You are on page 1of 7

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

LIKSIYON

Pebrero 2-8

Ang Paglalang at angPagkakasala

Sabado ng Hapon
Basahin Para sa Pag-aaral sa Linggong Ito:
Genesis 3:115; Mateo 4:310; Colosas 2:2023; Juan 3:17;Apocalipsis 14:6, 7.

Talatang Sauluhin: Maglalagay Ako sa iyo at sa babae ng pagkapoot sa isat isa, at sa


iyong binhi at sa kanyang Binhi. Ito ang dudurog ng iyong ulo, ay ikaw ang dudurog ng Kanyang sakong (Genensis 3:15).

sang komedyante ang dating gumaganap sa papel ng isang babaing tauhan na tinatawag na

Geraldine. Sa isang monologo siyay misis ng isang ministro na umuwing suot ang isang mamahaling damit. Ang kanyang mister (na ginagampanan din ng komedyanteng iyon) ay nagalit. Si Geraldine naman ay nagtitili bilang tugon: Pinilit ako ng diyablo na bilhin ang damit na ito! Ayaw kong bilhin ang damit na ito. Walang-tigil sa pangungulit ang Diablo. Nakakatawa dapat sana iyan. Ngunit ang ating sanlibutan, at ang kasamaan dito, ay nagpapakita na si Satanas ay hindi isang katawa-tawang bagay. Para sa ibang mga tao, ang ideya tungkol sa diyablo ay isang sinaunang pamahiin na di dapat seryosohin Gayunman, ang Kasulatan ay malinaw: bagaman si Satanas ay isang natalo nang kaaway (Apocalipsis 12:12, 1 Juan 3:8) , siyay narito sa lupa, at determinado siyang maghasik ng pinakamalaking kaguluhat pagkawasak na possible laban sa nilikha ng Diyos. Sa linggong itoy titingnan natin ang orihinal na pag-atake ni Satanas at kung anong matututunan natin mula rito para samantalang tayoy nasa ilalim pa rin ng kanyang pagsalakay, ay puwede nating angkinin ang tagumpay na atin kay Cristo.
1

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

LINGGO

Pebrero 3

Ang Ahas ay Higit na Tuso


Basahin ang Genesis 3:1. Paano inilarawan si Satanas na nasa anyo ng isang ahas? Paanong ang katotohanan sa pagkakalarawang iyan ay naihayag kahit diyan sa iisang talatang iyan? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

ng katusuhan ng ahas ay nakita sa paraan ng pagpapasok niya sa kanyang tukso. Hindi

siya diretsang umatake kundi nagtangkang magkausap sila ng babae. Pansinin na kasama sa mga sinabi ng aha sang di-bababa sa dalawang problematikong aspeto. Una, tinanong niya kung talaga bang sinabi ng Diyos ang particular na pahayag. Sabay nito, inihanay niya ang kanyang tanong para magbangon ng pagdududa sa pagkamapagbigay ng Diyos. Ang talagang tanong niya ay, talaga bang may ipinagkakait ang Diyos sa inyo? Hindi bat binigyan Niya kayo ng pahintulot na kumain mula sa bawat puno sa halamanan? Sa pamamagitan ng intensyonal na maling pagsipi sa mga tagubilin ng Diyos, inudyukan ng aha sang babae na itama ang kanyang sinabi at matagumpay na nadala siya sa isang usapan. Ang estratehiya ng ahas ay talagang katusuhan. Siyempre, walang dapat ikagulat doon. Tinawag ni Jesus ang diyablo na sinungaling at ama ng kasinungalingan (Juan 8:44) . Sa Apocalipsis 12:9 dinadaya ng diyablo ang buong sanlibutan, na nangangahulugang walang sinuman sa atin, kahit mga Kristiyanong Seventh-day Adventist, ang ligtas. Halatang-halata na hindi nawala kay Satanas ang kanyang katusuhan o pagiging mandaraya. Ginagamit pa rin niya ang estratehiyang naging matagumpay kay Eva. Nagbabangon siya ng mga tanong tungkol sa Salita ng Diyos at sa mga intension ng Diyos, umaasang makapagbabangon ng pagdududa at madala tayo sa isang usapan. Kailangan nating maging mapagbantay (1 Pedro 5:8) para mapaglabanan ang kanyang mga pakana. Ihambing ang Mateo 4:3-10 sa genesis 3:1. Anong kaparehong pakana ang sinubukan ni satanas kay Jesus, at bakit ito nabigo? Anong mga liksiyon ang matututunan natin sa paraan ng pagtugon ni Jesus sa mga atake ng diyablo sa ilang? Sa anong mga paraan sinusubukan ni satanas ang ganon ding taktika sa atin ngayon?
____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

