You are on page 1of 10

ANG PUSANG

NAGLAYAS
TAUHAN:
• Matandang babae
• Kapitbahay
• Pusa
• Duwende
• Hari
• Payaso
PANGYAYARI:
Maraming taon na ang nakararaan, isang
magandang kuting ang nakatira sa maliit na
bahay ng isang matandang babae. Maliban sa
kanila ay mayroon ding nakatira sa bahay na
iyon na isang duwende. Pero tanging ang kuting
lamang ang nakakita sa duwende. Ayon sa
matandang babae, ang kanyang kuting ang
nagbibigay liwanag at init sa kanyang buhay
subalit maraming nagtatanong sa kanya kung
paano nangyari iyon.
Nang hindi nagtagal ang kuting ay lumaki na
at halos lahat ng mga tao ay nagsasabing
napaganda nito. Ito ang naging dahilan kung
bakit naging palalo ang pusa. Sabi ng pusa…
“hindi ako bagay sa maliit na bahay na ito,
kailangan ko na tumira sa malaking palasyo”.
Tinanong siya ng duwende kung ano ang
gagawin niya. Sabi muli ng pusa… “aalis ako
rito dahil hindi bagay sa aking kagandahan ang
tumira sa maliit at makipot na lugar na ito. Mas
bagay ako sa malaking palasyo”.
Sabi sa kanya ng duwende, “magsisisi ka
kapag umalis ka rito… alam mo kung ano
pwedeng mangyari sa iyo”. Hindi nakinig ang
pusa sa duwende at tuluyan na siyang umalis.
Dahil doon nalungkot ang matandang babae.
Hindi naman maikwento ng duwende ang
nangyari sa pusa dahil hindi siya nakakapagsalita
sa tao. Samantala, nakarating na ang pusa sa
isang palasyo at nakita ito ng hari. “Pagkaganda-
gandang pusa! Ngayon lang ako nakakita ng
napatikas na pusang ito”.
Sabi ng pusa sa kanyang sarili, “sabi ko na
nga ba magugustuhan agad nila ako”. Maya
maya biglang lumabas ang isang payaso mula sa
kurtina. Sabi ng payaso sa pusa… “Naku!
Huwag kang papakasiguro na magiging masaya
ka rito! Ako nga kung bibigyan ng pagkakataon
ay aalis na ako dito”. Sumagot agad ang pusa…
“Anong kalokohan yan?”. “Maghintay ka lang
malalaman mo rin kung ano ang ibig kong
sabihin” sagot ng payaso.
Kinabukasan, isang katulong ang lumabas at
tiningnan ang pusa. Nilagyan nito ng isang laso
na may maliit na batingaw ang leeg ng pusa.
Kapag gumagalaw ang pusa tumutunog ang
batingaw. “Ayoko ng batingaw at laso na ito!
Hindi tuloy ako makatulog!” Sabi sa kanya ng
payaso ito ay umpisa pa lang. Linggu-linggo ay
may pagbabagong nagaganap sa pusa.
Binibihisan siya ng iba’t-ibang damit.
Nilalagyan ng kung anu-anong kwintas na metal
na mabigat na nakakaabala kanyang paglalakad.
Hindi siya makapagpahinga nang maayos
palagi rin siyang pinaglalaruan, nilalamutak, at
pinanggigigilan ng mga bata at matanda sa
palasyo. Isang araw nagsumbong ang pusa sa
payaso. “Tama ka nga kaibigan… masaya rito sa
umpisa pero kalaunan nakakainis na! Nagsisisi
ako na nagpunta ako rito”. “Talagang ganyan
ang buhay. Nasa huli ang pagsisisi”. Sagot ng
payaso sa pusa. Humingi ng tulong ang pusa sa
payaso kung paano makakatas sa palasyo.
Pumayag naman ang payaso na tulungan ang
pusa. Kinagabihan, nilibang ng nilibang ng
payaso ang gwardya ng palasyo upang
makakuha ng pagkakataon ang pusa na
makatakas at makalabas sa pinto ng palasyo.
Nakauwi na muli ang pusa sa kanilang bahay at
tuwang-tuwa ang matandang babae pati na rin
ang kanyang kaibigan na duwende. Naging
masaya na muli ang bahay pusa at matandang
babae.
GINTONG-ARAL
“MAKUNTENTO SA MGA BAGAY NA
IYONG NAKAKAMIT MAGING ITO MAN
AY MALAKI O MALIIT.”

“HUWAG PAIIRALIN ANG KATIGASAN


NG ULO DAHIL ITO ANG
MAGPAPAHAMAK AT MAGBIBIGAY NG
KALUNGKUTAN SA IYO.”

You might also like