You are on page 1of 1

Lesson: Ang Magandang Balita sa Lahi ni Adam December 11, 2013

Mula sa pagbagsak ng tao sa kasalanan, nangako ang Diyos ng Tagapagligtas. Ito ay anak ng babae. Tinawag
itong binhi o seed ng babae (Gal 3:16). Ito ay natupad sa pagdating ng Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Kristo.
Sinabi ng Diyos kay Satanas, “Kayo ng babae'y aking pag-aawayin, binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin. Ang
binhi niya ang dudurog sa iyong ulo, at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw” (Genesis 3:15 RTPV05).
Maliwanag na mula sa pagbagsak ng tao sa kasalanan, ang pagbabalik-loob sa Diyos ay hahadlangan ni Satanas.
Ang unang misyon ni Satanas ay patayin ang lahat ng matuwid na anak ng babae na maaring siyang dudurog sa kanyang
ulo o tatapos sa kanyang nagawa sa tao. Ito ay kanyang ginawa noong patayin ni Cain ang matuwid na si Abel (Gen. 4:1-
8). Inulit uli ito noong ipanganak ang Kristo. Ipinapatay ni Haring Herodes ang lahat ng sanggol, dalawang taon pababa,
sa Bethlehem (Mt. 2:16).

A. Ang paglalaban ng binhi ng babae at binhi ni Satanas (Gen. 3:15)

1. Ang binhi ni Satanas. Juan. 8:44 Sino ang nagnanais na pumatay sa Panginoong Jesus Kristo? ________________
2. Ang binhi ng babae. Gal 3:16 Kanino ipinangako ng Diyos ang pagdurog sa ulo ni Satanas? __________________
3. Sino ang tinutukoy na seed ng babae? _________________

B. Ang pagdurog sa ulo ni Satanas at ang pagtuklaw o pagsugat ni Satanas sa Kristo.

1. Ang pagsugat sa Panginoon. Mt 17:22-23, 26:2 Ano ang ipinahayag ni Jesus na gagawin sa Kanya ng mga binhi ng
diablo? _______________________
Ano ang pag-asa ni Jesus sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Ama? ___________________________________
2. Ang pagdurog sa ulo ni Satanas. 1 Juan 3:8 Ano ang misyon ni Jesus? ___________________________________
3. Ang pagputol sa power ni Satanas sa bawat believer . Heb. 2:14-15 Ano ang nagawa ng pagtataksil kay Jesus, ang
pagsugat at pagpako sa kanya sa Krus? ________________________________
Ano ang resulta sa atin nito? __________________________________
4. Ang pinagtagumpayan ni Jesus para sa ating mga tao . 1 Cor 15:55-56 Ano ang pinagtagumpayan ni Jesus ayon sa
talata? ___________________________________

C. Ang pagtatagumpay ng binhi ni Abraham

1. Gal 3:26-27 Ano ang ginawa ng Diyos sa atin noong tayo ay manalig kay Jesu-Kristo? _______________________
2. Gal 3:29 Sinabi ng talata kung sino tayo, “If you belong to Christ, then you are Abraham’s seed, and heirs
according to the promise” (Galatians 3:29 NIV). Pangako ng Diyos ay buhay.
3. 1 Cor 15:57 Pinagtagumpayan ni Jesus ang kasalanan sa krus at ang kamatayan noong mabuhay na mag-uli sa
ikatlong araw, ano ang nais ng Diyos sa talata? ___ _________________________________________________
4. 1 Cor 15:51-54 Kailan ang lubos na pagkatalo ni Satanas at lubos na pinagtagumpayan natin ang sin at death?
___________________________________
5. Rom 4:16 Ano ang dapat nating patatagin upang ang pangako ng tagumpay ay mapasa-atin? ________________
6. Juan 15:9-11 Ano ang layunin ng ating faith? __________________________
Ano ang ating paninindigan sa mga atake ng kaaway? Tulad ng sakit, hirap ng buhay, kabiguan, o panunugat sa
puso, o gaan ng buhay, tagumpay, etc. __________________________________________

Application:
1. Ang pagtatagumpay ng believer ay nakaugnay sa attitude ng faith. Maliwanag sa Juan 15:9-11 na ang ating
layunin ay manatili sa pag-ibig ng Lord.
2. Ang ating prayer at naisin ay manatili sa pag-ibig ng Lord.

You might also like