You are on page 1of 7

Pambungad sa Pilosopiya ng

Tao
Quarter 1 – Week: 4

Hangganan at
Pagsasaibayo ng Sarili
1
A. Inaasahan
Sa katapusan ng modyul, inaasahan na ang mag-aaral ay:
1. Nakikilala na: Binibigyan ako ng hangganan at posibilidad ng aking katawan. (PPT11/12-If
3.1)
2. Natataya ang mga pagkakatakda (hangganan) at pagsasaibayo (posibilidad) ng sarili.
(PPT11/12-Ig-3.2)

B. Paunang Pagtataya
1. Ano ang hinihingi ng mga salitang “tao lang”?
____________________________________________________________________
_

2. Dahilan ba ng pagkakamali ang pagiging tao?

____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_

3. Pahintulot ba para magkamali ang pagiging tao?

____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_

4. Maaari mo bang gamitin ang iyong pagiging tao upang malampasan ang iyong mga
pagkakamali?
____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_

C. Gawain
1. Ilarawan ang lasa ng tubig.
_____________________________________________________________________

2. Ilarawan ang kulay asul sa isang bulag na tao?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2
3. Magagawa mo bang abutin ng iyong siko ang iyong baba?

Katanungan:

• Naging madali ba sa iyo ang gawain? Bakit?

____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_
____________________________________________________________________
_

C. Pagtalakay
Hangganan

Hindi lahat ay pwede sa tao.

Nakasalalay sa atitud ng katawan ang anumang mararanasan at mauunawaan ng tao. Hindi niya
mararanasan ang lahat dahil isa lamang sa isang sandali sa isang lugar ang kaya niyang maranasan.
Hindi niya mahuhuli ang lahat dahil may hangganan ang kayang tanggapin ng kanyang katawan.

Ano mang pagdanas na gagawin ng tao ay sasalain, kumbaga, ng kanyang katawan. Ang kanyang
pandama, pandinig, paningin, pang-amoy, at panlasa ang daan niya upang maranasan at
maunawaan ang kanyang paligid.

Ang tinatanggap lamang ng kanyang katawan ang magiging bahagi ng tatawagin niyang karanasan.
Bulag siya sa anumang hindi niya nahuli. Hindi niya ito mabibigkas. Hindi niya mapag-uusapan. Kahit
na pilitin pa ng tao na imulat ang kanyang mata nang 24 oras nang buong 7 araw sa sanlinggo, hindi
pa rin niya makikita ang lahat.
May hangganan ang kayang gawin ng katawan kahit gusto pa nito.

Paghahanap ng tamang timbang ang maayos na paggalaw ng katawan. Sumusuko ang katawan sa
kalabisan at hindi naman kumikilos ng optimal sa kakulangan. Kailangang mahanap ng tao ang
kanyang gitna na siyang sukdulan ng kanyang potensyal. Iba-iba ang gitna ng tao dahil na rin sa iba
iba nilang kalagayan. Hindi nakukuha ang gitna sa patalon-talon paparoo’t parito sa magkabilang
dulo ng katamaran at pagkahumaling sa isang bagay.

Hindi nagiging magaling na atleta sa pamamagitan ng pag-eensayo isang buong maghapon at

paglalasing kinabukasan. Natatanto ang gitna sa pamamagitan ng matalas na pagmamalay sa
kanyang katawan at pursigidong pag-abot sa mga ninanasa ng kalooban. Naaabot ang gitna hindi sa
pabayang pagbabakasakali kundi sa pamamagitan ng matinong pagtataya.

Subalit dahil tao lamang siya, limitado ang kanyang pag-aaral at paghahanda, maaaring magkamali
siya ng tantya. Maaaring may mga bagong pwersang hindi niya naisali sa kanyang pagkalkula. Hindi
laging asintado ang kanyang pagsubok. Madarapa, kukulangin, minsan ay natitisod at lumalagpas. Sa
Griyego ang tawag dito ay amartia o ang mamintisan ang inaasinta.

Ang konsepto ng amartia ay hawig din sa konsepto ng kasalanan—isang pagmintis sa target.

Gustong maging mabuti ngunit dahil sa maraming dahilan at distraksyon, nalilihis ng pokus,

3
nawawala sa masikap na pagtingin sa layunin, nabubulagan sa mga alay na panandaliang aliw at
ginhawa.

Lalong pinahihirap ng mga ugnayan ang pag-asinta sa gitna. Ang ako ay hindi ako lamang. Binubuo
ng hindi-ako ang pagiging ako. Kailangan ding isaalang-alang ang iba sa anumang gagawing bago.
Katinuan ang pag-aralan ang magiging epekto sa iba.

Pagsasaibayo

Anomang pagpipigil na ginagawa ng kanyang katawan at ng mga lambat na kinapapalooban niya,

nagpupumiglas ang sarili at sinasabing, “hindi ako ito!”

Ang pag-hinding ito ay hindi isang pagtanggi sa pagkabigay. Samakatuwid, ang pag-hindi sa ako na
ako naman talaga ay isang pagsasabing, “higit pa ako sa meron ko ngayon.”

