You are on page 1of 5

PAGTAGUBILIN

Mga Ninong at Ninang


(Babalik sa pagkaluhod ang babae at lalaki)

ANG PAGPAPALANG APOSTOL


Pagpalain, tangkilikin at ingatan nawa kayo ng Diyos, ang
Ama, ang Anak at Espiritu Santo at buong lugod na
paglingap ay masdan kayo ng Panginoon, at puspusin na
kayo ng lahat ng pagpapalang spiritual at ng pag-ibig
upang managana kayo sa buhay na ito, at duon sa
darating, ay magkaroon kayo ng buhay na walang
hanggan. Amen.
PAGKAKALOOB NG HALIK
PAGPAPAKILALA SA BAGONG KASAL
PAGPATAY NG KANDILA AT PAGSASARA NG BIBLIA
PANGWAKAS NA TUGTUGIN

ENTOURAGE PICTORIAL

PAGTITIPON
PANIMULANG TUGTUGIN
PAGSINDI NG KANDILA
PROSESYONAL
Minister
(Pagbubukas ng Biblia )
Best Man
Groom
Principal Sponsors
Veil Sponsors
Cord Sponsors
Candle Sponsor
Ring Bearer
Candle Bearer
Coin Bearer
Bible Bearer
Flower Girls
Groomsmen & Bridesmaid
Maid of Honor
BRIDAL MARCH
(Tatayo ang
Kapulungan)
Bride
PAGBATI
Mga minamahal, tayo ay nagkatipon dito sa
paningin ng Diyos, at sa harapan ng mga saksing ito
upang pag-isahin sina Romeo at Sarah sa banal na
kalagayan ng pag-aasawa na isang marangal na
kalagayan na sa atin ay ipinahihiwatig ang mahiwagang
pagkakaisa ni Cristo at ang Kanyang Iglesya na ang banal
na kalagayang ito ay pinadilag at pinaganda ni Cristo sa
Kanyang pagkakadalo sa kasalan sa Cana ng Galilea.
Dahil dito, hindi nga nararapat pasukan ng sinuman ang
mga bagay na ito na parang walang kabuluhan, kundi
nararapat na igalang, pagpitagan at matakot sa Diyos. Sa
banal na kalagayang ito ay dumudulog ngayon sina
Romeo at Sarah, upang pagtibayin ang kanilang
hinahangad na pagkakaisa.

[1]
Sa ating harapan ay mayroong tatlong
espesyal na kandila. Ang dalawang maliliit na
kandila ay sumisimbulo ng buhay ng dalawang tao
na nag-iisang dibdib ngayon, si Romeo at Sarah
(sisindihan ng candle sponsors ang dalawang
maliliit na kandila)
Mula nagyon, idinadalangin namin na kapwa sila
magliwanag bilang indibidual sa kanilang pamilya,
kaibigan at sa mga kapwa mananampalataya.
Bilang simbulo ng kanilang pangakuan sa isat-isa
at pagpapahayg ng kanilang pagiging isa ang
dalawang liwanag na ito ay pag-iisahin at
tatanglawan ng Panginoon na siyang patuloy na
magpaningas sapagkat sa Kanya nagmula ang
tunay na liwanag ng buhay. (sisindihan ang gitnang
kandila ng babae at lalaki)
Romeo at Sarah: Ngayon ipinapahayag namin ang
pagmamahalan sa pamamagitan ng pag-iisang
dibdib, kami ay nagpapasalamat sa Diyos at sa
inyo, naway magliwanag ang pag-ibig namin sa
isat-isa gayundin sa aming pamilya at sa lahat ng
nasa paligid namin sa pamamagitan ng liwanag na
pinagkaloob sa amin ng Panginoon.
PAGPAPAHAYAG NG PAG-IISANG DIBDIB
PASTOR
Romeo at Sarah, naipahayag na ninyo ang inyong
pangakuan sa isat-isa, at ito ay ginawa ninyo sa harap
ng Diyos at ng kapulungang ito. Ang Diyos ay siya
nawang magpatibay sa inyong pinagkasunduan,
puspusin nawa kayo ng Diyos ng kanyang mayamang
biyaya.
Yamang si
Romeo at Sarah, ay nagkasundo sa
pagtanggap ng banal na matrimonio, at pinatotohan
nila ito sa harapan ng Diyos at ng mga saksing ito, at
sa hangad na ito ay ipinagkaloob ng bawat isa sa
kanila ang kanilang pangako at pagtatapatan, at
kanilang pinagtibay ito sa pamamagitan ng kanilang

pagkakamay at sa pamamagitan ng pagkakaloob at


pagtanggap ng singsing, at sa bisa ng kapangyarihan
ipinagkaloob sa akin ng Republika ng Pilipinas,
ipinapahayag ko na silay mag-asawa sa pangalan ng
Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Silang
pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.

