You are on page 1of 40

Edukasyong Pantahanan

5 at Pangkabuhayan (EPP)
Unang Markahan

LEARNER’S MATERIAL
1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,


ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa
telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring


kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing


impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential
Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng
mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay
maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at
iba pang karagdagang kagamitan tulad ng worksheets/activity
sheets na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng
Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga
paraan ng paghahatid kaalaman tulad ng Radio-based at TV-
based Instructions o RBI at TVI).
CLMD CALABARZON

PIVOT 4A CALABARZON
2
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
(EPP-AGRI)
Ikalimang na Baitang

Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape, Jr., Romyr L. Lazo,
Fe M. Ong-ongowan, Lhovie A. Cauilan at Ephraim L. Gibas

Schools Division Office Development Team:


Berma R. Barreno, Fernando T. Seño, Cecilia E. Loyola, Kristel Maureen Valde, Elsie R.
Reyes, Lorena S. Walangsumbat, Jee-Ann O. Borines, Melchora A. Buerano, Liliosa B.
Diasanta, Natalia E. Villamater, Angelica L. Serrano, Lilibeth M. Velasco

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP-AGRI) Ikalimang na Baitang


PIVOT IV-A Learner’s Material

Unang Markahan

Unang Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON

3 PIVOT 4A CALABARZON
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-


aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang EPP-AGRI. Ang
mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naayon sa mga ibinigay na
layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa pagbibigay sa ating mga mag-aaral ng
tamang paraan ng paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad
nila sa pag-unawa sa pagpapakita ng kakayahan nang may tiwala sa sarili na
kanilang magiging gabay sa mga sumusonod na aralin.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Maging tapat at may integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi sa MELC. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON
4
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul

Bahagi ng LM Nilalaman
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
outcome ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng
Panimula

Alamin aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan
Suriin para sa aralin.
Ang bahaging ito ay naglalahad ng mga aktibidad,
gawain, nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
Subukin
Pagpapaunlad

mag-aaral, karamihan sa mga gawain ay umiinog


Tuklasin lamang sa mga konseptong magpapaunlad at
magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC lalo na ang
bahaging ito ay nagbibigay ng oras para makita ng
Pagyamanin mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa
ang gusto niyang malaman at matutuhan.
Ang bahaging ito ay may iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kailangang Knowledge
Skills and Attitude (KSA). Pinahihintulutan ng guro ang
Isagawa mga mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
Pakikipagpalihan

oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga KSA upang


makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kanilang mga
natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa D. Inilalantad
ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/
Linangin gawain ng buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes
upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya
Iangkop ang kanilang pagganap o lumikha ng isang produkto o
gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga
kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay nagtuturo sa mag-aaral ng proseso
na maipakikita nila ang mga ideya, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga at makalikha ng mga
piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kanilang
Paglalapat

kaalaman sa pagbibigay ng repleksyon, pag-uugnay o


paggamit nang epektibong nito sa alinmang sitwasyon o
konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mga
Tayahin mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong pagsamahin
ang mga bago at lumang natutuhan.

5 PIVOT 4A CALABARZON
WEEKS Abonong Organiko
1-2
I
Ang aralin na ito ay tutulong sa iyo sa paggawa ng abonong
organiko. Iyong malalaman ang kahalagahan at tamang pamamaraan at
pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko na dapat mong sundin
upang magkaroon ng masaganang pataba ng iyong pananim.

Ano ang masasabi sa mga larawan sa ibaba?

PIVOT 4A CALABARZON
6
Gawain 1: Lagyan ng wastong bilang ayon sa pagka sunod-sunod na
hakbang sa paggawa ng basket composting.(1- 6)
__________ Tipunin ang mga nabubulok na basura tulad ng damo, balat ng
gulay at prutas, dumi ng hayop at iba pa.
__________ Tulusan ng kawayang wala ng buko at may butas sa gilid ang
gitna ng compost pit.
__________ Gumawa ng hukay na may sukat na 5 metro ang lalim.
__________ Tapunan ng dumi ng mga hayop at budburan ng apog.
__________ Panatilihing mamasa-masa ang compost pit sa panahon ng
tag-araw.
__________ Bunutin ang tulos at haluing mabuti.

D
Gawain 2: Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Ano ang ginagamit upang mas mabilis pangangalap ng impormasyon sa
pagpili ng halamang gulay na itatanim?
a. Magasin b. aklat c. internet d. diyaryo
2. Ito ay isang uri ng lupa na pinakaangkop sa paghahalaman.
a. luwad b. mabuhangin c. banlik d. compost
3. Para sa wastong panahon ng pagtatanim ng halamang gulay, dapat
tayo ay sumangguni sa ______.?
a. kalendaryo ng pagtatanim c. talaan ng paghahalaman
b. imbentaryo ng kagamitan d. listahan ng mga gulay
4. Ito ay lugar na may malamig na klima na tinaguriang “Salad Bowl of the
Philippines”.
a. Bicol b. Cebu c. Benguet d. Bukidnon
5. Alin sa mga sumusunod na halamang gulay ang tinatanim sa tuluyan o
direct planting?
a. petsay b. repolyo c. okra d. kamatis

7 PIVOT 4A CALABARZON
Pamamaraan ng paggawa ng compost pit.

1. Pumili ng angkop na lugar. Patag at tuyo ang lupa. May kalayuan sa


bahay. Malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa.

2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim. Patagin
ang loob ng hukay at hayaang nakabilad sa araw upang hindi mabuhay
ang anumang mikrobyo.

3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon, mga
balat ng prutas,gulay at iba pa.

4. Maglagay ng isang pirasong patpat ng kawayan upang manatiling tuwid


at patayo ang bawat sulok ng hukay sa pagtatapon ng mga nabubulok
na kalat at lupa.

5. Ilagay ang mga natipong kalat sa loob ng hukay nang may tatlumpung
sentimetro ang taas. Maaari ring lagyan ng abonong urea upang maging
mabilis ang pagkabulok ng mga basurang inilagay sa hukay.

6. Ipaibabaw ang mga dumi ng hayop sa kapal na 15 sentimetro at lagyan


muli ng lupa,abo o apog. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang mapuno
ang hukay.