LUNES

Pebrero 4

Ang Babae at ang Ahas


Basahin ang Genesis 3:2,3. Paano tumugon ang babae sa ahas? Anong mga pagkakamali ang nagawa niya? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

agaman malinaw na alam ni Eva ang utos ng diyos, na nagpapakitang siyay dapat ding

sisihin, nagbigay talaga siya ng isang pahayag nang higit sa sinabi ng Diyos, kahit papaanoy ayon sa naitala sa Biblia. Malinaw na inatasan ng Diyos sina Adan at Eva na huwag kumain mula sa punungkahoy na iyon; walang sinabi tungkol sa paghipo rito. Dahil hindi natin alam ang nagtulak sa kanya na sabihin yon, mabuting huwag na lang magppala-palagay tungkol sa pinagmulan nito. Walang duda, gayunman: sa pag-iisip na hindi niya dapat hipuin ang prutas, siyay mas hindi rin dapat gaanong makakayag na kainin ito, dahil hindi niya makakain ang hindi niya mahihipo. Gaano kadalas na humaharap tayo sa ganyan ngayon: may taong darating na may mga katuruang karamihan ng punto ay kaayon ng Kasulatan, pero hindi lahat? Ang kakaunting punto na hindi kaayon ng Biblia ang makakasira sa lahat-lahat na. Ang mali, kahit nahahaluan ng tama, ay mali pa rin.
Basahin ang Mateo 15:7-9. Anong sumbat ang ibinigay ni Jesus sa mga eskribat Fariseo tungkol sa pagdagdag ng kaisipan ng tao sa Salita ng Diyos? Ihambing ito sa Apocalipsis 22:18 at Colosas 2:20-23. Anong mga panganib ang bumabangon sa paggawa ng mga patakaran na iniisip nating magsasanggalang sa atin sa kasalanan? Talatang 23. ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

Ang problema sa kasalanan ay hindi ang kakulangan ng patakaran kundi ang isang napakasamang puso. Kahit sa isang sekyular na lipunan, madalas tayong makarinig ng mga panawagan para sa higit pang mga batas laban sa krimen samantalang sapat na ang mga batas na nariyan. Hindi natin kailangan ng mga bagong batas; mga bagong puso ang higit na kailangan natin. Sa anong mga paraan na baka nanganganib tayong gayahin ang mga bagay na ibinababala rito? Ang mga pamantayang nakabase sa mga prinsipyo ng Biblia ay napakahalaga. Ang tanong ay, Paano tayo makasisiguro na ang mga pamantayan at patakarang ginagamit natin ay hindi tayo ililigaw? Dalhin ang sagot mo sa klase.
3

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

MARTES
Nadaya ng Ebidensya

Pebrero 5

Basahin ang Genesis 3:4-6. Ano ang mga prinsipyong naghatid sa pagbagsak nina Adan at Eva? Anong matututunan natin sa kanilang karanasan na makakatulong sa ating labanan ang anumang kinakaharap din nating tukso? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

agumpay si Satanas sa pag-akit kay Eva sa isang usapan at sa pagbabangon ng pagdududa

