You are on page 1of 1

Lesson: ANG BAGONG PUSO June 11, 2014

Ipinangako ng Diyos sa Kanyang bayang Israel na nagkaroon ng pusong bato, na pinatigas ng pagsuway sa Salita ng
Lord, ang bagong puso at bagong espiritu. . ."Bibigyan Ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan Ko ang loob ninyo
ng bagong diwa; at Aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at Aking bibigyan kayo ng pusong laman. At Aking
ilalagay ang Aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin Ko kayo ng ayon sa Aking mga palatuntunan, at inyong iingatan
ang Aking mga kahatulan, at isasagawa." (Ezekiel 36:26, 27 TLAB)
Ito rin ay ginawa ng Lord sa bawat mananalig sa Mabuting Balita tungkol sa Panginoong Jesus. Ang himala ng Diyos
ay naganap na. Ang bawat mananalig ay magiging bagong nilalang (2 Cor 5:17). Ang kaloob na Banal na Espiritu ay
kikilusin ang isang alagad na maging masunurin sa Panginoon at sa Kanyang Salita.
Pero tulad din ng Israel na nagkaroon ng pusong bato, na naging masuwayin sa Lord, ang alagad ng Lord ay maari
ring patigasin ang puso. Ito ay nangyayari kapag nagsalita ang Lord at sa halip na sumunod ay sumuway. Kapag ang
pagsuway ay nagpatuloy, ang puso ay tumitigas tulad ng bato.

A. Ang paglalarawan ng pagtigas ng puso (Heb 3:7-14)


1. Tal 7-8 Ano ang babala ng Banal na Espiritu kapag narinig natin ang Salita ng Diyos? ____________________________
2. Tal 12 Saan pinag-iingat ang isang alagad? _____________________________________________________________
3. Tal 13 Ano ang iniuutos ng Kasulatan para di tumigas ang ating puso? _______________________________________
4. Tal 14 Ano ang ating ipakikipaglaban hanggang wakas? ___________________________________________________

B. Ang apat na uri ng puso (ayon sa talinghaga ng manghahasik ng binhi: Lukas 8:4-8, 11-15). Sa Lukas 8:11, ang
inihahasik na binhi ay Salita ng Diyos, ang lugar na hinahasikan ng Salita ay ang puso.

1. Ang puso na tumigas o parang bato na itinulad sa daan. Tal 5, 11-12


a) Tal 12 Ano ang panganib sa mga Salita na narinig ng isang puso na itinulad sa tabi ng daan? _____________________
(Ang daan ay paglalarawan sa puso na palagiang naapakan: ang una at pangalawa na abuso, masakit na salita, kaguluhan
sa trabaho o pag-aaral, o anumang problema ay nagagawang tiisin, patawarin, pagbigyan, manatiling tapat sa Lord at sa
tao. Pero kapag paulit-ulit na, dito maaring tumitigas ang puso. Di na magamit ang Salita na itinanim sa puso, di na
makapagpatawad, di na matiis, ayaw na, tigil na. Ang paglalarawan ng Lord, inaagaw ng diablo ang mga Salita na naihasik
upang di magtiwala sa Lord at maligtas.)
2. Ang puso na maramdamin o emosyonal na itinulad sa batuhan
a) Tal 13 at Mat 13:20-21 Pagkatapos marinig ang Salita ay tuwang tuwa na naging alagad ng Lord, pero bakit hindi
nakapagpatuloy? _____________________________________________ (Naging maramdamin sa mga pag-uusig at
napasakop sa mga tumututol sa kanyang pagsunod sa Lord.)
3. Ang puso na worrier na itinulad sa damuhan
a) Mat 13:22 at Lukas 8:14, nagpatuloy sa pagiging alagad, nagkaroon na ng bunga, pero bakit di nahinog ang kanyang
mga bunga? _______________________________________________
4. Ang puso na tapat sa Salita
a) Lukas 8:15 at Mat.13:23 Paano ang kanyang ginawa kaya siya namunga ng sagana? ____________________________

Ang tapat na puso ay itinatag ang faith sa word: dahil dito kaya pinagtagumpayan ang mga paulit-ulit na pag-apak sa
kanyang puso, pinagtagumpayan ang mga emosyonal na pangyayari at pinagtagumpayan ang impluwensya ng mundo.

Application:
1. May babala ang Holy Spirit: Kapag narinig ang tinig ng Diyos...ang kanyang Salita ay huwag maging matigas ang
puso...sumunod kaagad tulad ni Abraham. Kapag narinig ang tinig ng Diyos ay sumusunod kaagad (Gen. 12:1-4 at
Gen.22:1-18)
2. Kapag may mahirap maunawaan sa iniuutos ng Lord, laging panigan ang katwiran ng Diyos. Tulad ni Abraham sa
Heb. 11:17-19 na inisip na kapag sinunod niya ang utos na patayin ang kanyang anak, siya ay bubuhayin uli ng Diyos
dahil sa pangako na mula kay Isaac manggagaling ang kanyang lahi.
3. Huwag titigil sa pagsamba sa Diyos at pagsunod sa discipler (Heb 3:13)
4. Alalahanin na mayroon na tayong pusong laman at mayroon na tayong bagong puso

You might also like