You are on page 1of 4

Third (3rd) Periodical Test

Filipino 4

Name:____________________________________________ Grade & Section : ______________________


Date: ________________________________________ Teacher: Ms. Ma. Lalaine Paula P. Zapata

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa HANAY A. Piliin ang sagot sa HANAY B. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
_________ 1. abala a. paunawa na idinikit sa pader
_________ 2. eksibit b. pagbibigay dangal
_________ 3. tampok c. maraming ginagawa
_________ 4. paksil d. pagtatanghal ng mga gawa

Panuto: Tukuyin ang damdamin o emosyong ipinapahayag sa bawat pangungusap. Bilugan lamang ang titik
ng tamang sagot.

1. Ako raw ba talaga ang magbubuhat ng mga iyan?


a. Pag-ayaw b. kasiyahan c. pagtataka

2. Hanep! Sampung minuto lang, natapos na agad niya ang iyong pinapasagutan.
a. Pagkagulat b. paghanga c. pagkainis

3. Hala! Paano ko ipaliliwanag sa mga magulang ko na may tatlo akong bagsak?


a. Pagkatakot b. pag-asa c. pagkagalit

4. Yehey! Malapit na ang aking kaarawan.


a. Kasiyahan b. pagtataka c. pagkagulat

5. Nakakainis ka na kasi eh, paulit-ulit ka na lang.


a. Pagkatakot b. pagkainis c. paghanga

6. “Sinabi ko naman sa iyo na wag mo ng uulitin ang ginawa mo, napaka kulit mong bata ka”.
a. Kasiyahan b. pagkatakot c. pagkagalit

7. Hindi ko maaaring gawin iyan dahil inatasan pa ako ng aking nanay na maglinis ng bahay.
a. Pag-ayaw b. pag-asa c. pagtataka

8. Ay! Nasagaan ang aso!


a. Pagkagulat b. paghanga c. pagkainis

9. Nag-aral naman ako ngayong gabi. Sana makapasa ako sa pagsusulit bukas.
a. Pagkatakot b. pag-asa c. pagkagalit
10. Wow! Ito na ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko.
a. Kasiyahan b. paghanga c. pag-asa

11. Halos hindi na ako makatulog sa gabi dahil masisilayan ko na muli ang aking Tatay.
a. Paghanga b. pananabik c. pagkadismaya

12. Nalungkot siya ng hindi niya na naabutan ang kanyang idolo sa plasa.
a. Pagkagalit b. pagkatakot c. pagkadismaya

13. Ano ba kasi! Dikit ka ng dikit sa akin!


a. Pagkagalit b. pagkatakot c. pagkadismaya

14. Naku po! Takbo! Aaaaaahhhh!!!!


a. Pagkagalit b. pagkatakot c. pagkadismaya

15. Labis niyang dinamdam ang mababag iskor na nakuha niya sa kanilang pagsusulit.
a. Paghanga b. pananabik c. pagkadismaya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat panuto. Gawin ang hinihingi nito.
1. Isulat ng kabit-kabit ang iyong buong pangalan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Iguhit ang paborito mong hugis at kulayan ito ng asul.

3. Isulat ang palayaw ng bawat miyembro ng inyong pamilya sa loob ng kahon. ‘

4. Lagyan ang keyk ng tamang bilang ng mga kandila ayon sa iyong edad. Isulat ang petsa ng iyong
kaarawan sa kanan ng keyk. Isulat ang pangalan ng nais mong matanggap na regalo sa kaliwa.
5. Gumuhit ng isang malaking parisukat. Sa loob nito ay isulat ang mga pangalan ng iyong tatlong
paboritong karakter sa libro o kwento. Lagyan ng “star” sa gilid ang pangalan ng iyong pinaka
paborito sa tatlo.

Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan. Isulat ang titik ng tamang bunga sa patlang
ng sanhi.