7. Panatilihing mamasa-masa sa hukay sa pamamagitan ng pagdidilig


araw-araw. Tiyaking hindi ito babahain kung panahon ng tag–ulan.
Makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay ng ilang pirasong dahon
ng saging upang hindi bahain.

8. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa gi-
lid. Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang hangin
at maging mabilis ang pagkabulok ng basura.

9. Bunutin ang itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong Linggo. Haluing


mabuti ang mga pinagsamasamang kalat at lupa. Pagkalipas ng dala-
wang buwan o higit pa ay maaari na itong gamiting pataba ayon sa
pagkakabulok ng mga basurang ginamit.

PIVOT 4A CALABARZON
8
Gawain 3: Lagyan ng wastong bilang ayon sa sunod-sunod na hakbang sa
paggawa ng compost pit.(1- 5)
_________ Lagyan ng pasingawang kawayan at diligan ito araw- araw upang
maging mabilis ang pagkabulok .
_________ Takpan din ng ilang piraso ng dahon ng saging o kahit na anong
uri ng pantakip upang hindi langawin at pamahayan ng anu-
mang uri ng peste.
_________ Haluin din ng mabuti ang natipong mga basura at pagkalipas ng
dalawang buwan o higit pa ay maari ng gamiting pataba.
_________ Maghanda ng isang sisidlan na may sapat na laki at haba.Ito at
maaaring yari sa kahoy o yero na may isang metro ang lalim.
_________ Mag tipon ng mga nabubulok na basura tulad ng mga balat ng
gulay ay prutas, dahon, dumi ng hayop at iba pa. Pag patung-
patungin ang mga ito sa inihandang sisidlan hanggang sa ma-
puno at lagyan ito ng lupa. Tiyaking pantay

E
Gawain 4: Sa ilalim ng pagsubaybay ng iyong magulang o nakatatanda,
gumawa ng abonong organiko at idokumento ito sa pamamgitan ng kuha
ng larawan at araw araw na gawain ukol sa pagsasagawa nito. Ihanda ang
mga sumusunod na kagamitan sa paggawa tulad ng mga larawang s ibaba.

9 PIVOT 4A CALABARZON
Gawain 5: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Nais mong magtanim ng gulay sa inyong lugar, ano ang una
mong dapat isagawa?
a. gumawa ng survey c. gumawa ng listahan ng buto
b. bumili ng gamit d. wala sa nabanggit
2. Ano ang uri ng lupang mainam taniman ng mga halaman
a. mabuhanging lupa b. loam o banlik
c. luwad o clay d. wala sa nabanggit
3. . Bumababa kaagad ang tubig sa uri ng lupang ito.
a. luwad b. loam c. sandy d. mabato
4. May mga halamang minsan lang kung itanim pero maraming
taon bubunga at mapapakinabangan.
a. Perennials c. Seasonal
b. varieties d. Kalendaryo ng Pagtatanim
5. Paano itinatanim ang mga gulay na upo, sitaw at patola?
a. Ipinupunla c. isinasabog
b. itinatanim ng direkta d. pagmamarkot

Gawain 6: Pununan ang patlang ng nawawalang salita o lupon ng mga


salita sa pangungusap.
1. Ang paggamit ng __________ ay isang matipid na paraan upang maka-
bawas sa gugugulin sa pagtatanim.
2. Ang _________ ay ang pagbubulok ng mga basura sa isang sisidlan.
3. Ang abonong ________________ ay mainam na ihalo upang mabilis ang
pagkabulok ng mga basurang ilalagay.
4. Ang ________________ang nilalagay para tumaba ang halaman.
5. Ito ang mga inilalagay sa isang compost ________________.

PIVOT 4A CALABARZON
10
A
Ang Compost o organikong abono ay isang uri ng pataba mula sa
mga tuyong damo o dahon, mga balat ng mga prutas at gulay, at mga du-
mi ng hayop na binubulok sa isang hukay sa isang malawak na lugar. Ito
ay lubos na makatutulong sa atin upang mas lumusog at mapaganda ang
lupang taniman sa isang hukay sa isang malawak na lugar. Ito ay lubos
na makatutulong sa atin upang mas lumusog at mapaganda ang lupang
taniman.

Gawain 7: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang ________ ay isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang
sisidlan.
A. recycling b. compost pit c. hukay d. basket composting
2. Mahalaga ang paglaki ng mga halaman. Ano ang gagawin mo para
tumaba ito?
a. lagyan ng langis b. lagyan ng buhangin
c. lagyan ng damo d. lagyan ng pataba
3. Ano ang mga inilalagay sa isang compost?
A. balat ng prutas, gulay, damo c. diyaryo, papel, bote
B. dayami, damo, sanga d. papel, sanga, plastic
4. Mahalaga ang ________ sa halaman upang madagdagan ang sustansya
nito. Alin sa mga ito ang kailangan ng halaman?
a. pataba b. mga damo c. tubig d. compost pit
5. Ang halamang gulay ay nangangailangan ng mga bagay upang tumubo
ng mahusay. Alin sa mga sumusunod ang mga pangunahing
pangangailangan ng halaman?
a. lupang loam b. tubig c. pataba d. lahat ng nabanggit

11 PIVOT 4A CALABARZON
WEEKS Masistemang Pangangalaga ng Tanim na
3-4 mga Gulay
I
Patutunayan sa araling ito kung paano maisasagawa ang
masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay. Nahahati sa tatlong
masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay tulad nang
pagdidilig, pagbubungkal, at paglalagay ng abonong organiko.

Ang pagsasagawa ng survey bago magtanim ng gulay ay


napakahalaga dahil hindi sa lahat ng lugar nabubuhay ang mga halaman.
Bago magtanim ng gulay, dapat alamin ng magtatanim kung akma sa
lugar, panahon, pangangailangan, at kagustuhan ng mga mamimili.
Ano ang masasabi mo sa mga larawan sa ibaba?

PIVOT 4A CALABARZON
12
Gawain 1: Punuan ang patlang upang mabuo ang tamang gawain sa pan-
gangalaga ng mga pananim. Piliin sa kahon ang mga salitang angkop sa
pangungusap.

