Professional Documents
Culture Documents
Ang ayaw ko lang sa doktrinang "trinity" ay yun mismong salitang ito na gawa ng tao
na nagmula sa iglesia romana katolika. Marami na rin kasing mga doktrina ang
relihiyon ito na nagbigay ng di pagkakaunawaan ng mga tao at pagkakabahabahagi ng
mga Kristiano. Kaya di ako sampalataya sa katawagan ito. Pwede naman natin sabihin
sumasampalataya ako sa Ama, Anak at Espiritu Santo. Pero yun tatawagin silang
trinity eh di na lang kasi pagmumulan pa ito ng mga di pagkakaunawaan among
christians at mga hidwaan na lalong magkakapawatakwatak sa atin ng siyang primary
goal ng diablo. Gumagamit ito kasi ng mga tao tulad ng mga huwad na mangangaral
para maisakatuparan ang kanyang adhikain. Kung aalamin nyo lang ang pinanggalingan
ng konsepto ng trinity at kung ilang beses ito nirebisa dahil nga sa mga di
pagkakasangayunan ng nakakarami. Yun iba sumangayon na lang dahil nga natakot dahil
lubhang makapangyarihan ang simbahang katolika nung mga panahon na iyon. Mga
kapatid parang awa nyo na magbasa kayo ng history, kasaysayan ukol dito at
maliliwanagan kayo na ang traditional na paniniwalang ito ay walang katotohanan.
Ginawa pa ngang pilipitin ito simbahan katolika sa paglalabas ng mga kataga sa
biblia tulad sa 1-John 5:8 ng KJV para maipasok ang paniniwalang ito. Tandaan po
natin ito lamang po ay paniniwalang kinagisnan natin na galing sa mga taong
mapagpanggat na tunay na kay Kristo ngunit ang totoo ay wala naman talaga ito sa
Biblia. At maling pagkakaunawa lang na sila ay pantay pantay kahit paulit ulit na
nagsasaysay ang ating Panginoon Hesukristo na ang Ama ang higit na masmataas kaysa
kanya. Makuntento na tayo at paniwalaan na lang na silang iisa, saan? sa kanilang
lakad. Kaya sila iisa dahil IISA SILA NG LAKAD. Kaya nga sa....
Juan 12:44-50
Kung ang hari noon araw ay may emisaryo or messenger. Kung ito ay binastos mo o
pinatay mo para mo na rin pinatay ang hari at kamatayan din ang igagawad sa iyo.
Kaya kung tinanggap mo at nirespeto mo ang isang mensahero o emisaryo ay irerespeto
ka rin ng nagpadala dito. Kaya kung sumasampalataya ka ng buong puso sa ating
Panginoon Heukristo na sugo ng Dios Ama ay ay sumasampalataya ka na rin sa Ama. Di
dahil iisang Dios sila. Wag po tayo malito doon. Ibig lamang iparating ng biblia ay
kung irerespeto mo ang Anak at Banal Espiritu ay ganun din pagrerespeto mo sa Ama
ganun din sa pagsampalataya sa kanila. At niniwala ako na ang Banal na Espiritu
bilang daliri ng Dios ay masasabi rin natin dios. Kung tutuusin nga utos rin na
manalangin tayo sa Banal na Espiritu sa Judas 1:20-21 " 20Nguni't kayo, mga
minamahal, papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na
pananampalataya, na manalangin sa Espiritu Santo, 21Na magsipanatili kayo sa
pagibig sa Dios, na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa
ikabubuhay na walang hanggan."
Isa rin malaking kasalanan ang paglapastangan sa Espiritu Santo: Lucas 12:10 TLAB
Ang bawa't magsalita ng salitang laban sa Anak ng tao ay patatawarin: nguni't ang
magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.
Dahil kung ano ang ginawa mo sa Banal na Espiritu ay siya rin ginawa mo sa Dios:
Mga Gawa 5:3-4 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang
iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang
bahagi ng halaga ng lupa? Nang yao'y nananatili pa, hindi baga yao'y nanatiling
iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano't
inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao,
kundi sa Dios.
Tama nga iisang adhikain ng biblia na iparating sa tao sa na may nag-iisang Dios na
mas mastaas kay sa lahat. So what kung marami ang mga dios basta mayroon isang Dios
na mataas lahat. I Mga Taga-Corinto 8:5 TLAB 5
Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa
lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon; 6Nguni't sa ganang
atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay,
at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya
ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.