You are on page 1of 1

Lesson: ANG BUHAY NA MASAGANA AT GANAP July 9, 2014

Sa Juan kapitulo 10, ipinakilala ni Jesus ang kanyang sarili bilang isang Pastol ng mga tupa ng Panginoon. Ang tupa ay
naglalarawan ng isang nananalig sa Panginoon. Si Jesus na ating Pastol o tagapagalaga ng ating buong pagkatao ay
nagpahayag ng Kanyang malaking pag-ibig at pagmamalasakit. Tatlong beses Niyang inulit na Kanyang inaalay ang
Kanyang buhay para sa mga tupa (Juan10:11, 15, 17). Ito ay pinatunayan Niya noong Siya ay ipinako sa krus para tubusin
tayo sa ating mga kasalanan.
Sa Juan 10:10b, ipinahayag ni Jesus ang Kanyang misyon o layunin sa pagparito sa daigdig: “Naparito Ako upang ang
mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.” (Juan 10:10 RTPV05)
Sa wikang griego ay may dalawang salita ang “buhay”. Ang isa ay bios – dito galing ang english word na biology. Ang
bios ay tumutukoy sa physical na buhay na may life span mula sa birth ng tao hanggang kamatayan. Ang pangalawa ay
zoe – dito galing ang english word na zoo, zoology. Ito ay buhay na tulad sa Diyos na walang life span, eternal. Ito ay
ipinagkakaloob ng Panginoong Jesus sa mananalig sa Kanya: “Pakatandaan ninyo: ang sumasampalataya sa Akin ay may
buhay na walang hanggan (Juan 6:47 RTPV05).
Ang kaloob ng Lord ay zoe, ito ay buhay na masagana at ganap, walang kulang, kompleto. Bago bumagsak sa
kasalanan si Adan at Eba, sila ay inilagay ng Diyos sa Paraiso. Doon, lahat ng kailangan nila ay abot kamay lang: spiritual –
kasama nila ang presence ng Lord at pagtugon sa kanilang kailangan (Gen 2:18), mental – kilala nila ang Diyos at kilala
nila ang ibang creation (Gen. 2:8, 9, 19), emotional – taglay nila ang moral attribute ng Diyos, holiness, righteousness,
love and truth at physical, material need – kalusugan at pagkain.
Ang kasaganaan ng buhay ay kaloob din ng Diyos sa mananalig sa Lord.

1. Fil 4:19 Ano ang pangako ng Diyos? ___________________________________________


Ilang kailangan ang tutugunin? ________________
Maasahan ba natin ang Diyos? ________________

2. Mateo 6:33 Paano maipagkakaloob ng Diyos ang lahat ng ating kailangan? __________________________________
Ano ang praktical na paggawa ng ating schedule? __________________________________________________________
Kapag nagkaroon ng conflict sa maraming schedule, paano natin itatatag ang ating faith sa Lord?
________________________________________

3. Mga Awit 23:1 Paano kinikilala ni David ang relasyon niya sa Lord? ________________________________________

4. Mga Awit 23:2-6 Ano ano ang mga kailangan natin na maipagkakatiwala natin sa Lord?

Tal 2: _____________________________________
Tal 3: _____________________________________
Tal 4: _____________________________________
Tal 5: _____________________________________
Tal 6: _____________________________________

Application:
Ang misyon ni Jesus sa ating buhay ay maibalik tayo sa orihinal na katayuan at kalalagayan ng tao bago bumagsak sa
kasalanan – may buhay, masagana at kompleto sa buhay, spiritual at physical – may gawaing spiritual at gawaing
physical, may panlangit at may panlupa.
a) Paano natin iuugnay ang great commission sa kasaganaan at kompletong buhay? ____________________________
b) Masasabi ba natin na na-fulfill na ng Lord ang Kanyang misyon sa atin? _____________________________________

You might also like