You are on page 1of 25

Lesson 1: Ang

Kaligtasan
Mga Puntos na Dapat Tandaan
1. Lahat ng tao ay makasalanan at hindi nakaabot sa
pamantayan ng Diyos.
2. Ang “kaligtasan” ay libre, ito ay walang bayad dahil ito
ay binayaran na ni Hesus.
3. Hindi tayo maililigtas ng ating mga mabubuting gawa.
4. Ang tao ay maliligtas mula sa impyerno sa
pamamagitan ng pagtanggap kay Hesus bilang
Panginoon, Diyos at Tagapagligtas.
Lesson 2: Katiyakan ng
Kaligtasan
Mga Puntos na Dapat Tandaan
1. Ang buhay na walang hanggan ay regalo ng Diyos sa
lahat ng sumampalataya sa kaniya.
2. Ang mga tunay na anak ng Diyos ay kanyanag pinili,
tinawag, pinawalang-sala, at binigyan ng kaluwalhatian
na ibig sabihin ay sinigurado ng Diyos mismo na sa
langit ang destinasyon ng kanyang mga tunay na anak.
3. Tandaan natin na tayo ay nailigtas ng Diyos sa
pamamagitan ng biyaya niya na ipinaranas sa atin sa
ginawa ni Hesus sa krus.
Lesson 3:
ANG
PAGSISISI AT
BAUTISMO
I. PAGSAMBA AT
PANALANGIN
KAPAYAPAAN NG BANSA
PAGLAGANAP NG EBANGHELYO
PAGLUKOB NG BANAL NA ESPIRITU
KATAGUMPAYAN NG DISCIPLESHIP
MEETING
II. PANIMULA
1. Ilan ang naibigay mong Gospel Tracts? Ilan
ang naturuan mo ng Lesson 1?
2. Ano –ano ang mga hadlang sa
pagbabahagi ng Lesson 1? Ano ang mga
solusyon dito?
3. Bakit sa palagay mo ay hindi madaling
tumalikod sa kasalanan?
III. TALAKAYAN
Mga Awit 32:5
[5]Kaya't ang kasalanan ko'y aking
inamin; mga pagkakamali ko'y
hindi na inilihim. Ako'y nagpasyang
sa iyo'y ipagtapat, at mga sala
ko'y pinatawad mong lahat. (Selah)
III. TALAKAYAN
Isaias 59:1-2
[1]Tingnan ninyo, si Yahweh ay may kakayahan
upang iligtas ka; siya'y hindi bingi upang
hindi marinig ang inyong hinaing.
[2]Ang masasama ninyong gawa ang dahilan
ng pagkawalay ninyo sa Diyos. Nagkasala
kayo kaya hindi ninyo siya makita, at hindi
niya kayo marinig.
III. TALAKAYAN
2 Mga Taga-Corinto 7:9-10
[9]Ngayon ay nagagalak na ako sapagkat ang
kalungkutang iyon ang ginamit ng Diyos para
akayin kayo na pagsisihan at talikuran ang
inyong pagkakasala, kaya't hindi kayo napasamâ
dahil sa amin.
[10]Sapagkat ang kalungkutang buhat sa Diyos ay
nagbubunga ng pagsisisi at pagbabago tungo sa
kaligtasan. Ngunit ang kalungkutang dulot ng
mundo ay humahantong sa kamatayan.
III. TALAKAYAN
Mateo 3:8
[8]Patunayan muna ninyo sa
inyong mga buhay na kayo'y
talagang nagsisisi na,
III. TALAKAYAN
Mga Gawa 26:20
[20]Nangaral ako, una sa Damasco, saka sa
Jerusalem at sa buong lupain ng Judea, at
gayundin sa mga Hentil. Ipinangaral kong
dapat silang magsisi't tumalikod sa kanilang
mga kasalanan, lumapit sa Diyos, at ipakita
ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng mga
gawa.
III. TALAKAYAN
1 Mga Taga-Corinto 6:9-11
[9]Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang
bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong
sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan,
nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae,
[10]nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o
nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.
[11]Ganyan ang ilan sa inyo noon. Subalit kayo'y pinatawad na sa
inyong mga kasalanan at ginawa na kayong banal ng Diyos.
Pinawalang-sala na rin kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-
Cristo at sa pamamagitan ng Espiritu ng ating Diyos.
III. TALAKAYAN
1 Juan 1:9
[9]Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos
ang ating mga kasalanan, maaasahan nating
patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at
lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan,
sapagkat siya'y tapat at matuwid.
TANONG
1. ANU-ANO ANG MGA
KASALANAN NA DAPAT MONG
TALIKURAN? ISA-ISAHIN…