Pagbubunot Pagpuksa Pagbubungkal


Pagdidilig Paglalagay

1.___________________ ng mga ligaw na damo.


2.___________________ ng lupa.
3.___________________ gamit ang regadera.
4.___________________ sa mga pesteng sumisira sa mga halaman.
5.___________________ ng abono.

D
Gawain 2: Bilugan ang titik ng tamang sagot .
1. Sina Princess at Dyessa ang inatasan ng kanilang guro sa pag-aalaga
ng gulay sa kanilang hardin na Gulayan sa Paaralan. Ginagawa nila ang
pagdidilig, pagbubungkal at paglalagay ng abono. Subalit napansin
nilang nalalanta at may mga butas ang dahon at bunga ng tanim. Ano
sa palagay mo ang sumisira sa tanim?

a. Hindi nabubungkal nang maayos ang mga gilid nito.


b. Hindi ito nadidiligan nang maayos.
c. Kulang sa paglalagay ng abono.
d. Sinisira ng pesteng kulisap ang tanim.
2. Sa pagtatanim ng halaman hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng
peste. Ano ang dapat gawin upang mabawasan ang peste sa tanim?
a. Hayaan na lamang itong dumami.
b. Magbasa o maghanap sa internet na maaaring makatulong sa
pagpuksa ng mga peste sa halaman
c. Magtanong sa kaklase.
d. Tanggalin lahat ng peste sa bawat halaman.

13 PIVOT 4A CALABARZON
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tamang kaalaman sa pagpuksa ng
mga peste sa mga halaman?
a. Upang maiwasan ang pagkamatay ng mga tanim
b. Upang higit na dumami ang ani
c. Upang mabawasan o tuluyang mamatay ang mga pesteng sumisira
sa tanim
d. Wala sa nabanggit
4. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tamang kaalaman sa pagpuksa ng
mga peste sa mga halaman?
a. Upang maiwasan ang pagkamatay ng mga tanim
b. Upang higit na dumami ang ani
c. Upang mabawasan o tuluyang mamatay ang mga pesteng sumisira
sa tanim
d. Wala sa nabanggit
5. Ang mga magulang ni Divine ay may bukid. Sa isang taon pasalit-salit
ang mga pananim nila ayon sa kalagayan ng panahon. Talong at
repolyo ang tanim nila kapag panahon ng tag-ulan, singkamas at patani
naman pagsapit ng tag-araw. Anong masistemang paraan ng
pagtatanim ng gulay ang ginagawa ng mga magulang ni Divine?
a. Companion Planting
b. Crop Rotation
c. Intercropping
d. Snap Hydroponics

Masistemang Pangangalaga ng Tanim na mga Gulay

Ang mga gulay ay nagbibigay ng magandang ani kung inaalagaan


nang maayos ang mga ito. Ginagamitan ito ng mga masistemang panga -
ngalaga.

1. pagdidilig

2. pagbubungkal

3. paglalagay ng abonong organiko


PIVOT 4A CALABARZON
14
Kahalagahan sa Pagbubungkal ng Lupa

1. Madaling dadami ang mga ugat ng tanim.

2. Madaling mararating ng tubig ang mga ugat. Higit na malusog ang


halaman kapag maraming ugat.

3. Maluwag na makapapasok ang hangin sa halaman.

Mga Dapat Isaalang- alang sa Pagbubungkal ng Lupa

1. Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-masa. Ito ay ginagawa


kung hapon o kaya sa umaga.

2. Gawing katamtaman ang pagbubungkal. Dapat bungkalin nang


mababaw lamang ang mga halamang gulay.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagdidilig ng Halaman

1. Diligan araw-araw

2. Diligan sa hapon o sa umagang-umaga

3. Ingatan ang pagdidilig upang hindi mapinsala ang halamang


didiligan

4. Iwasang malunod ang halaman lalo ng yaong mga bagong lipat na


punla

5. Iwasan ang malakas na pagbuhos

6. Kung ang gamit mo ay regadera kailangan iyong maliit lamang ang


butas

7. Upang manatiling mamasa-masa ang lupa, diligan din ang lupang


nakapaligid sa mga tanim

Paglalagay ng Abono

Ang pataba ay maaaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim


o pagkatapos magtanim. Ngunit ang pinakamagandang panahon ng
paglalagay ng pataba ay habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga.Sa
panahong ito, kailangan ng tanim ang sustansya mula sa lupa.

15 PIVOT 4A CALABARZON
Paglalagay ng Tabing/Bakod

Maglagay ng bakod sa paligid ng halaman lalo na kung may mga


alagang hayop sa paligid. Ingatan ang mga bagong tanim laban sa init ng
araw, hangin, at sa lamig. Ang papel, dahon o saha ay pwedeng gamitin.
Huwag pabayaan ang mga ito na nakatakip sa halaman kung hindi na
kailangan.

Gawain 3: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng kaisipan ay


wasto; MALI kung hindi wasto.
___________ 1. Ang wastong pagdidilig at pangbubungkal sa lupa ng ta
nim na mga gulay ay mahalaga.
___________ 2. Gawing regular ang pagtatanggal ng mga damong ligaw sa
paligid ng halaman upang hindi nito maagaw ang
pataba at tubig na ibinibigay para sa halaman.
___________ 3. Hindi na kailangan pang subaybayan ang paglaki ng hala
man.
___________ 4. Ginagawa ang pagdidilig sa katanghaliang tapat.
___________ 5. Maaaring maglagay ng bakod sa paligid ng halaman lalo
na kung may mga alagang hayop sa paligid.

E
Gawain 4: Sagutan ang mga katanungang ito ayon sa iyong na-
raramdaman at nagawa na.
1. 1. Ano ang iyong mararamdaman kung ikaw ay magtatanim ng
pechay, mustasa, at kamatis sa mga basyo ng mga mineral water na di
na ginagamit?
2. Paano mo ito aalagaan at palalakihing malusog at malayo sa mga pes-
te?
3. Ano sa palagay mo ang kabutihang maidudulot sa iyo ng gawaing ito?

PIVOT 4A CALABARZON
16
Gawain 5: Punuan ang hinihingi ng bawat kahon.

