You are on page 1of 22

Filipino sa

Piling
Larang
BB. PRINCESS HARLEY G. BINOYA
Unang Markahan – linggo 2:
Iba’t Ibang
Akademikong Sulatin
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong
sulatin ayon sa
b. Layunin
c. Katangian
d. Gamit
e. Anyo
CS_FA11/12PN-0a-C-90
Sa katapusan ng araling na ito,
inaasahan na kayo ay:

1. Nakatutukoy ang mga akademikong sulatin ayon sa


layunin, katangian, gamit at anyo nito.
2. Nasusuri ang mga halimbawang akademikong sulatin
ayon sa layunin, katangian, gamit at anyo nito.
3. Nakasusulat ng akademikong sulatin nang may
pagtitiyaga at pagpapahalaga sa kasanayan.
AKADEMIKONG SULATIN
Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na
pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng
kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para
rin sa makabuluhang pagsasalaysay na
sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at PAGLALAHAD
opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito
upang makapagpabatid ng mga impormasyon at
saloobin.
Ang akademikong sulatin ay maaaring,
naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan
at nangangatuwiran. Ang mga sulatin ay
maaaring magkaiba ayon sa anyo,
katangian at gamit nito.
Ang ilan sa mga halimbawa ng
akademikong sulatin na naglalahad ay:
1. Abstrak
2. Sinopsis Ang mga halimbawa naman ng akademikong
3. Buod sulatin na nangangatuwiran ay
4. Bionote ang mga sumusunod:
1. Panukalang proyekto
2. Posisyong papel Ang mga sulating akademiko
3. Talumpati
naman na naglalarawan ay:
1. Lakbay Sanaysay
2. Photo essay
3. Replektibong sanaysay
AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN
Ito ay karaniwang ginagamit sa Hindi gaanong mahaba,
pagsulat ng akademikong papel
Abstrak para sa tesis, papel siyentipiko at organisado ayon sa
teknikal, lektyur at report. pagkakasunod sunod
Layunin nitong mapaikli o ng nilalaman.
mabigyan ng buod ang mga
akademikong papel.

Sintesis Ang kalimitang ginagamit sa Kinapapalooban ng


mga tekstong naratibo para overview ng akda.
mabigyan ng buod, tulad ng Organisado ayon sa
maiklling kwento. sunod-sunod na
pangyayari sa kwento.
AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN

Ginagamit para sa personal May makatotohanang


Bionote profile ng isang tao, tulad ng
kanyang academic career at iba paglalahad sa isang
pang impormasyon ukol sa
kanya. tao.
Maipabatid ang mga
impormasyon ukol sa Organisado at malinaw
Memorandum gaganaping pagpupulong o para maunawaan nang
pagtitipon. Nakapaloob dito ang
oras, petsa at lugar ng mabuti.
gaganaping pagpupulong.
AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN
Layunin nitong ipakita o ipabatid Pormal at organisado
Agenda ang paksang tatalakayin sa
pagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng
para sa kaayusan ng at daloy ng pagpupulong
organisadong pagpupulong.

Makapaglatag ng proposal sa Pormal, nakabatay sa


Panukalang proyektong nais ipatupad.
uri ng mga tagapakinig
Proyekto Naglalayong mabigyan ng
at may malinaw ang
resolba ang mga prolema at
suliranin. ayos ng ideya.
AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN
Ito ay isang sulating Pormal, nakabatay sa
Talumpati nagpapaliwanag ng isang uri ng mga tagapakinig
paksang naglalayong
manghikayat, tumugon, at may malinaw ang
mangatwiran at magbigay ng ayos ng ideya.
kabatiran o kaalaman.

Katitikan ng Ito ay ang tala o rekord o Ito ay dapat na organisado ayon


pagdodokumento ng mga sa pagkakasunod-sunod
Pulong mahahalagang puntong ng mga puntong napag-usapan at
nailahad sa isang pagpupulong. makatotohanan.
AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN

Ito ay naglalayong maipaglaban Ito ay nararapat na maging


Posisyong Papel kung ano ang alam mong tama. pormal at organisado ang
Ito ay nagtatakwil ng kamalian pagkakasunod-sunod ng ideya.
na hindi tanggap ng karamihan.
Ito ay uri ng sanaysay kung Isang replektib na karanasang
Replektibong saan nagbabalik-tanaw ang
personal sa buhay o sa mga
Sanaysay manunulat at nagrereplek.
Nangangailangan ito ng reaksyon binasa at napanood.
at opinyon ng manunulat.
AKADEMIKONG LAYUNIN AT GAMIT KATANGIAN
SULATIN

Pictorial Essay Kakikitaan ng mas maraming Organisado at may makabuluhang


larawan o litrato kaysa sa mga pagpapahayag sa litrato na may
salita. 3-5 na pangungusap.

