"Disiplina ang pairalin tungo sa malinis na kapaligiran at magandang
kalikasan." Ang tatlong litrato ay nagpapakita ng disiplina at pagmamahal sa kalikasan. Napakaraming basura ang nagkalat sa paligid at tayo rin ang makakapaglinis at makapagsasagawa ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kapaligiran.
Ang basurang iyong tinapon kung saan ay babalik sa masamang
kalalabasan. Matutong maging madisiplina para sa ikagaganda at ikalilinis ng ating kapaligiran. lisa lamang ang ating mundo. Huwag na nating hintayin ang araw na ito'y maglaho at pagsisihan nating lahat.
Kayamanan ang dala ng kalikasan sa ating lahat. Suklian natin ito ng
pangangalaga. Yakapin natin ang kayamanang ito at maging disiplinadong tao upang tumagal ang bawat naninirahan dito sa ating mundo.