MASISTEMANG PANGANGALAGA NG GULAY

Gawain 6: Sikapin mong makapagtanim kahit sa mga plastic container ng


limang uri ng gulay at idokumento ang ginagawa mong pagdidilig, pag-
bubungkal, at paglalagay ng organikong abono. Maaring magsama ng mga
kuhang litrato/o video upang higit na maidokumento ang ginawang
masistemang pag-aalaga ng halamang gulay.

A
Ang mga gulay ay nagbibigay ng magandang ani kung inaalagaan nang
maayos ang mga ito.
Upang ang halaman ay mabuhay, lumago, at maging malusog
kailangang maisagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga
gulay, ang pagdidilig, pagbubungkal, at paglalagay ng abono.

17 PIVOT 4A CALABARZON
Gawain 7: Basabin ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano-ano ang mga masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay?
a. Pag-aabono at pagbubungkal
b. Pag-aabono, pagbubungkal, at pagdidilig
c. Pagbubungkal at pakikipag-usap sa mga halaman
d. Pagdidilig at pagtatangal ng ligaw na damo
2. Araw ng Sabado, si Dyessa ay namasyal sa kanyang tanim, napansin
niyang matigas ang lupa kahit nadidiligan ito. Ano sa palagay mo ang
dapat niyang gawin?
a. Bungkalin ang lupang nakapaligid sa halaman
b. Damihan ang tubig tuwing magdidilig
c. Dagdagan ang lupa
d. Maglagay ng bakod sa paligid ng halaman
3. Ang pagdidilig ay nakakatulong upang lumago at maging malusog ang
tanim. Kailan dapat ginagawa ang pagdidilig ng mga pananim?
a. Madaling araw c. Katanghaliang tapat
b. Kasikatan ng araw d. Umaga o sa hapon
4. Sa pangangalaga ng tanim mahalaga ang paglalagay ng abono upang
magkaroon ng sustansya ang lupa. Kailan dapat maglagay ng abono?
a. Araw-araw c. Kung tuyot na ang mga tanim
b. Maliit pa ang tanim d. Kapag magulang na ang mga bunga
5. Ang pagbubungkal ay mainam gawin dahil marami itong benepisyo sa
mga tanim. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng
kahalagahan ng pagbubungkal?
a.Madaling dadami ang mga ugat ng tanim
b.Madaling mararating ng tubig ang mga ugat. Higit na malusog
ang halaman kapag maraming ugat.
C.Maluwag na makapapasok ang hangin sa halaman.
D. Madaling makapapasok ang sikat ng araw

PIVOT 4A CALABARZON
18
Masistemang Pagsugpo ng Peste

I
Ang araling ito ay makakatulong upang iyong masistemang
masugpo ang mga peste at kulisap sa pananim.

Ang mga pesteng kulisap ay sumisira at pumapatay ng mga tanim.


Kinakain ang mga dahon at nag-iiwan ng mga butas. Sinisipsip ang katas
ng mga halaman kaya nangungulubot ang mga dahon. Kinakain rin ang
mga bulaklak at bunga na nagdadala ng mikrobyo papunta sa ibang
halaman. Subalit mapupuksa ang mga pesteng kulisap sa pamamagitan
ng mga masistemang paraan ng pagtatanim ng gulay.
Ano ang masasabi mo sa mga larawan sa ibaba?

19 PIVOT 4A CALABARZON
Gawain 1: Basahin ang kaisipan sa bawat bilang. Lagyan ng tsek ( / ) ang
Oo kung tama ang kaisipan at ekis ( X ) naman kung Hindi.

Oo Hindi
Sa pagtatanim, crop rotation ang patu-
loy na paggamit ng lupa. Ito ay
isang paraan upang magpatuloy ang
gandang dulot nito sa paggawa at
paghahanapbuhay.
Ang companion planting ay isang
paraan ng polyculture.
Ang intercropping ay isang abono na
mainam gamitin sa mga halaman.
Ang mga kulisap na sumisira o ku-
makain sa mga dahon ng mga hala-
man ay dapat alisin kaagad.
Ang intercropping ay isang paraan ng
pag-aagawan ng mga pananim.

D
Gawain 2: Isulat ang Tama kung sang-ayon sa bawat pangungusap at Ma-
li kung di sang-ayon. Isulat sa sagutang papel.
_______ 1. Ang mga peste at insekto ay labis na nakakaapekto sa paglaki
at pag-unlad ng halaman.
_______ 2. Ang insekto tulad ng higad ay nakatutulong sa paglaki ng hala
man.
_______ 3. Ang paggamit ng mga pamatay insekto ang isa sa mga ma-
bisang paraan ng pagsugpo sa mga ito.
_______ 4. Ang salitang intercropping sa pagtatanim ay pagtatanim ng
isang gulay lamang at nakakatulong na mabawasan ang pag
sulpot ng mga peste sa halaman.
_______ 5. Ang mga kulisap na sumisira o kumakain sa mga dahon ng
mga halaman ay alisin kaagad.
PIVOT 4A CALABARZON
20
Masistemang Paraan ng Pagsugpo ng Peste

Ang peste ay sumisira at pumapatay sa mga pananim subalit maaari


itong mapuksa.

Ang pagpuksa ng mga peste sa halaman ay nakatutulong upang


maging malusog at lumago ang tanim. Mabisang gawin ang masistemang
paraan ng pagtatanim ng gulay at ang paggawa ng organikong pangsugpo
ng peste at kulisap.

Narito ang masistemang paraan ng pagtatanim ng gulay.

1. Companion Planting

Ito ang pagtatanim at pagpaparami ng iba’t ibang uri ng panamin


para sa pagpuksa ng mga peste sa halamanan.

Kabutihang dulot ng Companion Planting

1. Tumutulong sa pollination

2. Pagkakaroon ng tirahan ng mga bulate na nagsisilbing tagabungkal


ng lupa

3. Magamit nang wasto ang lupang taniman

4. Isang paraan ng polyculture, ang pagtatanim at pagpaparami ng


iba’t ibang uri ng halaman nang sabay-sabay sa parehong lupang tani-
man upang dito alagaan at mapakinabangan

2. Crop Rotation

Ito ay isang proseso ng pagpapalit-palit ng mga panamin ayon sa


kalagayan ng panahon.

