You are on page 1of 27

Junob National HIgh School

FILIPINO SA
PILING LARANG
UNANG MARKAHAN-
IKAAPAT NA
BUOD AT SINTESIS
INAASAHANG MATATAMO MO ANG SUMUSUNOD
NA KASANAYAN SA PAG-AARAL NG MODYUL
NA ITO:
Nakasusulat nang maayos na akademikong
pagsulat (CS_FA11/12PU-0d-f-92)

1. Nabibigyang-kahulugan ang uri, katangian at anyo ng Buod


at Sintesis;

2. Naisa-isa ang mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng


sintesis o pagbubuod; at

3. Nakasusulat ng sariling pagbubuod ng akademikong papel.


BUOD AT SINTESIS
BUOD
Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o
nabasang artikulo, aklat, panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa. Ibig sabihin,
maaaring magsulat o magpahayag ng buod ng isang nakasulat na akda o ng oral na
pahayag.

Samanatala, nagagamit naman ng mag propesyonal ang pagbubuod sa kanilang


pag-uulat sa trabaho., liham pangnegosyo, dokumentasyon at iba pa. Sa pamamagitan
ng mga ito, mas madali at episyenteng naitutulay sa iba ang mga mensaheng gugugol ng
mahabang panahon kung ilalahad nang buo.
SINTESIS
Pagsasama-sama ng dalawa o higit pang buod. Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng
dalawa o higit pang mga akda o sulatin. Ito ay may kaugnayan, ngunit hindi katulad ng
klasipikasyon, dibisyon, komparison, o kontrast. Liban sa pagbibigay-tuon sa iba’t ibang
kategorya at paghahanap sa pagkakatulad o pagkakaiba ng mga konseptong napapaloob dito,
ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang mga akda upang makabuo ng isang akdang
nakapag-ugnay sa nilalaman ng mga ito. Ito kung gayon ay isang sulating maayos at malinaw
na nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming sangguniang ginagamit ang sariling panalita
ng sumulat.
Sa madaling salita, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon,
mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong
kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang. Sa akademikong
larangan, ang sintesis ay maaaring nasa anyong nagpapaliwanag o explanatory, o
argumenatibo o argumentative synthesis.
1. Explanatory Syntehesis- isang sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na
lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay, ipinaliliwanag ang paksa sa pamamagitan ng
paghahatid sa paksa sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito sa isang malinaw at maayos na
pamamaraan.

Gumagamit ito ng deskripsyon o mga paglalarawan na muling bumuo sa isang bagay, lugar, o mga
pangyayari at kaganapan. Hindi hinahangad ng sintesis na ito na magdiskurso salungat sa isang
partikular na punto kundi naglalayon itong mailahad ang mga detalye at katotohanan sa isang
paraang obhektibo.

2. Argumentative Synthesis- may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.


Sinusuportahan ang mga pananaw na ito ng mga makatotohanang impormasyon na hango sa
iba’t ibang mga sanggunian na nailahad sa paraang lohikal. Karaniwang pinupunto ng pagtalakay
sa ganitong anyo ng sintesis ang katotohanan, halaga, o kaakmahan ng mag isyu at
impormasyong kaakibat ng paksa.
MGA URI AT KATANGIAN NG
MAHUSAY NA BUOD
1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto- Ang buod ay dapat sumasagot sa mga
pangunahing katanungan tulad ng Sino, Ano, Saan, Kailan, Bakit, at Paano.
2.Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo- Tanging ang mga impormasyong nasa orihinal na
teksto ang dapat isama. Hindi dapat dagdagan ito ng pansariling ideya o kritisismo ng nagsusulat.
3. Hindi nagsasama ng halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto- Maglahad
lamang ng mahahalagang impormasyong nabanggit sa isang akda sa mas maiksi at sa katulad na linaw
na orihinal.
4. Gumagamit ng mga susing salita- ang mga susing salita ay ang mga pangunahing konsepto na
pinagtutuunan ng teksto.
5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napananatili ang orihinal na mensahe- ang paggamit ng
personal na pananalita ay makatutulong ng malaki upang maihayag ang katulad na mensahe mula sa
orihinal na teksto
MGA URI AT KATANGIAN NG
MAHUSAY NA SINTESIS
1. Background Synthesis- Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-
samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos
ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.