____ 1. Napakainit ng panahon. a. Kinansela ng DepEd ang mga klase.


____ 2. May sirang ngipin si Tomas. b. Nakatawid ako nang maayos.
____ 3. Hindi kumain ng tanghalian si Michael. c. Gutom na gutom siya.
____ 4. Hindi nag-aral si Danny. d. Naaksidente siya sa daan.
____ 5. Napakalakas ng bagyo. e. Mababa ang nakuha niyang marka sa
pagsusulit.
____ 6. Puno ng mga pasahero ang mga dyip. f. Pinayagan siyang maglaro sa labas ng bahay.
____ 7. Nagtulungan kami. g. Sumakay na lang kami sa traysikel pauwi.
____ 8. Hindi maingat magmaneho ang lalaki. h. Pumunta siya sa dentista.
____ 9. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng daan. i. Binuksan namin ang aircon.
____ 10. Tinapos ni Ramon ang kanyang mga j. Madali naming natapos ang gawain.

Panuto: Bilugan ang pandiwa sa bawat pangungusap.


1. Maagang nagising si Gloria dahil sa malakas na tilaok ng tandang.
2. Binuksan niya ang pinto at mga bintana ng kanilang sala.
3. Si Ate Maria ay naghahanda ng masarap na almusal sa kusina.
4. Narinig ni Boyet ang ingay ng mga sasakyan sa labas.
5. Ang mga alagang aso ay masayang naghahabulan sa bakuran.
6. Ang mahiyain na kuting ay nagtatago sa likod ng aparador.
7. Si Itay ay umiinom ng mainit na kape sa beranda.
8. Sabay-sabay kumain ng almusal ang buong mag-anak.
9. Sa loob ng banyo nagsipilyo ng ngipin si Gloria.
10. Tinulungan ni Gloria ang kanyang bunsong kapatid.
11. Si Itay ang maghahatid kina Boyet at Gloria sa paaralan.
12. Ang dalawang bata ay nagpaalam sa kanilang magulang.
13. Mahigpit na niyakap sila ng kanilang inay.
14. Nakita ni Gloria ang kanyang mga kaibigan sa labas ng paaralan.
15. Sina Bea at Patricia ay masayang kumaway kay Gloria.
Panuto: Tamang pagbaybay ng salita. Makinig mabuti sa mga salitang bibigkasin ng guro. Isulat ito sa
inihandang patlang.

1. ______________________________ 6. ______________________________
2. ______________________________ 7. ______________________________
3. ______________________________ 8. ______________________________
4. ______________________________ 9. ______________________________
5. ______________________________ 10. ______________________________

Panuto: Basahin ang maikling pabula.


Ang Aso at ang kanyang Anino
Isang aso ang naghuhukay sa lupa. Tuwang-tuwa siya nang makakita siya ng isang malaking buto na
nakabaon kung saan siya naghuhukay. Dali-daling kinagat ng aso ang buto upang dalhin sa kanyang tirahan.
Ngunit nang siya ay malapit na sa kaniyang bahay ay may nadaanan siyang isang malalim na ilog.
Pinagmasdan niya ang tubig sa ilog at doo’y nakita niya ang kanyang anino. Akala ng aso ay mayroon pang
isang asong may kagat na buto sa ilalim ng tubig. Naisip ng aso na agawin ang buto na kagat-kagat ng aso sa
tubig. Tinahulan niya ito. Dahil dito, nahulog sa sapa ang butong kagat-kagat ng aso. Sa lalim ng tubig ay
hindi na niya nakuha pa ang buto. Umuwing gutom at malungkot ang aso. Dahil sa kanyang kasakiman ay
nawala ang pagkain na hawak na niya.

Panuto: Basahin ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang nahukay ng aso?
a. Karne b. Ginto c. Buto

2. Saan dapat dadalhin ng aso ang nahukay na buto?


a. Sa palengke b. Sa parke c. Sa kanyang bahay

3. Ano ang nakita ng aso sa tubig?


a. Isa pang aso b. Kanyang anino c. Malaking isda

4. Ano ang ginawa ng aso sa kanyang anino?


a. Kinausap niya ito. b. Kinamusta niya ito. c. Kinahulan niya ito.

5. Ano ang nangyari sa butong kagat-kagat ng aso?


a. Nahulog ito sa ilog.
b. Nanakaw ito ng ibang aso.
c. Ibinigay niya ito sa ibang aso.

6. Ano ang aral na makukuha natin sa pabula?


a. Huwag makipag-usap sa hindi kakilala.
b. Huwag maging sakim.
c. Angkinin ang mga bagay na hindi sa atin.

You might also like