3. Intercropping

Ito ang pagtatanim nang higit sa isang pananim kasama ang iba
pang pananim o multiple cropping. Karaniwang salitan ang mga hanay ng
mga tanim.

21 PIVOT 4A CALABARZON
Kabutihang dulot ng Intercropping

1. Hindi nag-aagawan ang mga tanim sa sustansya, tubig, sikat ng


araw, at espayo na kailangan ng bawat tanim

2. Malilimitahan sa pagsulpot ang mga peste sa halaman

4. Paggawa ng organikong pangsugpo ng peste at kulisap

Maaaring puksain ang mga peste o salot ng mga halaman sa


pamamagitan ng paggawa ng organikong pangsugpo.

Narito ang ilang paraan sa paggawa ng organikong pangsugpo sa


peste at kulisap

1. Paghahalo ng dinurog na sili o katas ng dahon Neem Tree sa tubig


na pandilig

2. Pagpapausok sa mga puno at halaman gamit ang mga tuyong dahon


o damo. Tiyaking usok lamang ang lalabas at hindi apoy

3. Ang mga kulisap na sumisira o kumakain sa mga dahon ng mga


halaman ay alisin kaagad.

Gawain 3: Punan ang graphic organizer sa masistemang paraan ng pag-


alis ng mga peste sa pagtatanim ng gulay.

Masistemang Paraan ng
pagpuksa ng Peste

PIVOT 4A CALABARZON
22
E
Gawain 4: Pag-ugnayin ang mga salita sa hanay A at B. Ikonek sa
pamamagitan ng linya.
A B
1. Crop Rotation a. isang proseso nang pasalit-
salit ng mga pananim
ayon sa kalagayan ng
panahon
2. Companion Planting b. iba’t ibang uri ng
halaman nang sabay-
sabay sa itinatanim sa
parehong lupang
taniman
3. Intercropping c. pagtatanim nang higit sa
isang pananim kasama ng
iba pang pananim o
multiple cropping

Gawain 5: Sagutin ayon sa iyong nararamdaman.


Ang iyong kapitbahay ay may sakahan o taniman ng pechay. Na-
pansin mong maraming peste ang kanyang tanim. Paano mo ibabahagi
ang iyong natutunan tungkol sa masistemang paraan ng pagtatanim ng
gulay upang mabawasan o mapuksa ang mga peste?

23 PIVOT 4A CALABARZON
Gawain 6: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sina Princess at Dyessa ang inatasan ng kanilang guro sa pag-aalaga ng
gulay sa kanilang hardin na Gulayan sa Paaralan. Ginagawa nila ang
pagdidilig, pagbubungkal, at paglalagay ng abono. Subalit napansin
nilang nalalanta at may mga butas ang dahon at bunga ng tanim. Ano
sa palagay mo ang sumisira sa tanim?
a. Hindi nabubungkal nang maayos ang mga gilid nito.
b. Hindi ito nadidiligan nang maayos.
c. Kulang sa paglalagay ng abono.
d. Sinisira ng pesteng kulisap ang tanim.
2. Sa pagtatanim ng halaman hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng peste.
Ano ang dapat gawin upang mabawasan ang peste sa tanim?
a. Hayaan na lamang itong dumami.
b. Magbasa o maghanap sa internet na maaaring makatulong sa
pagpuksa ng mga peste sa halaman
c. Magtanong sa kaklase.
d. Tanggalin lahat ng peste sa bawat halaman.
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tamang kaalaman sa pagpuksa
ng mga peste sa mga halaman?
a. Upang maiwasan ang pagkamatay ng mga tanim
b. Upang higit na dumami ang ani
c. Upang mabawasan o tuluyang mamatay ang mga pesteng
sumisira sa tanim
d. Wala sa nabanggit
4. Ang mga magulang ni Divine ay may bukid. Sa isang taon pasalit salit
ang mga pananim nila ayon sa kalagayan ng panahon. Talong at repol-
yo ang tanim nila kapag panahon ng tag-ulan, singkamas at patani na-
man pagsapit ng tag-araw. Anong paraan ng pagtatanim ito?
a. Companion Planting c. Intercropping
b. Crop Rotation d. Snap Hydroponics

PIVOT 4A CALABARZON
24
A
Ang pagpuksa ng mga peste sa halaman ay nakatutulong upang maging
malusog at lumago ang tanim. Mabisang gawin ang masistemang paraan
ng pagtatanim ng gulay at ang paggawa ng organikong pangsugpo ng
peste at kulisap.

Gawain 7: Isulat ang TAMA o MALI sa patlang.


____________1. Intercropping ay ang pagtatanim nang higit sa isang
pananim kasama ng iba pang pananim o multiple
cropping; karaniwang salitan ang mga hanay ng mga tanim.

____________2. Ang Companion Planting ay masistemang paraan ng


pagtatanim ng gulay ang ginagawa para mapuksa ang mga
peste kung saan ang proseso ng mga pananim ay pagsasalit-
salit ayon sa kalagayan ng panahon?

____________ 3. Ito ay isang paraan ng polyculture kung saan ang


pagtatanim at pagpaparami ng iba’t ibang uri ng halaman ay
ginagawa nang sabay-sabay sa parehong lupang taniman
upang dito alagaan at pakinabangan.

____________4. Bunutin ang halaman kapag may nakitang kang mga


kulisap na sumisira o kumakain sa mga dahon nito.

___________ 5. Mainam na paraan sa pagpuksa ng peste ang pagsunog ng


tuyong dahon at damo upang mapausukan ang mga peste sa
pananim.

25 PIVOT 4A CALABARZON
WEEK Mga Hayop na Maaaring Alagaan
5
I
Ang aralin na ito ay magbibigay ng kaalaman at kasanayan sa pag-
aalaga ng hayop tulad ng mga hayop na may dalawang paa, may pakpak o
kaya ay isda bilang gawaing mapagkakakitaan.

Ang pag-aalaga ng hayop ay kapaki-pakinabang na maaaring gaw-


ing libangan na nagbibigay kasiyahan sa tao. Isa sa nakatutulong sa
kabuhayan ng isang mag-anak ay ang paghahayupan kaya marami sa
atin ang kinagigiliwan ang pag-aalaga ng hayop.

