You are on page 1of 2

Simoun/Padre Florentino Iskrip

(Dumating si Simoun sa bahay ni Padre Florentino na sugatan at mahina


ang katawan)
Simoun: Pari… Pari… Florentino… Maari po bang makisukob dahil ako’y
sugatan?
P.Florentino: (Tatakbo at lalapitan si Simoun): Ginoong Simoun… Ano ang
nangyari sa inyo? (buntong hininga) Sandali lamang po at patatawag ako
ng doktor...
Simoun: (Hihiga at yayakapin ang baul na kanyang dala-dala): Malamig
ang oras ng pag-iisa. (Tumatawa) Nakakakot puno ng pangamba.
(Bubuksan ang baul at hahalungkatin ang mga alahas) Ngunit sikmura’y
tumatatag… puso’y binibitawan kumakalag, kalooban ay nagiging mapusok
(Kukunin din ang baril sa loob ng baul)
Simoun: (Tatayo at itututok ang baril sa ulo): Kadiliman ay sinusuntok…
P.Florentino: (Tatakbo papalapit kay Simoun) Ano pong ginagawa ninyo
Ginoong Simoun? Ibaba po ninyo ang hawak ninyong sable… Masama po
ang inyong binabalak.
Simoun: (Titingin sa maraming tao at matatakot): Sila ang aking mga
pinatapon, sila ang aking mga ipinapatay, sila ang aking mga ginahasa.
Hindi na mahuhugasan ng pagkamakabayan ang dugo sa aking mga
kamay.
P.Florentino: (Yayakapin si Simoun): Maghulos-dili ang Ginoong Simoun.
Hindi pa po huli ang lahat… Huminahon po kayo dahil ang mga sugat nyo ay
patuloy na nagdurugo.
Simound: (Lalayo kay P.Florentino at kukunin ang lason na nasa bote sa
kanyang bulsa at ito ay iinumin)
P.Florentino: (Pipiliting lapitan si Simoun): Lilipas din po iyan Ginoo.
(Hahawakan ang bote na ininom ni Simoun) Ano po ito Ginoo? Lason…? Ano
pong ginagawa ninyo sa inyong buhay Ginoong Simoun? Mahabag po kayo
sa inyong kaluluwa!
MSimoun: (Malakas na boses) Ang nagawa at nagawa na… Padre… Nais ko
pong mangumpisal… (Umiiyak)
P.Florentino: Ano pong nais nyong ikumpisal? (Nag-aalala)
Simoun: (Luluhod sa harap ni P.Florentino) Ang tunay ko pong pangalan ay
Juan Crisostomo Ibarra. Anak ako ni Don Rafael Ibarra na pinatay sa
bilangguan dahil ipinagtanggol niya ang katarungan. (Umiiyak) Inibig ko si
Maria Clara ngunit namatay siya sa kumbento ng hindi ko naililigtas…
(Buntong hininga) Dahil sa mga kasawiang ito hinangad kong maghiganti…
P.Florentino: (Nagulat) Hindi ko akalain Ginoo.
Simoun: (Tatayo at kukunin ang rosaryo at krus sa altar ni P.Florentino)
ngunit ang iyong diyos ay hinadlangan ang aking bawat balak, bawat
hakbang, makadalawang ulit kong kinitil ang aking buhay!
P.Florentino: (Ihihiga si Simoun sa higaan) Ipagpatuloy mo pa Ginoo kung
ano ang nais mong ikumpisal. Huminahon po kayo.
Simoun: (Nakahiga at naghihingalo) O Diyos ko! Makinig ka! Nariyan ka ba?
Nariyan ka ba o wala? (Tatayo sa higaan) Bakit hindi ka magsalita?! Wala
ka bang dila? Bakit mo ako pinabayaan? Bakit mo ako tiniis? Bakit
hinayaang mamatay ang aking pag-ibig?
P.Florentino: Nakikinig siya Ginoo… Wag kang mawalan ng pag-asa…
Simoun: (Mataas ang boses) Anong klaseng diyos ka? (Hahawakan ang
krus at rosaryo)
P.Florentino: Siya ay isang diyos na matapat, isang diyos na nagpaparusa
sa kakulangan sa pananalig, isang diyos ng kalayaan… mauunawaan mo rin
Ginoo balang araw…
Simoun: (Tutumba na sa higaan) Mahabagin… tanggapin nyo nawa ang
aking alay na ito ang aking murang buhay… (Tuluyan nang manghihina ang
katawan at mababagal na ang pananalita)
P.Florentino: (Hahawakan sa kamay si Simoun) Ginoong Simoun… (Iaayos
sa higaan si Simoun at ito ay dadasalan)
Simoun: (Mahinang boses) tumalab na ang lason… patawarin mo ako aking
panginoon… hindi ko na masisilayan ang gintong liwanag ng umaga…
(Mamamatay na)
P.Florentino: Panginoon ko… pinatay nya ang kanyang sarili bilang
kabayaran sa kanyang kasalanan, sa kanyang wakas namatay siya para sa
bayan…
P.Florentino: (Kukunin ang baul at itatapon sa karagatan sa bintana) Itago
ka nawa ng kalikasan sa kailaliman, kasama ng perlas at korales ng
kanyang walang hanggang dagat. Kapag kakailanganin ka ng mga tao sa
isang banal at dakilang layunin ay hahanguin ka riyan ng diyos. Samantala
diyan ay di ka makagagawa ng masama. (Itatapon ang baul sa dagat)

You might also like