MANALANGIN
III. TALAKAYAN
Marcos 1:4-5
[4]At dumating nga sa ilang si Juan, na
nagbabautismo at nangangaral. Sinabi niya sa mga
tao, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga
kasalanan at pabautismo kayo, upang kayo'y
patawarin ng Diyos.”
[5]Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay
pumunta kay Juan. Ipinahayag nila ang kanilang mga
kasalanan at sila'y binautismuhan niya sa Ilog Jordan.
III. TALAKAYAN
Marcos 16:16
[16]Ang sinumang sumampalataya at
mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang ayaw
sumampalataya ay paparusahan.
III. TALAKAYAN
Mga Taga-Roma 6:4
[4]Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing
na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo
upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa
pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng
Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong
buhay.
TANONG
1. ANO ANG KAHALAGAHAN
NG BAUTISMO SA TUBIG?
2. ANO ANG RELASYON NG
BAUTISMO AT PAGSISISI?
ILLUSTRASYON
GAWA 8:24-38
TANONG
1. ANO ANG HINILING NG
PINUNO NI KAY FELIPE?
2. ANO ANG REQUIREMENT NA
BINANGGIT BAGO
BAUTISMUHAN ANG
PINUNO?
IV. MGA PUNTOS NA
DAPAT TANDAAN
1. ANG PAGSISISI AY ISANG PAG-AMIN
SA NAGAWANG KASALANAN AT
PAGTALIKOD DITO.
2. ANG DIYOS AY LUBOS NA
MAPAGPATAWAD AT PATATAWARIN
TAYO SA LAHAT NG ATING MGA
KASALANAN, KAHIT ANO PA MAN ITO.
IV. MGA PUNTOS NA
DAPAT TANDAAN
3. ANG KATUNAYAN NA
TAYO AY ANAK NG DIYOS
AY ANG PAGTALIKOD SA
KASALANAN.
IV. MGA PUNTOS NA
DAPAT TANDAAN
4. ANG BAUTISMO AY HINDI
NAKAKADAGDAG O NAKAKABAWAS NG
ATING KALIGTASAN SUBALIT ITO AY INIUTOS
NI HESUS UPANG ATING TUPDIN BILANG
TANDA NG ATING PAGSAMPALATAYA KAY
HESUS BILANG ATING DIYOS, PANGINOON,
AT TAGAPAGLIGTAS; AT BILANG TANDA NG
PAGTALIKOD SA KASALANAN.
V. PANALANGIN NG PAGTATALAGA NG BUHAY
KAY HESUS BILANG PANGINOON, DIYOS AT
TAGAPAGLIGTAS:
Panginoong Hesus, patawarin mo po ako sa lahat ng aking
mga kasalanan sa isip, sa puso, at sa gawa. Pinagsisisihan
ko po ng lubos ang lahat ng mga ito. Ako po ay lubos nag
nagpapakababa sa iyong harapan. Binubuksan ko po ang
aking puso at tinatanggap kita bilang aking Diyos,
Panginoon at Tagapagligtas. Itinatakwil ko po si satanas at
ang lahat ng kanyang mga gawa at impluwensya sa buhay
ko. Isulat po ninyo ang aking pangalan sa aklat ng buhay.
Ito po ang aking panalangin sa pangalan ni Hesus, amen.

You might also like