tungkol sa sinabi ng Diyos at kung bakit iyon sinabi. Ngayon namay sinabi niya kay Eva na hindi nagsasabi ng totoo ang Diyos at binigyang paliwanag ang motibo ng Diyos sa pagbabawal Niyang kumain sila ng prutas. Ayon kay Satanas, ipinagkait ng Diyos ang isang mabuting bagay para mapanatili sina Adan at Eva sa ibaba ng kanilang buong potensyal. Sa gayon, pinagbasihan ni Satanas ang nauna niyang tanong kung may mga punungkahoy bang ipinagkait ang Diyos sa kanila. Gumamit si Eva ng tatlong hanay ng ebidensya na nagdala sa kanya sa konklusyon na siyay makikinabang sa pagkain ng prutas. Una, nakita niya na ang bunga ng puno ay mabuting kanin. Siguroy napansin niya an gang ahas na kumakain ng prutas. Baka nagkomento pa ito kung gaano iyon kasarap. Kapansin-pansin na bagaman nasabihan sina Adan at Eva na huwag kumain nito, napansin ni Eva na itoy mabuting kanin. Pag-usapan ba naman ang salungatan sa pagitan ng pandama at ng malinaw na Ganito ang sabi ng Panginoon! Ang ikalawang hanay ng ebidensya na kumukumbinsi kay Eva na kainin ang prutas ay, itoy nakalugod sa mata. Walang-dudang lahat ng prutas sa halamanan ay maganda, pero sa ibang kadahilanan, si Eva ay lalung-lalo nang naakit sa prutas na inialok sa kanya ni Satanas. Ang inaakalang kapangyarihan ng prutas nag awing matalino ang isang tao ay siyang ikatlong dahilan kung bakit gusting kainin ni Eva ang prutas. Tiniyak sa kanya ng ahas na ang pagkain sa prutas ay magpapalawak sa kanyang kaalaman at gagawin siyang kagaya ng Diyos. Siyempre, ang malungkot na kabalintunaan dito ay, sang-ayon sa Biblia, siya ay katulad na ng Diyos (Genesis 1:27). Sinabi sa atin na nadaya si Eva, pero hindi si Adan (1 Timoteo 2:14). Kung si Adan ay hindi nadaya, bakit siya kumain? Sadyang sinuway ni Adan ang Diyos, piniling sundin si Eva sa halip na ang Diyos. Gaano kadalas na nakikita ang ganito ring ugali ngayon? Gaano kadali tayong natutukso ng sinasabit ginagawa ng iba, gaano man kataliwas ang kanilang mga salitat kilos sa Salita ng Diyos. Nakinig si Adan kay Eva sa halip na sa Diyos, at ang sumunod ay ang bangungot na kilala bilang kasaysayan ng tao (tingnan ang Roma 5:12-21).
4

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

MIERKULES

Pebrero 6

Biyaya at Paghuhukom sa Eden: Unang Bahagi

a Genesis 3, pagkatapos ng Pagkakasala, ang pambukas na pananalita ng Panginoon ay

patanong lahat: Saan ka naroon?...Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad?...Kumain ka ban g bunga ng punungkahoy, na iniutos Kos a iyong huwag mong kainin?... Ano itong iyong ginawa? (Genesis 3:9, 11, 13). Kataliwas nito, ang unang paturol (declarative) na pahayag ng Diyos sa Kapitulo 3- ang una Niyang pahayag ng katotohanan- ay kasunod ng mga tanong na ito. Nang kausap ang ahas,
ano ang sinabi ng Diyos, at ano ang kahulugan ng kanyang mga salita? Tingnan ang genesis 3:14, 15. ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

