You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII
SCHOOLS DIVISION OF EASTERN SAMAR
DISTRICT OF QUINAPONDAN

SANAYANG PAPEL sa
FILIPINO 1
Kwarter 3 – Linggo 3

Pangalan: ___________________________________ Baitang: _________

Petsa: _______________________________________ Iskor: ____________

Paaralan: ______________________________________________________

Pag-unawa sa Napakinggang Kuwento

Aralin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nakapagsasalaysay ng orihinal na kuwento na kaugnay ng


napakinggang kuwento. F1PS-IIg-7

SIMULAN MO

Basahin at unawain ang kwentong napakinggan. Sagutin


ang mga tanong tungkol dito.
Ang Inggitirong Uwak

Nakakita ng uwak ang agila na dala-dala ang


isang tupa sa himpapawid. Nakita rin niya nang dalhin nito ang
tupa sa pugad nito. Nainggit ang uwak. Ginaya niya ang agila.
Dinagit niya ang isang tupa. Nagulat siya sa natuklasan. Bukod
sa mabigat ang tupa ay sumabit ang kuko niya sa balahibo nito.

Nakita siya ng nag-aalaga ng tupa. Agad siyang


hinuli nito at inilagay sa kulungan. Nang makita siya ng agila at
ng mga ibon ay pinagtawanan siya.

1. Sino ang inggitiro sa kuwentong inyong napakinggan?


2. Ano ang nakita ni uwak na dala dala ni agila?
3. Bakit ginaya ni uwak si agila?
4. Ano ang ginawa ng nag-aalaga ng makita niya ang
uwak?
5. Ano ang ginawa ng agila at ng mga ibon ng makita ang
uwak?

ALAMIN MO

Sa pagsasalaysay at pag-unawa ng napakinggang


kuwento, dapat mong tandaan na banggitin ang pamagat nito,
sino ang may akda, sumulat at gumuhit nito.
Sabihin din ang mga tauhan nito at ilarawan ang bawat isa.
Banggitin kung saan naganap ang kuwento. Sabihin ang suliranin
o problema sa kuwento. Tukuyin ang mga pangyayari sa wastong
pagkakasunod-sunod nito.

Huwag kalimutan ang wakas ng kuwento. Dito makikita kung


ano ang naging solusyon sa problemang binanggit sa unang
bahagi ng kuwento.

Magtulungan Tayo

Gawain 1

Panuto: Makinig sa kuwento, sagutin ang mga sumusunod na


tanong.

Kuwentong babasahin:

Ang mag-anak nina Mang Pepe at Aling Lita ay maaga


pang gumising. May piknik sila sa tabing- dagat. Kasama nila ang
apat na anak. Masarap ang dala nilang ulam, pansit, adobong
baboy at pritong manok. Masayang-masaya ang mga bata sa
paliligo sa dagat.

1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Saan pumunta ang mag-anak?
3. Sino ang kanilang mga kasama?
4. Ano ang kanilang mga dalang ulam?
5. Ano ang naramdaman ng mga bata ng araw na iyon?
Gawain 2

Panuto: Sa kuwentong iyong mapapakinggan ay iguhit ang


naiibang bahagi nito na naunawaan at nagustuhan mo.
(5 puntos)
Ang aming paaralan ay magdaraos ng Buwan ng
Nutrisyon sa darating na buwan ng Hulyo. Bawat baitang ay
naghahanda ng mga iba’t ibang palabas. May baitang na aawit,
tutula at sasayaw. Mayroon ding patimpalak sa paggawa ng
poster at islogan. Mayroon ding patimpalak sa pagluluto ng iba’t
ibang masustansiyang pagkain. Bawat isa sa amin ay abalang-
abala para sa aming pagdiriwang.

MAGAGAWA MO

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa bawat sitwasyon. Isulat ang


titik ng tamang sagot sa patlang.
______1. Narinig mong nagkukuwentuhan ang nanay at kumare
niya tungkol sa “The Funny One” sa “Showtime”.
Napanood mo din ang pinag-uusapan nilang palabas
at tuwang tuwa ka sa palabas na iyon. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Bigla kang sasagot at ikukuwento ang palabas
B. Makikinig lamang sa nag-uusap.
C. Sasabihing mali ang kuwentuhan nila.
______ 2. Nagpapahinga ang lola mong maysakit. Biglang
nagsigawan ang mga kalaro mo sa labas ng bahay.
Ano ang iyong gagawin?
A. Pagsabihan mo ang iyong mga kalaro na huwag
magsigawan.
B. Makisali ka na rin.
C. Sisigawan mo rin sila.
_______3. Walang pasok sa paaralan. Ibig mong maglaro
ngunit may gawain ka pa sa bahay na dapat
tapusin. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatakas para makapaglaro.
B. Tatapusin muna ang gawain saka maglalaro.
C. Iuutos sa iba ang gawain para makapaglaro.
_______ 4. Nakita ni Lino na nagpapahid ng floor wax ang
kanyang nanay. Sa kanyang tabi ay may walis at
bunot. Paano makikibahagi sa gawain ng nanay si
Lino?
A. Iwasan ang walis at bunot.
B. Tumulong sa pagwalis at pagbunot ng sahig.
C. Paglaruan ang walis at bunot.
_______ 5. Nagluluto ng pananghalian si Aling Nena, ina ni Liza.
Hinahalo nito sa kawali ang niluluto habang naghihiwa
ng karneng ilalagay sa kawali. Ano ang maibabahagi ni
Liza sa kanyang ina?
A. Lalaruin ang hinihiwang karne.
B. Mangungulit sa nanay.
C. Magliligpit ng mga kalat ni nanay na ginamit sa
pagluluto.
SANGGUNIAN:

Filipino1 MELC (F1PS-IIg-7)

FILIPINO LMs p. 23- 25, 31-33, 46

Inihanda ni:

CESMAE A. MACAWILE
Guro
SUSI SA PAGWAWASTO:

Gawain 1

1. Mang Pepe, Aling Lita, apat na anak


2. tabing-dagat
3. apat na anak
4. pansit, adobong babiy at pritong manok
5. massayang-masaya

Gawain 2

Depende sa sagot ng mga bata

Magagawa Mo

1. a 3. b 5. c

2. a 4. b

You might also like