You are on page 1of 2

Holy Infant Academy, Diocese of San Carlos Inc.

Cadiz City, Negros Occidental

IKATLONG BUWANANG PAGSUSULIT FILIPINO 4

Pangalan: ________________________________________________________Petsa:____________
Baitang at Seksyon:________________________________________________Marka:____________

I. Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Inanyayahan ni Azon si Mariane na maglaro ng piko sa likod bahay.


A. Laro B. gamit sa pag-aararo
2. Ang magsasaka ay gumagamit ng piko sa pagbunungkal ng lupa.
A. Laro B. gamit sa pag-aararo
3. Nakasuot ng saya si Fe ng dumalo sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
A. Ligaya B. damit
4. Labis ang saya ng mag-ina dahil sa nakaligtas ang anak sa panganib.
B. Ligaya B. damit
5. Pito lamang ang dumalo sa kaarawan ni Sonya.
A. Silbato B. Damit
6. Malakas ang tunog ng pito ng pulis.
B.Silbato B. Damit
7. Kinakantahan ni Nanay ang anak bago matulog sa gabi.
A. Sangkap sa pagluluto B. Paglubog ng araw
8. Paborito ng bata ang sinigang ni Nanay na may gabi.
B. Sangkap sa pagluluto B. Paglubog ng araw

II. Kilalanin kung ang pares ng salita ay magkasingkahulugan (MS), o magkasalungat (MK). Isulat ang MS
o MK sa linya.
1. _________ nakakandadong pinto-nakabukas na pinto
2. _________ sariwang damo-tuyong damo
3. _________ nalinlang ng lobo-naisahan ng lobo
4. _________ ibinudbod ang harina-ibinuhos ang harina
5. _________ maputi ang paa-maitim ang paa.

III. Kilalanin ang uri ng pang-uring nakasalungguhit sa bawat bilang. Isulat sa linya ang PAN kung ito’y
panlarawan o ang PAM kung pamilang.
1. _________ Maraming paraan para makatulong ang anak sa kanyang magulang.
2. _________ Maaari kang tumulong kahit sa maliit na bagay lang.
3. _________ Tulungan mo si Nanay habang naghahanda ng masarap na pagkain.
4. _________ Kayong tatlong magkakapatid ay puwedeng maglinis ng bahay.
5. _________ Ipunin ninyo ang malaking basurang puwede maipagbili.
6. _________ Ilagay ninyo ang mga iyan sa isang supot.
7. _________ Diligan mo ang mga halaman para maging malusog ang mga ito.
8. _________ Pakainin mo na rin ang mababait ninyong mga alaga.
9. _________ Panatilihin mong malinis ang iyong paligid.
10. ________ Sa mga gagawin mong ito’y tiyak na magiging masaya si Nanay.

IV. Tukuyin kung ang pang-uring panlarawang ginamit sa bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Mabait ang nanay ni Shirley.
a. Laki b. ugali c. kulay
2. Makukulay ang mga bulaklak na iginuhit niya.
a. itsura b. sukat c. ugali
3. Halos parang naaamoy na niya ang mababangong bulaklak na ito.
a. laki b. amoy c. kulay
4. Ang mga dilaw na bulaklak ay talaga namang nakaaakit sa nakakikita.
a. sukat b. amoy c. kulay
5. Ang malalaking bulaklak ng sunflower ay paborito ni Nanay.
a. sukat b.amoy c.kulay
6. Maliban sa pagpipinta ay masarap din ang luto ni Nanay.
a. lasa b.itsura c.amoy
7. Paborito ni Shirley ang malinamnam na relyeno ni Nanay.
a. amoy b. itsura c. lasa
8. Papasok pa lang siya sa kusina ay sinasalubong na siya ng mabangong samyo ng ulam.
a. amoy b.itsura c. lasa

Prepared by: Ms. Arianne Olaera Noted by: Sr. Agnes J. Infante FAS,

You might also like