
D. Magbibitiw nalang sa posisyon kung hindi ka masusunod.

5. Alin sa mga sumusunod ang kanais-nais na pag-uugali ng isang lider.


A. Marunong making sa ideya ng iba.
B. Mayabang
C. Walang paninindigan
D. Lahat ay tama

6. Bilang lider ng pangkat, tinanong ka ng titser mo kung paano napaganda ang inyong proyekto. Ano ang sasabihin mo?
A.Ibinigay ko po ang lahat ng aking nakayanan. B.Malaki po ang naitutulong ng bawat kasapi.
C.Ang ilan pong kasapi ay walang kooperasyon. D.Ako po ang bumili ng lahat ng ginamit sa paggawa nito.

7. Napagkasunduan ng iyong klase na magpapadala ng kard at kahon ng biskwit sa isang


kaklaseng matagal nang maysakit. Ikaw ang napakiusapang maghatid ng mga ito. Tatanggapin mo ba ang pinapagawa sa iyo?
A.hindi nararapat C.Oo, dahil makakahingi ako ng biskwit
B.Depende kung may panahon D.Oo, dahil para ito sa kapakanan ng kaklaseng maysakit.

8. Tumanggi si Efren na maging tagapagsalita ng Grade Six pupils para sa binabalak na fund raising project. Takot daw na humawak
ng perang malaki si Efren. Ang dahilan ni Efren ay ______.
A.Nararapat B.Dapat purihin C. di kapani-paniwala D. iresponsable

9. Ikaw ang napili bilang tagapagsalita sa palatuntunan para sa Linggo ng Wika. Tatanggapin mo sa dahilang_____
A.gusto mong maging sikat. B.ayaw mong ipahiya ang gurong nagrekomenda sa iyo.
C.wala nang makagagawa nito kundi ikaw. D.pagkakataon ito upang masubok ang iyong kakayahan.

10. Matapos na magkaroon ng paghahanap ng impormasyon tungkol sa ibang bansa, Ikaw lamang ang nagkaroon nito sa dahilang
mayroon kang koleksyon ng aklat sa bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasarilinin ang impormasyon at ipapasa sa guro. B. Sasabihin sa guro ng mag-uulat siya sa klase.
C. Ibabahagi ito sa kaklase. D. Hindi makikinig sa guro.

II. Isulat ang M kung makatwiran o DM kung di-makatwiran ang dapat sa patlang ng sumusunod na sitwasyon.

__________1.Ang ginagawa ng guro ay pinakikinggan muna niya ang lahat ng panig bago gumawa ng pasiya.
___________2.Hindi pinapakinggan ang mungkahi ng iba at palagi nalang ikaw ang nasusunod.
___________3.Ang kapitbahay namin ay palaging nagbabangayan ay hindi nagkakasundo sa kanilang mga ideya at
paniniwala.
___________4.Si Gng. Garcia palagi niya kaming iniintindi at pinapakinggan ang aming mga ideya.
___________ 5.Si Dante bilang pinuno pinakinggan niya ang ideya ng kanyang mga kaklase.

III. Pag-aralan mo ang sumusunod at sikaping gumawa ng tamang solusyon sa problemang nangyari. Isulat sa papel ang
iyong solusyon. (5 puntos)
Anong paraan ang maaari mong gawin upang mahikayat ang ibang kasapi sa pasiya ng nakararami?

Name: ___________________________________ Date: ______________________

Summative # 2.6
ESP VI

You might also like