Pag-isipan ang mga implikasyon ng nangyayari dito. Ang unang paturol (declarative)na pahayag ng Diyos sa nagkasalang sanlibutan, sa totoo lang, ay isang paghatol kay Satanas, hindi sa sangkatauhan. Sa katunayan, kahit sa pagkundenang iyon kay Satanas, ang Diyos ay nagbibigay sa sangkatauhan ng pag-asat pangako ng ebanghelyo (talatang 15). Sa pagdedeklara Niya sa sentensya ni Satanas, ay iprinoklama Niya ang pag-asa ng sangkatauhan. Sa kabila ng kanilang kasalanan, kaagad na ipinaalam ng Panginoon kina Adan at Eva ang pangako ng pagtubos. Pansinin din, na pagkatapos lang ng pangakong ito, pagkabigay lang ng pag-asa sa biyayat kaligtasan sa talatang 15 (tinatawag ding Unang Pangako ng Ebanghelyo), ay saka pa lang binigkas ng Panginoon ang hatol kina Adan at Eva: Sinabi niya sa babae, Pararamihin ko ang paghihirap mo sa iyong paglilihi; manganganak kang may paghihirap... At kay Adan ay Kanyang sinabi, Sapagkat nakinig ka sa tinig ng iyong asawa... (Genesis 3:16, 17) Dapat mahagip mo ang puntong ito: pangako ng kaligtasan muna, sumunod ang paghuhukom. Kung gayon, tanging sa harap lamang ng ebanghelyo dapat mangyari ang paghuhukom; kung hindi, ang paghuhukom ay walang kabuluhan kundi puro lang paghatol, ngunit malinaw ang Kasulatan Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang anak sa sanlibutan upang hatulan ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya (Juan 3:17) . Bakit napakahalaga na lagging isip-isipin ang katotohanan na ang layunin ng Diyos ay ang iligtas tayo, hindi ang hatulan tayo? Paano ipinalilimot sa atin ng kasalanan sa ating buhay ang napakahalagang katotohanang iyan? Ibig sabihin, paano tayo inilalayo ng kasalanan sa Diyos?
5

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

HUWEBES

Pebrero 7

Biyaya at Paghuhukom sa Eden: Ikalawang Bahagi

a Genesis 1 at 2, bumigkas ang Diyos ng mga paturol na pahayag (o mga pautos) gaya ng:

Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit...Magkaroon ang lupa ng mga buhay na nilalang...Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa. Ang lahat ng deklarasyong itoy patungkol sa Paglalang, at sa pagtatatag sa sangkatauhan sa Paglalang na yon. Gaya ng nakita natin kahapon, ang sumunod na paturol na pahayag na naitala sa Biblia ay nangyari sa Genesis 3:14, 15, kung saan inialok ng Panginoon sa sangkatauhan ang ebanghelyo. Kaya sa Kasulatan, ang unang paturol na pahayag ng Diyos ay patungkol sa Paglalang at pagkatapos ay sa pagtubos- at ang pagtubos na itoy mangyayari sa konteksto ng paghuhukom mismo. Kailangang ganito. Dahil kung tutuusin, ano ba ang layunin ng ebanghelyo, ano ba ang mabuting balita, kung walang paghuhukom, walang kahatulang pagliligtasan sa atin? Ang pinakakonsepto ng ebanghelyo ay may dala-dalang konsepto ng paghatol, isang kahatulang hindi natin kailangang harapin. Iyan ang mabuting balita! Bagaman nilabag natin ang kautusan ng Diyos at bagaman huhukuman ng Diyos ang mga paglabag na yon, kay Cristo Jesus ay inililigtas tayo sa kahatulang di-maiiwasang ihahatid ng paghuhukom na ito. Ang Paglalang, ebanghelyo, at paghuhukom ay di lang lumilitaw sa mga unang pahina ng Biblia kundi sa bandang huli rin. Basahin ang Apocalipsis 14:6, 7. Sa anong mga paraan na ang mga talatang ito ay kaugnay ng unang tatlong kapitulo ng Genesis? Ibig sabihin, anong mga magkakaparehong ideya ang makikita sa lahat ng mga talatang ito?
____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

Sa Apocalipsis 14:6, 7 ay makikita natin ang isang deklarasyon na ang Diyos ay Manlalalang, isang susing tema sa mga unang pahina ng Genesis. Sa Apocalipsis 14, gayunman, ang walang hanggang ebanghelyo ay nauuna at pagkatapos ay sinundan ng babala ng paghuhukom, gaya sa Genesis 3. Ang paghuhukom ay nariyan, pero hindi nauna sa ebanghelyo. Kaya, ang pundasyon dapat ng napapanahong katotohanang mensahe natin ay ang biyaya, ang mabuting balitaa na bagaman nararapat sa atin ang kahatulan ay makakatindig tayong pinatawad, dinalisay, at pinawalang-sala sa pamamagitan ni Jesus. Kung wala ang ebanghelyo, ang kahahantungan natin ay magiging kagaya ng sa ahas at sa kanyang binhi, hindi ng sa babae at sa kanyang Binhi. At ang lubhang nakakatuwa, ang napakagandang balitang itoy lumitaw sa Eden pa man, sa unang ipinahayag na pananalita ng Diyos sa nagkasalang daigdig.

