You are on page 1of 1

Ang pagtanggap ng lipunan sa pre-marital sex lumitaw sa isang pag-aaral na dumadami na ang mga tao sa

lipunan na nakikipagtalik sa kanilang karelasyon na hindi pa nila asawa lalona-lalo na sa mga kabataan.
Napag-alaman din na bawat apat sa isang daang kabataan ang nakikipagtalik umano sa taong nakilala
lang nila sa internet o naging ka text mate nila. Dagdag pa nito, lumabas din sa isang pag-aaral na mas
marami ngayon ang paraan ng sexual activities ng mga kabataan na casual na pakikipagtalik o pagtatalik
ng walang emotional attachment at nadadagdagan din ang mga taong nakikipagtalik sa kaparehas nila ng
sexualidad.
Sa kabilang banda ng halos pagiging katanggap-tanggap nito sa lipunan, makatarungan ba itong gawin?
Ayon kay Juan Perez III, executive director ng Commission on Population, isa sa tatlong babae at lalaki
na may edad mula 15-19 anyos ang sangkot sa pre-marital sex. Sa utos ng Dioys, ayon sa banal na
Bibliya, ang pagtatalik ay hindi isang libangan o pansariling kasiyahan, para lamang ito sa dalawang
taong tunay na nagmamahalan at kasal na, ito’y paglikha at bunga nito ay bata. Maaari din itong magdulot
ng sakit sa lalaki man o sa babae kung ang isa sa kanila ay madalas na itong ginagawa sa iba’t- ibang tao.
Ang pinakamabigat naman na epekto nito ay ang hindi inaasahang pagbubuntis sa mga kababaihan o ng
maagang pagbubuntis nang hindi pa handa sa magiging responsibilidad na kaibat nito. Kadalasan din ay
dahil sa hirap ng buhay at sa hindi inaasahang pagbubuntis, ipinalalaglag ang bata sa kanilang
sinapupunan. Dahil na rin sa maagang pagbubuntis, napipilitang magpakasal ang dalawang taong hindi
naman nagmamahalan at doon pa lang ay nawawalan na ng saysay ang kasagraduhan ng kasal. Madalas
na nangyayari ang pre-marital sex dahil sa kakulangan sa kaalaman ng mga kabataan ngayon,
pagmamadali at pagiging papusok sa mga bagay na hindi naman dapat minamadali at sa pagiging
produkto ng broken family na nagdudulot ng pagrerebelde ng mga anak.
Bilang konklusyon , dapat ay maging isa kang wais at maging responsableng kabataan. Hindi dapat
nagmamadali bagkus dapat na hintayin ang tamang panahon para sa lahat ng bagay. Mayroong plano ang
Diyos para sa atin, hindi ka niya kailanman bibiguin. Tandaan na ang iyong katawan ay sagrado kaya
dapat mo itong ingatan. Sapagkat tayo ay may tungkulin na panatilihin itong banal at dalisay. Huwag
pumayag sa pre-marital sex at piliin ang parangalan ang Diyos. Huwag kakalimutan na bago makipagtalik
ay siguraduhing handa sa anumang epekto na kaakibat nito.

You might also like