You are on page 1of 4

PERFORMANCE TASK SA IKATLONG MARKAHAN – ESP 8

PAGPAPAKITA NG PASASALAMAT SA KAPWA

Tunay na pangyayari:
Si Gem ay isang residente sa Bais City na naapektuhan ng bagyong Odette. Si Gem at ang
kaniyang pamilya ay nawalan ng bahay pati na rin ng karamihan sa kanilang kagamitan. Talagang naging
malungkot si Gem at ang kaniyang pamilya dahil kapapatayo pa lang nila sa kanilang bagong bahagi ng
bahay ay wala pang isang buwan ay nagiba na ito at wala nang natira dahil sa inanod ito ng baha na dala
ni bagyong Odette.
May mga taong tumulong kina Gem at binigyan sila ng tulong pinansiyal at mga pagkain at
kagamitan. Kahit na kulang pa ang mga bagay na ito upang mapalitan o maibalik nilang muli ang
kanilang gamit at maipatayo nilang muli ang kanilang bahay, ang tulong na kanilang natanggap ay
pinantulong rin nila sa iba bilang pasasalamat sa kaniyang natanggap na kabutihan sa kaniyang kapwa.
Nagbigay si Gem ng pera at pagkain sa mga iilan pang nangangailangan sa kanilang lugar. Hanggang sa
ngayon ay patuloy pa rin silang bumabangon sa buhay at patuloy pa rin ang kaniyang pagtulong sa
kaniyang kapwa bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap.

Mga tulong na binigay ni Gem sa kaniyang kapwa


Bahay nina Gem at kaniyang pamilya
matapos ang bagyo

Kung ang ang naging paraan ni Gem upang magpasalamat ay pagtulong din sa iba, ikaw, paano
ka nagpapasalamat?

Sa gawaing ito, alamin mo kung paano mo maipakikita ang iyong pagiging mapasalamatin sa
mga taong tumulong sa iyo o nagbigay sa iyo ng biyaya. Kailangan mong alamin ang iyong sarili at
tukuyin kung anong paraan ng pasasalamat ang angkop sa iyo sa iba’t ibang sitwasyon na iyong
kinakaharap o kahaharapin.

Tukuyin ang isang napakahalagang kabutihang natanggap mula sa kabutihang-kaloob sa kapwa,


sa magulang, kapatid o kaibigan at isulat ang paraan ng pagpapakita mo ng pasasalamat sa kanila.
Gunitaing muli kung paano ka nagpasalamat sa taong ito. Ibahagi mo ang paraan ng pasasalamat na iyong
ginawa sa pamamagitan ng pagsadula nito (pwede mo itong ibidyo) o ipakitang muli sa pamamagitan ng
larawan. Maaari mo itong ipasa sa messenger, i-print ang larawan at ipasa sa paaralan. Kung hindi mo ito
maipapasa sa mga paraang nabanggit, maaari mong puntahan ang iyong guro upang mapag-usapan kung
paano mo ito magagawa.
Gawing gabay ang nasa ibaba para sa gawaing ito.

Halimbawa:

Kabutihang natanggap mula sa kabutihang-kaloob sa kapwa, sa magulang, kapatid o


kaibigan : Sa lahat ng pagkakataong ako ay nagkakasakit, palagi akong inaalagaan ni nanay.
Paraan ng pagpapakita mo ng pasasalamat sa kanila: Nang si nanay naman ang
nagkasakit, ako naman ang nag-alaga sa kaniya bilang pasasalamat ko sa kabutihang ginawa
niya sa akin.

Pagpapakita ko ng Pasasalamat
Iba ang
pakiramdam ni
nanay kaya
binigyan ko siya
ng gatas at
minasahe ko
ang kaniyang
katawan. Ito
ang paraan ko
ng pagpapakita
ng pasasalamat
sa kaniya.

ALAM MO BA?
Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang
Ang Kanyaw ay isang pagdiriwang o
pamamaraan ng pasasalamat. Kagaya
isang seremonya ng mga katutubo sa
bundok ng Hilagang Luzon . Ito ay lamang ng ating mga katutubo, mayroon
isang panlipunang-relihiyosong din silang mga kakaibang paraan ng
ritwal  kung saan ang mga manok, pasasalamat na kailangan nating bigyan
baboy at mga kalabaw ay kinakatay ng respeto at pagpapahalaga.
bilang isang sakripisyo at inihahain.