SABBATH SCHOOL BIBLE STUDY GUIDE Tagalog

BIERNES

Pebrero 8

Karagdagang Pag-aaral: Ibinigay ng Diyos sa una nating mga magulang ang pagkaing
dinisenyo Niya para kainin n gating lahi. Labag sa Kanyang panukala ang kitilin ang buhay ng anumang nilalang. Hindi dapat magkakaroon ng kamatayan sa Eden...- Ellen G. White,

COUNSELS FOR THE CHURCH, p. 228.


Inilalarawan ni Satanas ang kautusan ng pag-ibig ng Diyos bilang kautusan ng kasakiman. Sinabi niyang imposible para sa atin na sundin ang mga alituntunin nito. Ang pagbagsak ng una nating mga magulang, kasama ng lahat ng kasawiang ibinunga nito, ay ipinararatang niya sa Lumikha, inaakay ang tao na tingnan ang Diyos bilang may-akda ng kasalanan, at pagdurusa, at kamatayan. Kinailangang ilantad ni Jesus ang pandarayang ito.- Ellen G. White, THE DESIRE OF AGES, p. 24. Subalit ang tao ay hindi binayaan sa mga resulta ng kasamaang pinili niya. Sa sentensyang ipinataw kay Satanas ay ibinigay ang pahiwatig ng pagtubos...Ang sentensyang ito, na binigkas sa pandinig ng una nating mga magulang, ay isang pangako para sa kanila. Bago nila narinig ang tungkol sa mga tinik at dawag, sa pagpapakapagod at kalungkutang magiging kapalaran nila, o sa alabok na kababalikan nila, napakinggan nila ang mga salitang hindi mabibigong magbigay sa kanila ng pag-asa. Lahat ng nawala dahil sa pagpapadaig kay Satanas ay muling mababawi sa pamamagitan ni Cristo.

Ellen G. White, EDUCATION, p. 27.

Mga Tanong sa Talakayan:

Sa klase, balikan ang inyong sagot sa huling tanong noong Lunes. Anong uri ng mga
patakaran ang ginagawa natin na gagawin tayong ganon sa mga tao mismong kinundena ni Jesus? Kasabay nito, paano tayo makagagawa ng mga pagtatalagang maaaring makatulong sa atin na masundan nang mas maigi ang mga prinsipyo ng katotohanan na nahahayag sa Biblia?

Nagtiwala si Eva sa kanyang mga pandama sa halip na sa napakalinaw n autos


galing sa Diyos. Bakit nakikita nating napakadaling ganon din ang gawin?

Pagtuunan ang malinaw na kaibahan sa pagitan ng kasaysayan ng Paglalang at ng


sari-saring ideya ng ebolusyon na nagpapakitang bahagi raw ng orihinal na proseso ng paglalang ng Diyos ang natural na kasamaan. Bakit imposibleng pagtugmain ang ganyang naglalabang pananaw ukol sa ating pinagmulan nang hindi winawasak bandang huli ang simpleng kahulugan ng Biblia? Bakit ang tamang pagkaunawa sa Paglalang ay mahalaga sa pagkakaroon ng tamang pagkaunawa sa Pagkakasala?

May mga kulturang nasusumpungan na ang ideya tungkol sa isang literal na


diyablo ay kalokohan lang; kataliwas nito, ang iba naman ay maaaring lokong-loko sa kapangyarihan ng kasamaan at sa masasamang espiritu. Kumusta kaya ang kultura mo? Saan ang killing nito, at paano mo matututunang matumbok ang tamang balance kapag nakikitungo sa realidad ng supernatural na digmaang kinasusumpungan natin sa ating sarili?
7

You might also like