You are on page 1of 36

Filipino sa

Piling Larang JUNOB NATIONAL HIGH


SCHOOL

BB. PRINCESS
HARLEY G. BINOYA
Unang Markahan – Linggo 1:
ANG AKADEMIKONG
PAGSULAT
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nabibigyang-kahulugan ang
akademikong pagsulat.
(CS_FA11/12PB-0a-C-101)
Sa katapusan ng araling na ito, inaasahan na kayo ay:

IKALAWANG LAYUNIN

2. Nakasusulat ng isang
UNANG LAYUNIN sanaysay tungkol sa IKATLONG LAYUNIN
kahulugan at kahalagahan
1. Nabibigyang-kahulugan akademikong pagsulat; 3. Masiglang naisasagawa
ang akademikong pagsulat ang mga gawain at
at nasusuri ang mga naipapakita nang may
konseptong kaugnay nito; kawastuhan ang
pagbibigay kahulugan sa
akademikong pagsulat.
SA AKADEMIKONG PAGSULAT,
MAHALAGA ANG PAGKUHA NG
_______________________
SA AKADEMIKONG PAGSULAT,
MAHALAGA ANG PAGKUHA NG
IMPORMASYON
Alin sa dalawa ang wastong pangangalap ng datos?

A B
PANUTO:
Panoorin ang bidyo tungkol sa akademikong pagsulat upang mabuo ang
AKADEMIKONG
concept map. PAGSULAT

AKADEMIKONG
PAGSULAT
PAGLALAHAD
Ipapangkat ang klase sa tatlo at bibigyan ang
bawat pangkat ng kopya sa paksang inyong
Pagpapangkat-
ibabahagi o iuulat sa harap ng klase. Pumili ng
isang lider at hatiin ang mga bahagi ng paksa sa
pangkat
bawat miyembro.

Sa pag-uulat, inaasahan na hindi lang babasahin


ang nasa PowerPoint Presentation, dapat ay
ipaliwanag at ibuod ang bawat bahagi. Maaaring
magbigay ng mga halimbawa.
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan sa Pagmamarka
Pagsasaayos at Pagkakabuo - 15
Nilalaman - 45
Pagtatanghal- 40
--------------------------------------------
Kabuuang Puntos - 100
SIMULAN NA
ANG
PAG-UULAT
UNANG
PANGKAT
Akademiya
Ang AKADEMIYA ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga
iskolar, artista at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, palawakin ang
kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng
partikular na larangan. Isa itong komunidad ng mga iskolar

• Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, Malaki ang maitutulong ng


kaalaman at kasanayan sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang
masiguro ang tagumpay sa buhay akademiya.
• Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may
kakayahang mag-isip nang kritikal o mapanuri , maging mapanlikha at
malikhain, malayang magbago at makapagpabago.
• Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng AKADEMIYA!
Sa AKADEMIYA

1. Nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kasanayang kaugnay ng


larangang pinagkadadalubhasaan:
kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat

2. Napapaunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa larangan, analisis, panunuring kritikal,


pananaliksik at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng
pagsusuri.
Samantala ang DI-AKADEMIKONG GAWAIN ay ginagabayan naman ng KARANASAN,
KASANAYAN, at COMMON SENSE.
AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
Layunin: Magbigay ng ideya at Magbigay ng sariling
impormasyon opinyon
Paraan o Batayan ng Obserbasyon, panana- Sariling karanasan, pamilya,
Datos: liksik, pagbabasa at komunidad

Iskolar, mag-aaral, guro


Awdyens (akademikong komunidad) Iba’t ibang publiko
Obhektibo Subhektibo
Hindi direktang tumutukoy Sariling opinyon, pamilya,
sa tao at damdamiin kundi komunidad ang pagtukoy
Pananaw sa mga bagay, ideya, Tao at damdamin ang tinutukoy
Nasa pangatlong panauhan Nasa una at pangalawang panauhan
ang pagakakasulat ang pagkakasulat
IKALAWANG
PANGKAT
Ang Akademikong Pagsulat
Ang AKADEMIKONG PAGSULAT ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga
kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na INTELEKTWAL NA PAGSULAT.

Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. May layuning maipakita ang


resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay isinasagawa sa isang
akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa
pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang.
Ang AKADEMIKONG PAGSULAT ay nangangailangan nang higit na mataas na antas
ng mga kasanayan. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip,
pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya. Ito ang ginagamit sa mas mataas na
edukasyon o sa kolehiyo. Dagdag pa nito, isa sa pinakamahahalagang output ng
sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong pagsulat. Ito ay isang
masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring
maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
MAHAHALAGANG KONSEPTO NG AKADEMIKONG PAGSULAT AYON
KAY KARENGOCSIK (2004)

1. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.

2. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na

kinagigiliwan ng akademikong komunidad.

3. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento.


IKATLONG
PANGKAT
Ang AKADEMIKONG TEKSTO ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo
upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga
argumento o ideya ng sumulat.

Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging pormal nito, inaral,


sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka-impluwensya ng
kanyang mambabasa.
MGA HALIMBAWA NG AKADEMIKONG SULATIN
1. Akademikong sanaysay 14. Panunuring pampanitikan
2. Pamanahong papel 15. Antolohiya
3. Konseptong papel 16. Pasalitang testimonya
4. Tesis
17. Mga tinipong sulatin (e.g., tula,
5. Disertasyon
6. Abstrak sanaysay, at talumpati)
7. Book report 18.Form na pang-administratibo
8. Pagsasaling-wika (e.g.,proposal, peer review report,
9. Aklat performance evaluation atbp.)
10.Rebyu 19.Opinyon
11.Artikulo (maaaring pahayagan, 20.Mga rebyung pampanitikan
magasin atbp.) 21.Position paper
12.Bibliograpiya (annotated)
13.Annotated na Katalogo
Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang
indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay
ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-
organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa
orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa
pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at
isinasaalang-alang ang target na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang
bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng
kaalaman.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay
nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong
isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga
pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga
ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong
sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman
ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, konklusyon, at
rekomendasyon. Iilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang abstrak,
bionote, talumpati, panukalang proyekto, replektibong sanaysay, sintesis, lakbay-
sanaysay, synopsis, at iba pa.
MAHUSAY!!!
Panuto: Mula sa iyong natutuhan sa paksang inilahad, sagutin
ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga
sagot. Sagutin Natin

1. Bakit kinakailangang pag-aralan ang kasanayan sa akademikong


pagsulat?

2. Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na


tulad mo ang mga layunin ng Akademikong Pagsulat?

3. Sa iyong palagay, bakit hindi mabuti ang plagiarism o ang


pangongopya ng ideya ng iba lalo na sa pangangalap ng matibay
na impormasyon?

4. Bakit mahalaga ang bibilyograpiya sa wastong pangangalap ng


impormasyon?
ISAISIP NATIN
Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat.
Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang
larangan. Ito ay para rin sa makabuluhang pagsasalaysay na
sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon batay sa
manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga
impormasyon at saloobin.
PAGLALAPAT
Bumuo ng isang sanaysay kaugnay sa mga kaisipan na iyong
nakuha tungkol sa akademikong pagsulat. Lagyan ito ng
sariling pamagat at bubuuin ng tatlong talata na may
tiglilimang pangungusap. Gawing gabay ang pamantayan sa
sa pagsulat ng iyong sanaysay.
PAMANTAYAN SA
PAGSULAT NG SANAYSAY
Nilalaman .............................................................45%
Kaugnayan sa Tema ............................................30%
Paggamit ng Salita ...............................................25%
Kabuuan ............................................................100%
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tamang sagot sa inyong kwaderno.
1. Ang __________________ ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo upang matulungan ang mga
babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga argumento o ideya ng sumulat.
A. akdang pampanitikan B. akademikong teksto C. sulating teknikal D. sulating tradisyonal
2. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging _______ nito, inaral, sinaliksik,
obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka- impluwensya ng kanyang mambabasa.
A. impormal B. kumbensyunal C. lohikal D. pormal
3. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang ______________kung saan kinakailangan ang mataas
na antas ng kasanayan sa pagsulat.
A. akademikong institusyon B. bahay C. online chat room D. lahat ng nabanggit
4. Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-
aaral kaya ito tinatawag din na __________ na pagsulat.
A. intelektwal B. personal C. teknikal D. lohikal
5.Ang mga sumusunod ay mahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat maliban sa;
A. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.
B. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong
komunidad.
C. Ang akademikong pagsulat ay walang sinusunod na partikular na kumbensyon.
D. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang
panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng
lipunan.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama, M naman kung Mali.
1. Sa Akademiya, nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kasanayang kaugnay ng larangang
pinagkakadalubhasaan.
2. Ang mga kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat ay hindi naman
kailangan sa pagsulat ng mga sulating akademiko.
3. Napauunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa larangan, analisis, panunuring kritikal, pananaliksik
at eksperimentasyon sa mga institusyong pang-akademiko
4. Ginagabayan ang akademikong pagsulat ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng
pagsusuri.
5. Ang mga di-akademikong gawain ay ginagabayan naman ng karanasan, kasanayan, at common sense.
6. Ang akademikong sulatin ay direktang tumutukoy sa tao at damdamin, hindi sa mga bagay, ideya, at
katotohanan.
7. Ang pananaw sa pagsulat ng akademikong sulatin ay nasa una at pangalawang panauhan ang
pagkakasulat
8. Ang batayan sa pagkuha ng datos sa pagsulat ng mga akademikong sulatin ay mula sa obserbasyon,
pananaliksik, at pagbabasa.
9. Ang akademikong sulatin ay subhektibo, samantala ang di-akademikong sulatin ay obhektibo.
10.Ang audience ng mga akademikong sulatin ay mga mag-aaral, guro o mga iskolar.
Mga Katanungan?

Maraming
Salamat

You might also like