You are on page 1of 2

Name: Date: Score:

Basahin ng mabuti ang talata at piliin ang tamang sagot.


1. Nasaksihan mo ang pandaraya ng isang matalik na kaibigan sa isang mahalagang pagsusulit. Hinihiling
nila sa iyo na huwag sabihin sa sinuman. Ano ang gagawin mo?
A. Harapin ang iyong kaibigan at hikayatin silang umamin.
B. Lulat ang pangyayari sa guro nang hindi nagpapakilala
C. Manahimik at huwag makisali sa sitwasyon
D. Mag-alok na tulungan ang iyong kaibigan na mag-aral para sa mga pagsusulit sa hinaharap upang
maiwasan ang pandaraya.

2. Sa iyong trabaho, napapansin mo ang isang kasamahan na nagyayabang tungkol sa kanyang


accomplishment na hindi naman totoo. Ano ang gagawin mo?
A. Sabihan mo sya nang maayos na maging totoo sa kanyang mga ipinagsasabi.
B. Ipagsabi mo sa ibang kasamahan nang hindi ina-aksaya ng oras sa direktang pag-usap
C. Iwasan mo na lang siya at huwag nang makialam
D. Tulungan mo siyang mapabuti ang kanyang trabaho upang hindi na siya kailangang mag yabang.

3.Sa isang proyekto, napansin mo na ang lider ng grupo ay nagiging hindi makatarungan sa pagbibigay ng
credit sa mga kasamahan na Nagtatrabaho ng husto. Ano ang gagawin mo?
A. Ipahayag mo ang iyong obserbasyon sa buong grupo at tanungin ang lider tungkol dito.
B. Kausapin mo nang pribado ang lider at ipahayag ang iyong nararamdaman tungkol sa kanyang
pagtrato.
C. Gumawa ka ng sariling paraan para mabawasan ang kredito ng lider at maipadama ang iyong galit.
D. Huwag nang makialam at hayaang magkaroon ng problema sa loob ng grupo.

4. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay natuklasan na may kakayahan kang makapanakit ng ibang tao
gamit ang iyong isipan?
A. Gamitin ang kayayahan para sa sariling kapakinabangan.
B. Huwag gamitin ang kakayahan at panatilihin ang integridad.
C. Ipahayag ang kakayahan sa iba’t ibang paraan ng hindi nakakapanakit.
D. Humingi ng tulong upang maintindihan at mapabuti ang kakayahan.
5. Sa isang isla, mayroong limitadong suplay ng pagkain. Ang mga tao sa isla ay nag dusa sa gutom. Ano
ang iyong gagawin.
A.Mag tago ng sariling suplay ng pagkain pang masiguro ang sariling survival.
B.I-ambag ang sariling suplay para sa kapakanan ng lahat
C. Kumita ng mataas sa pagbebenta ng pagkain sa mga nagugutom
D. Humingi ng tulong mula sa labas upang madagdagan ang suplay ng pagkain sa isla

Sagutan ng maayos at ipaliwanag ang inyong sagot. Isulat ang sagot sa likod ng papel.
1. Mabuti bang tumulong sa gawaing bahay? Ipaliwanag.
2. Mabuti bang tumambay kasama ng barkada? Ipaliwanag.
3.Mabuting bang mandaya sa inyong pagsusulit? Ipaliwanag.
4. Mabuti bang kumuha ng hindi sainyo ng hindi nag papaalam? Ipaliwanag.
5.Mabuti bang manakit ng kapuwa? Ipaliwanag

Gawain: Pamamaraan
1. Mula sa tatlong “utos” ng magulang, pumili ng isa na sa tingin mo ay pinakamahalaga.
2. Gumawa ng drawing na nag sasaad ng “utos” na ito. Maging malikhain ang presentasyon ng
iyong drawing.
3. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong.
4. a. ano ang iyong damdamin sa mga utos na iyong i-drinawing?
5. b. ano ang inyong kuwento sa likod ng mga utos na ito na mula sa inyong magulang?
6. c. ano ang pinakapangunahing “utos” o batas inihahabilin sa inyo ng inyong mga magulang na
may kaugnayan sa likas na batas moral?

You might also like