[6]
VEIL CEREMONY
Veil Sponsors
Pastor : Ang belo na nakabalot kina Romeo at Sarah
ay simbulo ng kanilang pag-iisa, isang tahanan,
isang pamilya, isang pananampalataya at higit sa
lahat iisa sila kay Kristo. Gayundin, ang belo ay
nagsasaad ng kadalisayan ng pag-ibig at pag-iingat
ng Diyos sa kanila.
CORD CEREMONY
Cord
Sponsors
Pastor : Ang lubid na nakatali kay Romeo at Sarah ay
kumakatawan ng lahat ng magaganda at
mabubuting bagay na mapapanatili na masaya at
matatag ang kanilang pagsasama bilang magasawa. Ang una sa mga ito ay ang pag-ibig ng
Diyos sa kanila. Sabi ng kasulatan sa Roma 8:39
alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa
atin sa pag-ibig ng Diyos, pag-ibig na ipinadama sa
atin sa pamamagitan ni Kristo-Hesus na ating
Panginoon. Pangalawa ay ang kanilang pag-ibig sa
isat-isa at pagtatapat bilang mag-asawa.
The Lords Prayer
PAGLAGDA SA CERTIFICATE OF MARRIAGE
TANGING AWIT

PAG-ALIS NG VEIL AT CORD


PAGSINDI NG UNITY CANDLE
Pastor: Gumagamit tayo ng mga simbulo upang
ipahayag ang ating isipan at nararamdaman para
sa ibang tao. Sa mas malalim at spiritual na bahagi,
si Hesus ay gumamit ng mga simbulo bilang paraan
ng pagpapahayag ng Kaniyang banal na presensya
sa ating kalagitnaan. Si Hesus ay malayang
magsasalita tungkol sa liwanag at kadiliman upang
pagtibayin ang iniatas sa mga kristiyano na
lagpasan at labanan ang kadiliman ng mundong ito
sa pamamagitan ng kaliwanagan, kabutihan at
kadalisayan ng puso ng bawat kristiyano.
[5]
PAGPAPAHAYAG NG INTENSYON
Pastor : Sa inyong dalawa, Romeo at Sarah hinihiling
ko samantalang kayo ay nakatayo sa harapan ng
Diyos, na inyong alalahanin na ang pag-ibig at
pagtatapat lamang ang saklolo na gaya ng
pagtibayan
ng isang maligaya at nanatiling
tahanan. Walang ibang buklod ng tao na hihigit pa
sa kadakilaan, o sa pangako na hihigit pa sa
kabanalan kaysa
inyong gagampanin ngayon.
Kung ang banal na pangakong ito ay inyong
iingatang walang kapintasan at sa katatagan ay
inyong pagsumikapang sundin ang kalooban ng
inyong Amang nasa langit, ang inyong buhay ay
mapuspos ng kagalakan, at ang tahanang iyong
itatayo ay mananatili ang kapayapaan.
Romeo ibig mo bang tanggapin si Sarah na
maging iyong asawa, upang kayo ay manangan
alinsunod sa banal na kalagayan ng matrimonio?
Iibigin mo ba siya, aaliwin, papapurihan at iingatan,
sa pagkakasakit at sa kaginhawaan, at hindi ka
makikialam sa lahat ng iba, at sa kanya ka lamang
tumatahan samantalang kayo ay nabubuhay?
Romeo: Opo siya ko pong gagawin.

Pastor : Sarah, ibig mo bang tanggapin si Romeo na


maging iyong asawa, upang kayo ay manangan
alinsunod sa banal na kalagayan ng matrimonio?
Iibigin mo ba siya, aaliwin, papapurihan at iingatan,
sa pagkakasakit at sa kaginhawaan, at hindi ka
makikialam sa lahat ng iba, at sa kanya ka lamang
tumatahan samantalang kayo ay nabubuhay?
Sarah: Opo siya ko pong gagawin.
TUGON NG PAMILYA AT KAPULUNGAN
Pastor : Ang kasalang ito ang nagiisa kina Romeo at
Sarah at gayundin sa kani-kanilang pamilya. Sila
ngayon ay humihiling ng inyong pagpapala at
basbas.
Mga Pamilya at kapulungan : Kami ay nagagalak sa
inyong pag-iisa, at kami ay nananalangin na ang
pagpapala at basbas ng Diyos ay sumainyo.
[2]
Pastor : Kayo bang lahat, kabilang ang kapulungan sa
biyaya at tulong ng Diyos ay gagawin ang lahat ng
inyong makakaya upang tulungan, payuhan at
gabayan ang dalawang taong ito sa kanilang pagiisang dibdib?
Kapulungan : Opo, siya naming gagawin.
PANALANGIN
PAGBASA NG BANAL NA KASULATAN
Genesis 2:15-24
1 Corinthians 13:1-13
MENSAHE NG BUHAY
Mabuti

[3]
ANG PAGKAKALOOB NG SINGSING
Rev. Zosimo T.