2. Thesis-driven synthesis- Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit


nagkakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang
simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na
pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.
MGA URI AT KATANGIAN NG
MAHUSAY NA SINTESIS
3. Synthesis for the Literature- Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang
kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat
na literature ukol sa paksa. Upang maipakita ang malawak na kaalaman sa paksa,
kailangang magkaraoon ng sintesis ng mga literaturang kaugnay ng pag-aaral ang isang
papel pananaliksik. Halos katulad lang din ito ng background synthesis. Ang pagkakaiba
lamang, ang uri ng sintesis na ito ay tumutuon sa mga literaturang gagamitin sa
pananaliksik na isinasagawa. Karanaiwang isinasaayos ang sulatin batay sa mga
sanggunian ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa.
MGA URI AT KATANGIAN NG
MAHUSAY NA SINTESIS
Gamit ang isa sa mga uring ito, makabubuo ng isang akademikong sintesis ng mga
magkakaugnay na sulatin. Sa pagsulat ng sintesis, mahalagang bigyang- pansin ang
sumusunod na katangiang dapat nitong taglayin:

1. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng


iba’t ibang estruktura ng pagpapahayag;
2. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga
impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginamit; at
3. Napagtitibay nito ang nailalaman ng mga pinaghanguang akda at napalalim nito
ang pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay.
MGA URI AT KATANGIAN NG
MAHUSAY NA SINTESIS
Kung ang isinulat na sintesis ay kakikitaan ng mga katangiang ito,
masasabing mahusay ang pagkakasulat nito. Bilang isang manunulat at isang
nagsisimulang manunulat, isang mahalagang bagay na dapat sanayin ang
pagtaya sa isinusulat kung nakasusunod ito sa mga pamantayan at
katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na sulatin. Sa ganitong
pamamaraan mapananatili ang kalidad ng nagawang sulatin tulad ng buod,
sintesis at iba pa.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT BUOD AT
SINTESIS
MGA HAKBANGIN SA
PAGBUBUOD
1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye- Ang
pagsasalungguhit ay makatutulong upang madaling balikan ang mga importanteng isasama sa
buod.

2. Ilista o igrupo ang mga pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya , at ang pangunahing
paliwanag sa bawat ideya- Ang paggugrupong ito ay nakapagbibigay ng isang balangkas sa
maaaring lamanin at pagkakaayos ng isusulat na buod.

3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohikal na paraan - ang
orihinal na awtor ay maaaring gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang kanyang ilahad ang
paksang tinatalakay.
MGA HAKBANGIN SA
PAGBUBUOD
4. Kung gumamit ng unang panauhan (hal.ako) ang awtor, palitan ito ng kanyang
apelyido, ng "Ang manunulat", o "siya" - ipinakikita nito na ang mismong nagbubuod ay
iba sa mismong sumusulat o naghayag ng orihinal na akda.

5. Isulat ang buod- Maaring simulan ang buod sa isang pahayag na magpapakilala sa
awtor at sa mismong akdang binuod. Maaari ring isama na nakuha ang akda at kung
kailan ito nilimbag.
Totoong hindi madali ang preparasyon at pagsulat ng isang
sintesis. Sa isang baguhan o hindi pa gaanong bihasa sa
pagsulat ng ganitong uri ng akademikong sulatin, makatutulong
ang pagsunod sa ilang simpleng hakbang sa pagsulat nito.

MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG SINTESIS
1. Linawin ang layunin sa pagsulat- mahalagang maging malinaw ang tunguhin ng
pagsulat ng sintesis. Dapat masagot ang tanong na kung bakit ito susulatin. Sa
madaling sabi, para saan ba ito? Kung malinaw ang layunin sa pagsulat,
mapagdedesisyonang mabuti ang anyo at uri ng sitesis na bubuuin at dahil dito,
magagampanan ng sulatin ang kanyang layunin.
2. Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti ang
mga ito - Kung malinaw ang layunin ng pagsulat ng sintesis, magiging madali ang pagpili
at paghahanap ng mga sanggunian para mabuo ito. Nasabi ang pagpapalagay na ito,
sapagkat kung alam ng susulat ang layunin, malalaman rin niya na hahanapin ang mga
sangguniang makatugon sa layuning ito. Mas madali rin niyang matutukoy kung akma
ang akdang nahanap para maging sanggunian.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG SINTESIS
3. Buuin ang tesis ng sulatin- Tiyakin ang tesis ng sintesis na gagawin. Ito ang
pangunahing ideya ng isusulat. Ihayag ito gamit ang buong pangungusap. Dapat
naglalaman ang tesis na ito ng ideya ukol sa paksa at ang paninindigan ukol dito.
Karaniwang nakikita ang tesis sa unang pangungusap na pagtalakay, subalit maaari
rin naming makikita ito sa gitna o hulihan ng sulatin.
4. Bumuo ng plano sa organisayon ng sulatin- Maghanda ng balangkas na susundan sa
pagsulat ng sintesis. Ang balangkas na ito ay nakaayon sa iba’t ibang mga teknik sa
pagdebelop ng sintesis. Depende sa layunin, pumili ng isang teknik o kombinasyon ng mga
ito upang magamit sa pagsulat ng sintesis. Kasama sa mga teknik na ito ang pagbubuod.
Paggamit ng halimbawa o ilustrasyon, pagdadahilan, strawman technique, konsesyon, o
comparison at contrast.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG SINTESIS
5. Isulat ang unang burador- Gamit ang napiling teknik, isulat ang unang burador ng
sintesis. Tandaan lamang na maging pleksibol sa sarili. Bagama’t may nakaplanong
balangkas, kung mapagtatantong may mahalagang pagbabago na dapat gawin sa
balangkas ay dapat ipagpatuloy ito upang maisama ang mga puntong nais pang
matalakay.
6. Ilista ang mga sanggunian- Gamit ang pormat na pinepreskrayb ng guro, ilista at
ayusin ang mga ginamit na sanggunian. Isang mahalagang kasanayan na binibigyang-
pagkilala ang ano mang akda o sino mang awtor na pinaghanguan ng impormasyon sa
ginagawang akademikong sulatin. Karaniwang ginagamit na pormat ang MLA o Modern
Language Association at ang APA o American Psychological Association. Ang ikalawa
ang higit na preferred ng may akda na ginagamit dito.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG SINTESIS
7. Rebisahin ang sintesis- Basahing muli ang sintesis at
tukuyin ang mga kahinaan nito. Hanapin ang mga kamalian sa
pagsulat at higit sa lahat ang mga kamalian sa detalye.
Isulat muli ang sitesis para maisama ang mga nakitang
punto na dapat baguhin.
8. Isulat ang pinal na sintesis- Mula rebisadong burador,
maisusulat na ang pinal na sintesis.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG SINTESIS
Sa pagbuo ng sintesis, isaalang-alang din ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod
ng mga detalye.
● Sekwensiyal- pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na
ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng una,
pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa.
● Kronolohikal- pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang
detalye ayon sa pangyayari.
● Prosidyural- pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.
-Maari ding isaalang-alang ang bahagi ng tekto: ang una, gitna, at wakas.
ILAHAD MO
SAGUTIN MO ANG SUMUSUNOD NA TANONG. ISULAT SA KWADERNO
ANG SAGOT.
1. Ano ang tatlong uri ng sintesis at paano ito nagkakaiba?
2. Bakit kailangang matutuhan ang paraan ng pagbubuod?
3. Paano nagagamit ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga
detalye sa pagbubuod?
4. Ano ang naitutulong ng maayos na pagsusunod-sunodng mga
detalye o pangyayari sa mabisang pakikipagtalastasan, pasulat man
o pasalita?
PAGLALAPAT Panuto: Basahin at unawain ang kuwentong ibibigay ng guro.
Pagkatapos, ibuod ito ayon sa mga bahagi ng teksto sa kwaderno.

ALAMAT NG ILANG-ILANG
PAMAGAT: _______________________________________________________________
PANIMULA:
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
GITNA:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
WAKAS:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
PAMANTAYAN SA
PAGMAMARKA
MARAMING
SALAMAT

You might also like