You are on page 1of 5

FILDIS (Fil 2)

Pangalan: __________________________________ Iskor: ___________________


Seksyon: _________________________________ Petsa: ____________________

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga sumusunod na titik: A kung ang unang pahayag ay tama,

B kung ang ikalawang pahayag ang tama. C kung parehong tama ang dalawang pahayag at D kung
parehong mali ang dalawang pahayag.

1. I. Ang kalidad ng pagsulat ay matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip ( M)


II. ang pagsulat ay isang instrumento para mag-isip ang isang tao tungkol sa kanyang paksa T

2. I.
II.

3. I.
II.

4. I..
II.

5. I
II..

6. I.
II.

7. I..
II

8. I.
II.

9. I
II

10. I..
II.

Piliin ang tamong sagot sa mga sumusunod na tanong.

11. Basahing mabuti ito na hinihingi ng pagsusulit. Ito ba ay tungkol sa iyong sarili, opinyon o puna, isang
paglalarawan, reaksyon sa isang nabasa, atbp?
a. Pamagat ng Sanaysay b. Tema ng Sanaysay c. Talata d. Punto

12. Ito ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa
paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay.
a. Malumay b. Layunin ng Pagtatalumpati c. Malumi d. Pagtatalumpati

13. Ang layunin nito ay makahikayat at mapaniwala ang kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng malinaw at
maayos na paglalahad ng pangangatwiran.
a. Layunin ng Pagtatalumpati b. Layunin ng Spoken Word c. Layunin ng Tula d. Bugtong

Final Examination – 1st Sem. AY 2019- 2020 Page 1 of 5


14. Sa uri ng Pagbigkas ng Pagtatalumpati - May diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. Maaring magtapos sa
patinig o katinig. Banayad at walang antala ang pagbigkas sa huling pantig, walang kuglit.
a. Talumpati b. Mananalumpati c. Malumay d. Malumi

15. Sa uri ng Pagbigkas ng Pagtatalumpati - May diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. May impit mula sa
huling pantig. Nagtatapos sa patinig lamang.
a. Tagapanood/Tagapakinig b. Malumi c. Talumpati d. Mabilis

16. Sa uri ng Pagbigkas ng Pagtatalumpati - Ito ay binibigkas ng tuloy-tuloy. Walang diin at antala hanggang sa
huling pantig. Maaring magtapos sa patinig o katinig.
a. Maragsa b. Mananalumpati c. Tula d. Mabilis

17. Sa uri ng Pagbigkas ng Pagtatalumpati - Ito ay binigkas ng tuloy-tuloy, may impiyt sa huling pantig.
nagtatapos sa huling pantig lamang. Nilalagyan ng tuldok na pakopya.
a. Maragsa b. Tagapanood/Tagapakinig c. Spoken Word d. Mabilis

18. Ang mga sumusunod ay mga limang problema na kadalasang nararanasan kapag pamilyar tayo sa paksa ng
sanaysay maliban sa isa.
a. Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula o kung paano ako magtatapos.
b. Alam ko ang paksa, pero nahihirapan akong ayusin ang mga ideya ko.
c. Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam bumuo ng sanaysay.
d. Alam ko ang paksa pero hindi ko maiwasang gumamit ng paulit- ulit na ideya sa loob ng aking
sanaysay.
19. Ano – ano ang mga dapat iwasan sa pagtatalumpati?
a. Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa halip ay maging simple upang maging kaiga-igaya
sa mga nakikinig.
b. Huwag maging matamlay at iwasang sumimangot.
c. Iwasang manalumpati ng hindi nagsasanay, dapat laging handa.
d. Lahat ay nabanggit
20. Dapat isaalang-alang nito ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; ang kanyang paraan ng
pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado, kumpas ng kamay; at laging dapat
tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanood ng mga tao.
a. Talumpati b. Mananalumpati c. Bugtong d. Tula
b.

21. Kailangang isaalang-alang ang nilalaman nito upang matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng
pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipang nais iparating ng talumpati upang
maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig.
a. Maragsa b. Mabilis c. Talumpati d. Layunin ng Talumpati

22. Isa ito sa dapat na mabuting malaman ng isang mananalumpati upang makapag - isip siya ng mabuting
paraang gagamitin na makapukaw sa atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig
hanggang sa wakas ng talumpati.
a. Uri ng Pagbigkas b. Tagapanood/Tagapakinig c. Estilo ng Pagbigkas d. Kumpas ng Kamay

23. Sa uri ng Talumpati - Ito ay isinasagawa sa mga handaan, pagtitipon o salu-salo.


a. Talumpati b. Talumpating Nagbibigay-aliw c. Estilo ng Pagbigkas d. Kumpas ng Kamay

24. Sa uri ng Talumpati - Ito ay madalas isinasagawa sa mga lektyur at paguulat.


a. Talumpating Nagdaragdag – kaalaman b. Mananalumpati c. Talumpati d. Hurado

25. Sa uri ng Talumpati - Ito ay ginagamit upang mapakilos, mag-impluwensya sa tagapikinig.


a. Hurado b. Talumpating Nagbibigay-galang c. Mananalumpati d. Talumpating Nanghihikayat

Final Examination – 1st Sem. AY 2019- 2020 Page 2 of 5


26. Sa uri ng Talumpati - Ito ay ginagamit sa pagtanggap sa bagong kasapi o bagong dating.
a. Tula b. Talumpating Nagbibigay-galang c. Bugtong d. Layunin ng Talumpati