Administrative Pastor, St John UMC


EXCHANGE OF VOWS
lalaki]

man, sa wala kang sakit o mayroon man, kitay


iibigin at lilingapin hanggang tayoy papaghiwalayin
ng kamatayan, alinsunod sa utos ng Diyos, at sa
katuparan nito ay isinasangla ko saiyo ang aking
pangako at tiwala.
Sarah: Romeo, tinatanggap kita na maging asawa ,
upang ikaw ay maging akin at iingatan kita, buhat
ngayon hanggang sa hinaharap, maging sa
kabutihan at hindi, sa yumaman at magdalita ka
man, sa wala kang sakit o mayroon man, kitay
iibigin at lilingapin hanggang tayoy papaghiwalayin
ng kamatayan, alinsunod sa utos ng Diyos, at sa
katuparan nito ay isinasangla ko saiyo ang aking
pangako at tiwala.
BLESSINGS AND EXCHANGE OF RINGS
Ring Bearer
Pastor : Ang mga singsing na ito ay tanda ng panlabas at
biyayang spiritual na naghahayag ng pagkakaisa
ng isang lalaki at isang babae sa banal na
matrimonio sa pamamagitan ni Hesus na ating
Panginoon at Tagapagligtas.
Pagpalain mo O Panginoon ang pagkakaloob ng
singsing na ito, at ang siyang gagamit nito ay
manatili magpakailanman sa inyong kapayapaan at
magpatuloy
na
nakakalugod
sa
Iyo
sa
pamamagitan ni Hesu-Kristo aming Panginoon.
Amen.

[Magkaharap at magkahawak kamay ang babae at

Romeo: Sarah, tinatanggap kita na maging asawa ,


upang ikaw ay maging akin at iingatan kita, buhat
ngayon hanggang sa hinaharap, maging sa
kabutihan at hindi, sa yumaman at magdalita ka

Romeo: Sa pag-alala at sa mga pangakuan na ating


sinumpaan,
kasama
ng
singsing
na
ito,
nagpapakasal ako sa iyo sa pangalan ng Ama ng
Anak at Espiritu Santo. Amen
Sarah : Sa pag-alala at sa mga pangakuan na ating
sinumpaan,
kasama
ng
singsing
na
ito,
nagpapakasal ako sa iyo sa pangalan ng Ama ng
Anak at Espiritu Santo. Amen

ANG PAGKAKALOOB NG ARAS


Coin Bearer
Pastor : Ang mga perang ito ay kumakatawan sa biyaya
ng Diyos. Hawakan niyong dalawa ito, tanda na
anumang biyaya ang dumating sa inyong buhay ay
hindi para sa isa, kundi sa inyong dalawa, at para sa
inyong
magiging
anak.
At
huwag
ninyong
kakalimutan na anumang biyayang mayroon sa
inyong buhay, ito ay pagkakatiwala sa inyo ng Diyos
na nagkaloob ng lahat ng bagay. Kayat pagyamanin
ninyo at sinupin ang inyong pera. Gayunman, sikapin
din naman ninyong ibahagi ang biyayang kaloob sa
inyo ng Diyos, at higit sa lahat ibalik ninyo ang sa
kanyay nararapat at sinisiguro ko sa inyo na hindi
kayo pagkukulangin ng Diyos.
ANG KAHALAGAHAN NG BIBLIA
Bible Bearer
Pastor : Romeo at Sarah tanggapin ninyo ang una at
pinakamahalagang aginaldo sa inyong kasal, ang
Biblia. Ito ang Salita ng Diyos. Ito ang nagsasaad sa
tao ukol sa katotohanan ni Cristo at ng lahat ng
mahahalagang bagay para sa kaligtasan. Ugaliin
ninyong magbasa nito, ariin ninyo itong kayamanan
ng inyong buhay, sundin ninyo ang mga katuruan
nito at pagsumikapan ninyong maitatag ang tahaan
na inyong itatayo sa matigas na batong pundasyon,
ang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos.
*Ang ikinakasal ay luluhod*
[4]

You might also like