Tumitingin sa salamin hindi para malunod sa sariling kagandahan. Ang salamin ay panturo sa ako at
sa hindi-ako na puwedeng maging ako at sa mga hindi ako-ako na dapat ko nang bitawan upang ako
ay maging tunay na ako.

Ang pagiging tao ay hindi lamang ibinigay. Ginagawa rin ito. Tunay na maaari niyang tanggapin na
lamang ang kanyang kalagayan, subalit nasa kanyang kamay pa rin ang pagtubo nito.

D. Pagsusuri sa Pang-unawa
1. Ipaliwanag ang limitadong kalikasan ng tao.
_____________________________________________________________________________

2. Paano nalilimitahan ng katawan ang tao?
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

3. Ipaliwanag: “The spirit is willing but the body is weak.”

_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

4. Ipaliwanag ang konsepto ng paghahanap ng tao ng gitna. Paano ito makakamit?

_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

4
5. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang, “Nasa iyong kamay ang kasagutan”? Lagi ba itong tama?
Bakit? Bakit hindi?
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

6. Ipaliwanag ang tambalang “Akong-hindi-ako” at Hindi-ako-ako” sa isang “ako.”

_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

E. Post-test
Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Nakasalalay sa atitud ng katawan ang anumang mararanasan at mauunawaan ng tao. Ang ibig
sabihin nito ay
A. may hangganan ang kayang gawin ng katawan kahit gusto pa nito
B. paghahanap ng tamang timbang ang maayos na paggalaw ng katawan
C. ano mang pagdanas na gagawin ng tao ay sasalain, kumbaga, ng kanyang katawan D. hindi
mararanasan ng tao ang lahat dahil isa lamang sa isang sandali sa isang lugar ang kaya niyang
maranasan
2. Kahit na pilitin pa ng tao na imulat ang kanyang mata nang 24 oras nang buong 7 araw sa
sanlinggo, hindi pa rin niya makikita ang lahat. Ito ay dahil
A. may hangganan ang kayang gawin ng katawan kahit gusto pa nito
B. bulag ang tao sa anumang hindi nahuli ng kanyang karanasan
C. ang tinatanggap lamang ng kanyang katawan ang magiging bahagi ng tatawagin niyang
karanasan
D. ang kanyang pandama, pandinig, paningin, pang-amoy, at panlasa ang daan niya upang
maranasan at maunawaan ang kanyang paligid
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng konsepto ng paghahanap ng tao ng gitna?
A. paghahanap ng tamang timbang ang maayos na paggalaw ng katawan
B. sumusuko ang katawan sa kalabisan at hindi naman kumikilos ng optimal sa kakulangan
C. kailangang mahanap ng tao ang kanyang gitna na siyang sukdulan ng kanyang potensyal
D. lahat ng nabanggit
4. Paano mahuhuli ng tao ang kanyang gitna?
A. natatanto ang gitna sa pamamagitan ng matalas na pagmamalay sa kanyang katawan at
pursigidong pag-abot sa mga ninanasa ng kalooban
B. sa pamamagitan ng pag-eensayo isang buong maghapon at paglalasing kinabukasan C.
patalon-talon paparoo’t parito sa magkabilang dulo ng katamaran at pagkahumaling sa isang
bagay
D. wala sa nabanggit

5
5. Dahil “tao lang” hindi laging asintado ang tao. Maaaring magkamali siya ng tantiya, maaaring
may mga bagong pwersang hindi niya naisali sa kanyang pagkalkula, madarapa, kukulangin,
natitisod at lumalagpas. Sa Griyego ang tawag dito ay
A. kratos
B. amartia
C. dunamis
D. potential
6. Lalong pinahihirap ng mga ugnayan ang pag-asinta sa gitna dahil ang ako ay hindi ako lamang.
Binubuo ng hindi-ako ang pagiging ako. Ibig sabihin nito ay
A. handang tanggapin ang anumang bunga ng kanyang pasiya
B. iba-iba ang gitna ng tao dahil na rin sa iba-iba nilang kalagayan
C. kailangan ding isaalang-alang ang iba sa anumang gagawing bago
D. matalas na pagmamalay sa kanyang katawan at pursigidong pag-abot sa mga ninanasa ng
kalooban
7. Ang pagiging tao ay hindi lamang ibinigay. Ginagawa rin ito. Ibig sabihin nito ay
A. higit ka pa sa meron ka ngayon
B. nasa kamay ng tao ang kanyang kinabukasan
C. tanggapin ng tao kung anong meron sa kanya at payabungin ito
D. lahat ng nabanggit
8. Ang tao ay binubuo lamang ng katawan.
A. Tama
B. Mali
9. Hindi malalampasan ng tao ang mga pagsubok sa kanyang buhay dahil siya ay tao lamang.
A. Tama
B. Mali
10. Ang tao ay umaayon lamang sa takbo ng buhay dahil wala naman itong magagawa.
A. Tama
B. Mali

F. Sanggunian:
• Guevara, Goefrrey A. Pambungad sa Pilosopiya ng Tao. (Quezon City: Rex Publishing
Company, 2016.) pp. 41-60

You might also like