You are on page 1of 4

Group 2

PLANO NG PAGLILINGKOD:
I- Napagplanuhan ng aming grupo na tumulong sa isang bata
sa may simbahan.Pagkatapos napag-usapan namin na
pagkain nalang ang ibigay dahil kung ang ibibigay namin ay
pera baka gastusin lang kung saan.Pinili namin itong
paglilingkod na ito para Makita namin kung gaano
kahalaga ang makatulong sa isang bata kahit sa maliit na
halaga lang.

NARRATIVE REPORT:
II- Isang araw napag-isipan na namin na gawin yung
pagtulong.Pumunta kami ng simbahan naghahanap na
kami ng bata.Pagkatapos nakahanap kami ng isang batang
babae na nagtitinda ng sampaguita.Kinausap namin sya
kung pwedeng sumama sa amin dahil may ibibigay kami sa
kanya na pagkain.Tinanong namin kung nasan yung mga
magulang nya sabi nya nasa bahay daw sabi ko sino yung
mga kasama mo.Biglang dumating yung ate nya sabi namin
kung pwedeng isama yung kapatid nya bibigyan lang
namin ng pagkain sabi namin ay saglit lang naman yun
ibabalik din namin agad kami na ang magbabalik dito sa
simbahan pumayag naman yung kanyang ate kaya yun
isinama na namin sya.At bago namin ibigay yung pagkain
ay nilitratuhan muna namin sya.Pagkatapos ay ibinigay na
namin yung pagkain tapos habang kumakain sya ay
nilitratuhan ulit namin sya at pagkatapos nyang kumain
nilitratuhan ulit namin sya at pagkatapos nun nagpalitrato
kami na kasama sya.At pagkatapos nun ay ibinalik na
namin sya sa simbahan.At nagpasalamat sya samin.

Dokumentasyon:
III- Before During

After
Pagninilay/Naramdaman/Karanasan/Kabuluhan:
IV- Habang ginagawa namin ang aktibidad na ito ay;
 Nakita namin kung gano karaming batang hindi makakain
ng maayos at tama sa pang araw-araw nilang buhay.
 Nakita namin na mahirap pala talaga yung mga naging
magulang na hindi nakapagtapos at walang maayos na
trabaho na nakuha dahil hindi nila mabigay yung sapat at
tamang pangangailangan ng kanilang mga anak sa pang
araw-araw.
 Nakita namin na sa hirap ng buhay maraming bata ang
hindi nakakapag aral sa eskwelahan.
 Nakita din namin na sa murang edad nila ay pagtitinda na
agad ang kanilang ginagawa para may makain manlang.
 Nakita namin yung kaibahan ng buhay namin sa estado ng
buhay nila naramdaman namin na maswerte kami dahil
nakakakain kami ng maayos sa araw-araw maswerte kami
dahil may mga nasusuot kaming maayos na damit at higit
sa lahat maswerte kami dahil nakakapag-aral kami.

At sa ginawa naming ito naramdaman namin na ang sarap sa


pakiramdam na makatulong ka sa mga taong katulad nila na
makatulong ka kahit sa kunting halaga at sa kunting tulong na
kaya mong maibigay sa kanila.Makabuluhan ang ginawa naming
aktibidad dahil dito natutunan namin ang tumulong at
magbigay ng kahit kunti sa mga taong nangangailangan hindi
lang kami nakatulong kundi nakapagpasaya pa kami ng isang
bata na kahit minsan lang sa buhay nya ay nakakain sya ng
ganung pagkain.Masarap makatulong sa ibang tao lalo na kung
bukal sa iyong puso.Kaya tayong mga may maayos na buhay
pahalagahan natin ito at tayong mga nakakapag-aral wag nating
sayangin ang pagkakataong ito dahil sa iyong paglaki itoy
magiging daan ng iyong ginhawa sa buhay.

(The End)
Members:
Jerolyn Atentar
Zeah Pabellano
Rain Branzuela
Aleck Marquez
John Eric Cabarle

You might also like