You are on page 1of 10

“Ako ang daigdig”

ni
Alejandro G. Abadilla
Ako ang daigdig
Ako ang tula
Ako ang daigdig ang tula
Ako ang daigdig na tula
Ang tula ng daigdig
Ako
Ang walang maliw na ako
Ang walang kamatayang ako
Ang tula ng daigdig
Ako ang daigdig ng tula
Ako ang tula ng daigdig
Ako ang malayang ako
Matapat sa sarili
Sa aking daigdig na tula
Ako
ang damdaming
Malaya
Ako
Ang larawang buhay
Ako
Ang buhay
na walang hanggan
Ako
Ang damdamin
Ang larawan
Ang buhay
Damdamin
Larawan
Buhay
Tula
Ako
Pangkatang Gawain :
Pamantayan sa Pagsulat ng Tula
Batayan 5 4 3 2 1
1. Mensahe at aral na nakapaloob sa
tula
2.Kaayusan at kalinisan ng
pagkakasulat
3. Wastong pagkakabaybay at
pagbabantas
4. Pagiging malikhain
5. Kaangkupan ng paggamit ng mga
salita sa napiling paksa o tema.

You might also like