Pansinin ang mga larawan sa ibaba. Ano ag masasabi mo rito?

Gawain 1: Bilugan ang mga salitang nakapaloob sa kahon. Ang mga ito ay
alagang hayop sa kapaligiran at sa tubig. Maaaring makita ito sa po-
sisyong bertikal, horizontal, o dayagonal.

I K M A N O K T

S M O T I A E I

D A B I B E I L

A P U G O U M A

K D H B N L W P

H I T O S I B I

E D A L A G O A

PIVOT 4A CALABARZON
26
D
Gawain 2: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad nito, MALI kung
hindi wasto.
________ 1. Ang pag-aalaga ng hayop ay nagpapalala ng problema sa
kakulangan sa pagkain.
________ 2. Bukod sa pagkakakitaan, ang pag-aalaga ng hayop ay
maaaring gawing libangan.
________ 3. Ilan sa isinasaalang-alang sa pag-aalaga ng hayop ay ang pag-
tatapon ng dumi, suplay sa malinis na tubig at pagkaing madaling
matagpuan.
________ 4. Kailangan ng isda ng sapat na gulang bago anihin.
________ 5. Hayaang magsiksikan ang mga hayop sa isang kulungan
upang makatipid sa ilaw , tubig, lugar, at pagkain.

Mga Hayop na Maaring Aalagaan


1. Manok — Madaling mag-alaga ng manok kahit sa maliit na lugar.
Maaring mais at palay lamang ang pagkain ng mga ito.
Uri ng Manok na Aalagaan
A. Layer- Inaalagaan ang manok na ito para sa mga itlog nito.
B. Broiler – Inaalagaan ang manok na ito para sa taglay na karne.
Pagkain ng Alagang ManoK
1. Starting Mash- pagkain ito sa bagong pisang sisiw hanggang 6 na lingo
2. Growing Mash- pagkain sa 6 na lingo hanggang sa handa ng ipagbili o
hanggang sa mangitlog ang inahin.
3. Laying Mash- ibinibigay ito sa mga manok na nagsisimulang mangitlog
2. Kalapati — Nabubuhay ang kalapati kahit saang lugar at sa kahit
anong klima. Gustong-gusto nitong tumira sa maraming puno. Kailangan
mataas ang bahay ng kalapati upang ligtas sa daga, pusa, at ahas.

27 PIVOT 4A CALABARZON
Pagkain ng alagang kalapati:
Munggo , Buto ng sunflower, Sorghum, Giniling na mais, Palay
Giniling na pritong mani, at Mumo ng tinapay.
Paraan ng pagpaparami ng kalapati.

1. Natural na Pagtatalik- pinababayaan lamang ang kalapati na pumili ng


asawa sa sarili nitong panahon at kondisyon
2. Artipisyal na Pagtatalik- ikinukulong sa loob ng dalawang lingo ang
isang pares na kalapati na may wastong gulang.
3. Pugo — Tulad ng ibang hayop, ang karne at itlog ng pugo ay maaaring
kainin. Ang dumi at balahibo nito ay mahusay na napagkukunan ng
pataba o organikong abono.
4. Itik— Isang magandang pagkakitaan ang pag-aalaga ng itik sa likod ng
bakuran ng tahanan, dahil sa malaki ang nagagawang tulong nito sa
pamilya. Marami ang produktong makukuha dito tulad ng balot, penoy
at ang pulang itlog
5. Isda— Ang pag-aalaga ng isda ay madaling gawin. Kailangan lamang
ang isang lugar na may sukat na apat na metro ang lapad, limang
metro ang haba, at isa at kalahating metro ang lalim.
Iba`t Ibang Uri ng Isda na Pwedeng Alagaan
A. Tilapia – ito ay mabilis lumaki. Maaring anihin ito sa loob ng tatlo
hanggang apat na buwan.
B. Karpa- ito ay isang taon bago anihin
C. Bangus -ito ay anim na buwang pag-aalaga bago anihin.
Narito ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop:
1. Napagkukunan ito ng pagkain tulad ng karne at itlog.
2. Nakapagbibigay ng dagdag na kita sa mag-anak.
3. Nagdudulot ito ng kasiyahan sa pamilya at nagsisilbing libangan ng
mag-anak.
4. Natutugunan ang problema ng bansa sa kasalatan ng pagkain at
kawalan ng hanapbuhay.
5. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at nagiging responsable at
maalalahanin.
6. Nakatitipid sa gastusin sa pamilya.

PIVOT 4A CALABARZON
28
Gawain 3: Kahunan ang titik T kung ang pangungusap ay tama at titik
M kung ito ay mali.
T M 1. Mahirap gumawa ng kulungan ng tilapia.
T M 2. Ang “natural food” ng tilapia ay ang plankton o maliliit na
halaman at hayop na tumutubo at nabubuhay sa tubig.
T M 3. Ang mga inahing tilapia ay kailangang pinakakain nang
dalawang beses sa isang araw
T M 4. Ang mga isdang palamuti ay napakadaling alagaan.
T M 5. Ang babaeng isda ay kailangang nakahiwalay sa
lalaking isda kapag malapit nang mangitlog.

E
Gawain 4: Gamitin ang mga nakalap na impormasyon buhat sa internet o
buhat sa nakatatandang miyembro ng inyong pamilya , tungkol sa mga
hayop na maaaring alagaan upang makabuo ng sariling pasya sa hayop na
iyong napiling alagaan sa inyong lugar. Punuan ang sumusnuod na com-

Commitment Form
Ang Aking Napiling Alagaan

Ang napili kong alagaan ay ______________________________

(Iguhit ang alaga dito)

Ito ay aking napili dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________
Lagda ng Mag-aaral

___________________
Lagda ng Guro

29 PIVOT 4A CALABARZON
Gawain 5: Ibigay ang kahalagahan sa pag-aalaga ng mga hayop.

Kahalagahang
Naidudulot ng
Pag-aalaga ng
Hayop

Gawain 6: Isulat ang T kung tama ang nakasaad na impormasyon, M na-


man kung mali.
____1. Mas mabilis ang pagkuha ng impormasyon sa aklat kung
hahambing sa internet sa pagpili ng hayop na aalagaan.
____2. Ang teknolohiya o internet ay hindi makakatulong sa
paghahanap ng impormasyon sa pag-aalaga ng hayop.
____3. Ang pagkalap ng impormasyon sa internet ay makalumang
pamamaraan.
____4. Ang paggamit ng internet sa pagkalap ng impormasyon sa pagpili
ng hayop na aalagaan ay kawili-wili.
____5. Ang pagpili ng hayop na aalagaan ay makatutulong upang
mapagpasyahan ang mainam na aalagaang hayop.