Ito ay isang uri ng


Lakbay sanaysay na Mas marami ang teksto
Sanaysay makapagbabalik-tanaw sa kaysa sa mga larawan.
paglalakbay na ginawa ng
manunulat.
GAWIN NATIN

pANUTO:
1. Basahin ang mga halimbawang akademikong sulatin.
2. Suriin ito ayon sa layunin, katangian at gamit nito.
3. Punan ang talahanayan sa ibaba.
AKADEMIKONG SULATIN 1 pANUTO:
1. Basahin ang mga halimbawang akademikong sulatin.
2. Suriin ito ayon sa layunin, katangian at gamit nito.
3. Punan ang talahanayan sa ibaba.
Si Maria Jessica Aspiras Soho, o mas kilala sa tawag na Jessica Soho ay
ipinganak noong 27 Marso 1964, isang batikang mamahayag at personalidad
mula sa La Union. Natanggap ni Soho ang Ka Doroy Valencia, isa rin si Soho sa
mga 100 Filipino Women Of Distinction na pinili noong Centennial na pagdiriwang
ng Pilipinas.
Ang kanyang kwento ukol sa isang hostage crisis sa Lambak ng Cagayan
ang nagpanalo sa kanya ng karangalang Coverage of a Breaking Story sa New
York Film Festival.
Ang kanyang mga dokumentaryang Kidneys for Sale at Kamao ang nagbigay-
daan upang makuha niya ang karangalang maging unang Pilipinong tagapagbalita,
at ang estasyon niyang GMA Network ang unang lokal na
kompanyang nakapagkamit ng tanyag na George Foster Peabody Award noong
1999.
(hango mula sa:)
TALUMPATI NG KAGALANG-GALANG NA BENIGNO S. AQUINO III AKADEMIKONG SULATIN 2
PANGULO NG PILIPINAS SA PAGDIRIWANG NG IKA-150
ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI JOSE RIZAL
[Inihayag sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo 2011]

Malinaw po: Hindi ipinanganak na superhero si Jose Rizal. Walang prediksyon sa kaniyang
kadakilaan; walang nakapagsabing ang anak ng mag-asawang Mercado ay magiging
pambansang bayani ng lahing Pilipino. Isa’t kalahating siglo ang nakalipas, ginugunita pa rin
natin ang kanyang kapanganakan, at tinitingala ang kanyang kadakilaan. Kinikilala natin si Jose
Rizal dahil sa harap ng mga sangandaan ng ating masalimuot na kasaysayan, may isang
Pilipinong muli’t muli ay piniling gawin ang tama—ang unahin ang kapakanan ng kaniyang kapwa,
ang itaguyod ang pagkakaisa para sa kalayaan ng atin pong bansa—kahit paang kapalit nito ay
ang sarili niyang buhay. Matagal na pong nakahanay si Rizal sa iba pang mga dakila ng
kasaysayan. Ngunit sinabi po niya, sa bibig ng tauhang si Elias sa kanyang Noli Me Tangere:

“Mamamatay akong 'di man nakita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa aking inang
bayan! Kayong makakikita, batiin ninyo siya—at huwag kakalimutan ang mga nalugmok sa dilim
ng gabi!” Wala po akong dudang binabati na natin ang bukangliwayway ngayon, nang hindi
nakakalimot sa mga nalugmok sa dilim, at sumusumpa: Sa bawat pagsubok, kapakanan
ng Pilipino ang isasapuso namin; sa bawat sangandaan, tuwid na landas ang aming tatahakin.
GAWIN NATIN

pANUTO:
1. Basahin ang mga halimbawang akademikong sulatin.
2. Suriin ito ayon sa layunin, katangian at gamit nito.
3. Punan ang talahanayan sa ibaba.
ISAISIP NATIN
Bawat akademikong sulatin ay may pagkakatulad at pagkakaiba.

Nangangahulugan ito na ang bawat isa ay katangi-tangi. Ang


mahalaga ay napag-aralan mo ang ilan sa mga ito nang maihanda ka

sa mas marami pang pagsusulat.


PAGLALAPAT
Maghanap sa internet ng mga online journal. Pumili ng
tatlong akademikong sulatin batay sa iyong interes. Punan
ang gabay na talahanayan ng iyong nasaliksik. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tamang sagot sa inyong sagutang kwaderno.
1. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
2. Ito ay isang uri ng sanaysay na makapagbabalik-tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat.
3. Nakapaloob dito ang oras, petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.
4. Itinuturing itong isang intelektwal na pagsulat.
5. Pormal at organisado ito para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong.
6. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunod-sunod na pangyayari sa kwento.
7. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugon, mangatwiran at magbigay ng
kabatiran o kaalaman.
8. Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
9. Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.
10. Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita.
11. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya.
12. Kalimitan itong ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maiklling kwento.
13. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga problema at suliranin at makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad.
14. Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng nilalaman.
15. Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan at organisadong
pagpupulong.
Pagpipilian:
A. Abstrak
B. Akademikong Pagsulat
C. Agenda
D. Bionote
E. Katitikan ng Pulong
F. Lakbay Sanaysay
G. Memorandum
H. Panukalang Proyekto
I. Posisyong Papel
J. Pictorial Essay
K. Reflektibong sanaysay
L. Sintesis
M. Talumpati
Maraming
salamat Paaalam!

You might also like