27. Sa uri ng Talumpati Ito ay ginagamit sa pagbibigay ng pagkilala sa mga pumanaw.


a. Talumpating Nagbibigay-papuri b. Mananalumpati c. Talumpati d. Tagapakinig

28. Ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga pangungusap at mga talata, ang tula ay
inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong.
a. Tama b. Mali c. Maaaring tama d. Maaaring mali

29. Ano – ano ang mga dapat iwasan sa pagtatalumpati?


a. Huminto kung tapos na. Huwag nang dagdagan nang dagdagan pa upang hindi lumabo at maging
paligoy-ligoy.
b. Kung maganap ang ppuwang o sandaling mga pagtigil, huwag matakot at mangamba.
c. Iwasang maging stiff at huwag mahiyang ikumpas at igalaw ang mga bahagi ng katawan.
d. Lahat ng nabanggit.

30. Ito ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng
pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
a. Talumpati b. Sabayang Pagbigkas c. Tula d. Bugtong

31. Elemento ng Tula - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
a. Saknong b. Sukat c. Tugma d. Pantig

32. Elemento ng Tula - Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
a. Saknong b. Tugma c. Pantig d. Sukat

33. Elemento ng Tula- Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan kapag ang huling
pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
a. Tula b. Talumpati c. Tugma d. Mananalumpati

34. Elemento ng Tula- Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa
gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
a. Tanaga b. Kariktan c. Sukat d. Haiku

35. Elemento ng Tula - Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito’y
isang sangkap ng tula Na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.
a. Talinhaga b. Tanaga c. Haiku d. Epiko

36. Ito ay binubuo ng tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng 5 saknong, ang ikalawang taludtod ay
binubuo ng 7 saknong at ang huling taludtod ay binubuo ng 5 saknong.
a. Haiku b. Tula c. Maikling kwento d. Talumpati

37. Ito ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na may estruktura itong apat (4) na taludtod at pitong (7)
pantig kada taludtod.
a. Tula b. Tanaga c. Mananalumpati d. Talumpati

38. Mga uri ng Sukat -Alamin ang sukat nito:


Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
a. Wawaluhin b. Tula c. Lalabing-animin d. Mananalumpati

39. Mga uri ng Sukat- Alamin ang sukat nito:


Tumutubong mga palay, gulay at maraming mga bagay

Final Examination – 1st Sem. AY 2019- 2020 Page 3 of 5


Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay.
a. Dadalawampuhin b. Lalabingwaluhin c. Isahan d. Bugtong

40. Mga uri ng Sukat) Alamin ang sukat nito:


Isda ko sa Mariveles.
Nasa loob ang kaliskis
a. Isahan b. Lalabing-animin c. Tatatlumpuhin d. Wawaluhin

41. Mga uri ng Sukat) Alamin ang sukat nito:


Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
a. Lalabindalawahin b. Isahan c. Wawaluhin d. Dadalawampuhin

42. Mga uri ng Sukat) Alamin ang sukat nito:


Ang taong magawi, sa ligaya’t aliw
Mahina ang puso’t, lubhang maramdamin
a. Wawaluhin b. Lalabing – dalawahin c. Isahan d. Tatatlampuhin

43. Mga uri ng Tugma - Ano ang tawag sa uri ng tugma na isinasaad dito?
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
a. Tugma sa patinig b. Tugma c. Katinig d. Patinig

44. Mga Uri ng Tugma Ano ang tawag sa uri ng tugma na isinasaad dito?
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
a. Patinig b. Katinig c. Tugma sa katinig d. Salitang kilos

45. Ano ang tawag rito sa tulang dinala rito ang mga Hapones:
Ika’y mahal ko
Buhay alay ko sayo
Pati puso ko
a. Malayang Tula b. Tanaga c. Malayang Taludturan d. Haiku

46. Ano ang tawag rito sa tulang dinala rito ng mga Hapones:
Pagkakaibigan natin
Huwag sanang tapusin
Atin pang sisilipin
Mga pangarap natin
a. Haiku b. Malayang Tula c. Tanaga d. Malayang Taludturan

47. Upang masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang
magkasunod o salitan.
a. Mali b. Tama c. Maaaring tama d. Maaaring mali

48. Mga Uri ng Tugma Ano ang tawag sa uri ng tugma na isinasaad dito?
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
a. Katinig b. Tugma sa sanaysay c. Patinig d. Tugma sa patinig

49. Mga Uri ng Tugma - Ano ang tawag sa uri ng tugma na isinasaad dito?
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Final Examination – 1st Sem. AY 2019- 2020 Page 4 of 5


a. Tugma b. Tugma sa katinig c. Malayang Taludturan d. Malayang Tula

50. Ang mga talata sa sanaysay ay dapat magkakaugnay. Iwasan din ang masyadong mahabang talata na paulit-
ulit naman ang laman.
a. Tama b. Mali c. Maaaring tama d. Maaaring mali

Prepared by: Reviewed by:

Marilyn Cruz Badaran, LPT, MAed Ryan Elbert Z. Gan, LPT

________________________________ ________________________________
Instructor Academic Coordinator

Approved by:

DR. FILIPINAS L. BOGNOT, LPT, FRIEdr


Dean

Final Examination – 1st Sem. AY 2019- 2020 Page 5 of 5

You might also like