PIVOT 4A CALABARZON
30
A
Ang pag-aalaga ng hayop ay kapaki-pakinabang na maaaring gaw-
ing libangan na nagbibigay kasiyahan sa tao. Isa sa nakatutulong sa
kabuhayan ng isang mag-anak ay ang paghahayupan kaya marami sa
atin ang kinagigiliwan ang pag-aalaga ng hayop. Ilan sa mga hayop na
maaring alagaan ay manok, pugo, kalapati, at maging mga isda tulad ng
tilapia at bangus.

Gawain 7: Basahin ang bawat bilang .Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa hayop na inaalagan sa likod bahay at
pinagkukunan ang mga produkto tulad ng penoy at balot?
a. Manok b. Itik c. Pugo d. Tilapya
2. Anong uri ng isda ang maaring anihin pagkaraan ng tatlo hanggang
apat na buwan?
a. Karpa b. Bangus c. Hito d. Tilapya
3. Ano ang tawag sa pagpaparami ng kalapati na kung saan
pinababayaan lamang sila na mamili ng kanilang mapapangasawa?
a. Natural b. Artipisyal c. Sekswal d. Asekswal
4. Ano ang tawag sa uri ng manok na inaalagaan para sa mga itlog
nito?
a. Broiler b. Layer c. White Leghorn d. Lancaster
5. Ito ay isang uri ng hayop na pinagkukuhanan ng organikong
pataba.
A. Kalapati b. Manok c. Pugo d. Itik

31 PIVOT 4A CALABARZON
WEEKS Pagsasapamilihan ng Alagaang Hayop/Isda
6-8
I
Ang araling ito ay magbibigay sa iyo ng impormasyon sa
pagsasapamilihan ng alagang hayop. Dapat mong isaalang-alang ang mga
paraan ng pagsasapamilihan : pakyawan, lansakan o maramihan at
tingian upang maging kapaki-pakinabang sa mamimili. Ang puhunan,
gastos at pagod sa pag aalaga ng hayop ay salik sa pagbibigay ng presyo
nito upang mgakaroon ng kita ang ng-aalaga.
Tignan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo sa mga ito?

Gawain 1: Magbigay ng ilang pangungusap tungkol sa larawan sa ibaba.

PIVOT 4A CALABARZON
32
D
Gawain 2: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang paraang __________ ay nagaganap bago pa anihin ang produktong
inalagaang hayop.
a. Maramihan b. Pakyawan c. tingian d. online selling
2. Ito ay isang uri ng tingiang pagsasapamilihan. Binibilang ang produkto
na may nakatakdang presyo. Maaari rin ipagbili ng kada dosena.
a. Bilang b. Kilo c. piraso d. tingian
3. Si Mario ay nag-alaga ng manok. Ano ang dapat niyang alamin bago niya
ibenta ang kanyang alagang manok?
a. Nasa tamang gulang at laki ang kanyang alagang manok.
b. Malaki na ito at puwede ng ipagbili.
c. Kailangan na niyang ipagbili dahil ubos na ang patuka nito.
d. Malapit na itong mangitlog kaya puwede ng ipagbili.
4. Paano mo malalaman kung ikaw ay kumita o nalugi sa ginawang mong
pag-aalaga ng hayop?
A. Pagtutuos ng puhunan c. Pagtutuos ng kita
B. Pagtutuos ng gastos d. Pagtutuos ng puhunan, gastos, at kita
5. Si Mang Arturo ay nag-alaga ng isda. Paano niya malalaman kung siya
ay nalugi o kumita?
a. Aalamin ang kanyang mga pinagkagastusan.
b. Aalamin ang presyo ng kanyang mga ipinagbiling hayop.
c. Aalamin ang pamamaraan ng pagkukwenta o pagtutuos ng
pinagkagastusan at pinagbilhan.
d. Aalamin ang kanyang kinita mula sa mga inalagaang hayop.

Mga Paraan ng Pagsasapamilihan ng Produkto


1. Pakyawan- ang paraang pakyawan ay nangyayari kapag nagkasundo
ang may-ari at ang bibili bago pa anihin ang produkto. Ang lahat ng
produkto ay makukuha ng mamamakyaw na siyang magbebenta nito
ng direkta sa pamilihan.

33 PIVOT 4A CALABARZON
2. Lansakan o maramihan- ito ay isang paraan ng maramihang
pagbebenta. Ang bilihan ay maaaring bawat basket o trey ng mga
itlog. Humahango ng maramihan ang mamimili upang ipagbili ng
tingian sa palengke.
3. Tingian- ang paraan ng pagbili ng tingian ay sa kakaunting bilang
batay sa pangangailangan ng mamimili tulad ng:
a. Kilo- ginagamit ang kiluhan sa pagbebenta ng produkto. Ang
ginagamit na basehan ng presyo ay ayon sa timbang ng produkto
tulad ng karne.
b. Bilang- sa paraang ito naman ay binibilang ang produkto na
may nakatakdang presyo. Maaari din namang ipagbili ng kada
dosena.
c. Piraso- ang produkto ay maaaring bilhin ng kada piraso ayon
sa laki. Halimbawa nito ay ang itlog, ang itlog ay naibebenta ng kada
piraso ayon sa laki subalit kung maramihan na ang pagbili ay
nagiging dosena na din ito.