Ito ay karaniwang isang pasasalamat sa


Ngayon, ikaw naman ang mag-isip ng mga
kanilang mga diyos na tinatawag
pasasalamat na iyong nagawa sa iyong
na Kabunyan. Ang mga katutubong ito
kapwa. May naisip ka na? Kung ganoon,
ay naniniwala sa pagkakaroon ng
mahusay! Ngayon ay pagplanuhan mo na
mga hindi karaniwang nilalang na
tinawag nilang Anito na may kung paano mo magagawa ang gawaing
kapangyarihan sa tao. Sa pamamagitan ito. Kaya mo ito!
ng paggamit ng mga panalangin at
materyal na handog sa ritwal,
naniniwala ang mga katutubo na
makukuha ang pabor sa mga espiritu na PAALALA: Kapag gagawin ninyo ang gawaing ito,
ito.  ugaliing sundin ang mga health protocols upang
maiwasan ang Covid-19. Kung ito ay inyong isasadula sa
labas ng bahay, dapat mayroon kayong kasamang
magbabantay sa inyo. At bilang respeto sa inyong mga
kaklase,
Pamantayan huwag niyongring
sa Pagmamarka ipakalat/ipakita sa iba para
Gawain
gawing katuwaan ang gawain ng inyong mga kaklase.
Mag-ingat kayo at maraming salamat <3
Pamantayan Lagpas sa Nakamit ang Bahagyang Hindi nakamit
Inaasahan (4) Inaasahan (3) Nakamit ang ang inaasahan
Inaasahan (2) (1)
Sagot sa Kumpleto ang Kumpleto ang May 1-2 na kulang May 3 pataas na
Talahanayan naging sagot sa naging sagot sa sa mga sagot sa kulang sa mga
talahanayan. talahanayan. talahanayan. sagot sa
Komprehensibo at Komprehensibo talahanayan.
kakikitaan ng ang mga naging
pagkamalikhain at sagot.
kalawakaan ng
pag-iisip ang mga
naging sagot.
Kaugnayan ng Ang nilalaman at Ang nilalaman at Ang nilalaman at Ang nilalaman at
Ideya ideya sa sinulat na ideya sa sinulat na ideya sa sinulat na ideya sa sinulat na
sagot ay sagot ay sagot ay medyo sagot ay talagang
magkakaugnay- magkakaugnay- hindi hindi
ugnay at hindi ugnay at hindi magkakaugnay- magkakaugnay-
nalalayo sa paksa. nalalayo sa paksa. ugnay at medyo ugnay at lubhang
Tunay na angkop nalalayo na ito sa nalalayo na ito sa
ang mga naging paksa. paksa.
sagot sa paraan ng
pagbibigay ng
pasasalamat sa
bawat sitwasyong
naibigay sa bawat
bilang.
Pagsasadula/ Naging maayos Naging maayos Hindi gaanong Hindi talaga
Pagbabahagi ang pagbabahagi ang pagbabahagi naging maayos naging maayos
at pagsasadula sa at pagsasadula sa ang pagbabahagi ang pagbabahagi
napiling paraan napiling paraan at pagsasadula sa at pagsasadula sa
ng pasasalamat. ng pasasalamat. napiling paraan napiling paraan
Malinaw itong ng pasasalamat. ng pasasalamat.
naibahagi at Medyo magulo at Magulo at
naipakita at nakalilito ang nakalilito ang
talagang pinakita. pinakita.
naiintindihan ng
mga manonood.

Lagpas sa Inaasahan- 12 puntos


Nakamit ang Inaasahan- 9-11 puntos
Bahagyang Nakamit ang Inaasahan- 6-8 puntos
Hindi nakamit ang Inaasahan- 3-5 puntos

PERFORMANCE TASK SA IKATLONG MARKAHAN - ESP 8


PAGPAPAKITA NG PASASALAMAT SA KAPWA
SAGUTANG PAPEL
PANGALAN: __________________ SEKSYON: ____________________
Kabutihang natanggap mula sa kabutihang-kaloob sa kapwa, sa magulang, kapatid o
kaibigan:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Paraan ng pagpapakita mo ng pasasalamat sa kanila:


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Pagpapakita ko ng Pasasalamat

Maaari mong idikit ang larawan dito. Maaari mo ring ipasa ang iyong sagot at
larawan/bidyo sa messenger.

You might also like