Gawain 3: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng ka-


totohanan at MALI naman kung hindi.
__________1. Ang tingiang pagbebenta ay nakadepende sa pangan-
gailangan ng mamimili.
__________2. May iba’t-ibang paraan ng pagsasapamilihan ng mga
produktong galing sa hayop; pakyawan, maramihan, tingian
at maaari ding online selling.
__________3. Ang kiluhan sa pagbebenta ng produkto ay maaaring ibenta
ng dosena.
__________4. Maaaring bilhin ng kada piraso ang mga produktong tingi-
ang bilihan.
__________5. Mahalagang sundin ang mga umiiral na alituntunin sa
pagbebenta ng mga produkto.

PIVOT 4A CALABARZON
34
E
Gawain 4: Magbigay ng mga hayop na puwedeng ipagbili sa pamamagitan
ng mga sumusunod:

Tingian Lansakan o Maramihan Pakyawan

Gawain 5: Magsaliksik o makipanayam sa mga taong may kaalaman sa


wastong paraan ng pagbebenta sa inaning isda. Punan ang mga kahon.

Wastong Pag-aalaga ng Tilapia

Gawain 6: Kung ikaw ang tatanungin, alin ang mas-epektibo sa pag-


sasapamilihan ng alagang hayop o produkto mula dito: tingian o pakya-
wang pagbebenta? At Bakit?

A
Ang pagbebenta ng inalagaang hayop ay kinakailangang nasa hus-
tong gulang ang mga ito. Nagdudulot ito ng kita o dagdag kita sa kabuha-
yan ng pamilya. May iba’t-ibang paraan ng pagsasapamilihan o pagbebenta
ng mga produktong galing sa hayop na inalagaan tulad ng Pakyawan, Lan-
sakan o maramihan at Tingian.

35 PIVOT 4A CALABARZON
Gawain 7: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pamilya Perez ay may manukan. Sa paanong paraan nila ipagbibili


ang itlog ng kanilang mga alagang manok?
a. Pakyawan c. Tingian ayon sa kilo
b. Maramihan d. Tingian ayon sa bilang
2. Nag-alaga ng tilapia si Mang Nestor, ano ang pinakaangkop na paraan
upang maibenta niya ang kanyang mga alaga?
a. Lansakan o maramihan c. Tingian
b. Pakyawan d. Lahat ng nabanggit
3. Ano ang dapat alamin kapag magbebenta ng produkto upang hindi ma-
lugi at maibenta lahat ang produkto?
a. Dami ng ibebentang produkto
b. Kasalukuyang presyo ng produkto
c. Timbang ng mga ibebentang produkto
d. Gulang at laki ng ibebentang produkto
4. Mag-aalaga ng hayop si Mang Tony upang pagkakitaan. Ano ang dapat
na gagawin niya sa kanyang mga puhunan at gastusin?
a. Tatandaan ang halaga ng kanyang puhunan.
b. Ilista ang kanyang mga gastusin sa pag-aalaga.
c. Magkaroon ng talaan ng puhunan at gastusin.
d. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang kahalagahang dulot ng kaalaman sa pagtutuos ng puhunan,
gastos at kita?
a. Upang malaman ang puhunang ihahanda susunod na pag-aalaga
b. Upang mapaghandaan ang mga gastusin sa pag-aalaga.
c. Upang malaman kung tumubo o nalugi sa pag-aalaga ng hayop.
d. Upang maplano ang pagbebenta ng mga alagang hayop

PIVOT 4A CALABARZON
36
Susi sa Pagwawasto
MODULE 3
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4
1. OO 1. T 1.A
2. OO 2. M Magkakaiba ang 2.B
sagot
3. HINDI 3. T 3.C
4. OO 4. M
5. HINDI 5. T

Gawain 5 Gawain 6 Gawain 7


1. D 1. T
Magkakaiba ang 2. B 2. M
sagot
3. C 3. T
4. B 4. M
5. T

MODULE 4
Gawain 2 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4
1. M 1. T
2. T 2. T Magkakaiba ang
sagot
Magkakaiba ang 3. T 3. M
sagot 4. T 4. T
5.M 5. M

Gawain 5 Gawain 6 Gawain 7


1. M 1. A
Magkakaiba ang 2. M 2. D
sagot 3. M 3. N
4. T 4. B
5.T 5.B

37 PIVOT 4A CALABARZON
Susi sa Pagwawasto
MODULE 1

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4


3 1. C 4
2 2. D 3 Magkakaiba ang
sagot
1 3. A 5
4 4. C 1
6 5.C 2
5
Gawain 5 Gawain 6 Gawain 7
1. A 1. D
2. B Magkakaiba ang 2. D
3. C sagot 3. A
4.C 4. A
5. B 5.D
MODULE 2
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4
1. pagbubunot 1. D 1. T
2. pagbububngkal 2. B 2. T Magkakaiba ang
sagot
3. pagdidilig 3. C 3. M
4. pagpuksa 4. C 4. M
5. paglalagay 5.B 5. T

Gawain 5 Gawain 6 Gawain 7


1. B
Magkakaiba ang Magkakaiba ang 2. A
sagot sagot 3. D
4. B
5.A

PIVOT 4A CALABARZON
38
MODULE 5
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4
1. B 1. T
Magkakaiba ang 2. C 2. T Magkakaiba ang
sagot sagot
3. A 3. M
4. D 4. T
5. C 5.T

Gawain 5 Gawain 6 Gawain 7


1. D
Magkakaiba ang Magkakaiba ang 2. D
sagot sagot 3. B
4. D
5.C

Sanggunian

Mga Aklat
BArza, Maria A. (2012) “Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
pp.209-218” Sta. Teresa Publishing, Inc. 1373 E. Rodriguez Sr. Ave., Kris-
tong Hari, Quezon City
Lee, Estifania Gloria. 2016. Masiglang Pamumuhay Para sa Kinabukasan 5.
Phoenix Publishing House Inc.
Casamayor, Violeta V. at Juanita S. Guerrero. 2000. Paggawa Susi sa
Pag-unlad 4. Phoenix Publishing House Inc.
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kunlaran, Batayang Aklat 5, p 128-130
Online
https://www.google.com.ph/search?
q=paggawa+ng+compost+pit&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKE
wjwkYfxtuzoAhUDGqYKHXYDCQgQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=6
57
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

39 PIVOT 4A CALABARZON
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON


Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Cainta, Rizal

Landline: 02-8682-5773, local 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

PIVOT 4A CALABARZON
40

You might also like