You are on page 1of 3

Notes: May dalawang Simoun- Simoun na nakahilata at Simoun sa flashbacks (F-Simoun).

Walang
dialogue at puro action lang ang Simoun sa flashback.
Opening scene: Si Simoun ay nakahiga sa kama (nakainom na ng lason) habang si Padre Florentino ay
papasok ng kwarto.
Padre Florentino: (patakbo papasok) Diyos ko! Diyos ko! Ano ang ginawa mo, Ginoong Simoun?!
Simoun: (mahina) Huwag ninyong guluhin ang inyong isip. Ang nagawa ay nagawa na. Hindi ako
pwedeng mapasa-kamay ninuman habang buhay pa ako at baka makuha pa nila sa akin ang lihim.
(lalapit si Florentino sa kama ni Simoun)
Simoun: Pakinggan ninyo ako. Malapit na ang gabi. Kailangan ko na ipagtapat ang aking lihim at dapat
na makilala ninyo kung sino ako. (pause, pikit mata) Kayong may pananalig sa Diyos, sabihin ninyo sa
akin kung tunay ngang may Diyos.
Florentino: May panlaban ako sa lason, G.Simoun. (nalilitong umaalis) Sandalit hahanapin ko langSimoun: Huwag kayong mag-aksaya ng panahon. Yayao ako dala ang aking lihim.
(titigil si Padre Florentino, luluhod sa crucifix)
Simoun: (mahina) Labintatlong taon..
(titignan ni Padre si Simoun)
Labintatlong taon ako naghirap sa dayuhang bayan. Labintatlong taon..umaasa na makakabalik sa isang
bagong Pilipinas na may pagkakaisa, may katarungan para sa mga mahirap.. Labintatlong taong
paghihirap, umaasa na akoy makakabalik sa piling ng aking Maria Clara-(uubo si Simoun) (Padre
Florentino, onti-onting marerealize na maaring si Juan Crisostomo Ibarra ito.)
<pause> Ako si Juan Crisostomo Ibarra. (lalaki ang mata ni Padre Florentino, at tatakbo papunta sa
kama ni Simoun)
Florentino: Patawarin kayo ng Diyos, Ginoong Simoun! Tayoy anak sa pagkakasala. Nakita niya ang
inyong tiniis.
Scene Two: Pinapakita ang kasunduan ni Basilio at Simoun (Chap. 33)
Simoun 1: Nakipagkasundo ako kay Basilio na aking iniawas sa kulungan. Gutom, gusgusin at
desperado, napag-isip isip ko na madali ko siyang magagamit. Nahabag ako sakanya, totoo iyon. Ngunit,
kailangan kong maipaandar ang aking mga balak.
(Ipinapakita ni F-Simoun ang lamparang alkohol na may bomba kay Basilio.)
Ikakasal noon ang katipan ng estudyanteng si Isagani sa isang mayamang pamilya. Pinadala ko kay
Basilio ang aking regalo- isang lamparang alkohol na may nitroglicerina. Oo, ang aking regalo ay isang
bomba. Sa kasal na iyon ay nagtipon-tipon ang mga ng pinakamatataas na tao. Inibig kong maging abo
ang mga mapaniil na taong iyon.
Basilio: Ano ang sasabihin ng mundo sa ganyang pagpatay?
Simoun 1: Sinabi ko sakanya na ang mundo ay papalakpak. Tulad ng pagpalakpak ng Europa nang
patayin ang angaw-angaw na Indiyo sa Amerika; pumalakpak ang Europa nang gahisin ng Portugal ang
Molucas, at ngayoy Inglatera ang pinapalakpakan sa paglipol ng katutubo sa Pasipiko. Hindi pinapansin
ng daigdig ang sanhi kundi ang ibinunga. Hinahangaan ang kabuktutan na maganda kaysa kabutihang
marumi. Ganito ang daigdig natin.
(tatango si Padre Florentino)
Cut scene: Basilio tumatakbo, nakikipagusap sa mga rebeldeng kakampi ni Simoun at kay Quiroga
Binigay ko ang kautusan ko kay Basilio. Siyay nagtungo sa mga rebelde upang ipagalam ang plano.
Silay magsisilabas sa kanilang himpilan na may mga hawak na sandata [ipapasa ni Quiroga ang mga
baril sa mga rebelde] at maghihimagsik. Lahat nang itoy mangyayari pagkatapos ng pagsabog na
magaganap sa bahay ni Kapitan Tiago.

Scene 3: Basilio nakikipagtalo kay Isagani sa labas ng bahay, niyayayang umalis. Sa loob ng bahay, si FSimoun ay pinatong ang lampara sa hapag-kainan at umalis kaagad. (Chap 35)
Simoun1: Ngunit hindi nangyari ang pagsabog.
Basilio: (hinahatak ang braso ni Isagani) (galit, nagmamadali) Nakikita mo ba ang lamparang nasa
asotea? Iyan ay may lamang dinamita. Ang kakanan ay may dinamita rin. Pagputok niyan, ni isa mang
daga ay walang makakaligtas! Tayo na!
Isagani: (malungkot) Huwag! Hayaan mong makita ko siya sa huling sandali. <pause> (ipapakita si
Paulita sa bintana) Bukas ay iba na siya.
Basilio: <pause> (bibitiwan ang braso ni Isagani) Kung ganon, mangyari na ang nakatakda! (patakbong
aalis)
[Close curtain] Lumilibot naman sa mga nagsisikain ang isang kapirasong papel na nasusulat sa
tintang pula ang Mane, Thecel Phares na may lagdang Juan Crisostomo Ibarra.
Scene 4: Kumakain na ang mga matataas na tao sa iisang mahabang table. (Chap 35)
(Habang nagsasalita nag narrator, nagpapasa-pasahan ang mga kumakain sa isang papel)
Don Custodio: Lagda ito ng isang pilibusterong sampung taon nang patay.
Katabi1: (hahablutin ang papel) Ito ay isang masamang biro!
Padre Irene: (kukunin ng mahinahon ang papel sa katabi) (kay Padre Salvi) Nakikilala mo ba ang lagda
ng iyong kaibigan?
(ipapasa ni Irene kay Salvi ang papel)
Salvi: (susurin ng mabuti) <pause> Iyan ang tunay na sulat ni Juan Crisostomo Ibarra.
Katabi2: (tatayo ng biglaan) Ibig sabihin ba nito ay papatayin tayong lahat ngayong gabi?! (Katabi3,
hihilain paupo si Katabi2)
Kapitan-Heneral: Huwag nating pansinin ang isang masamang biro. (titignan ang lampara) Padre Irene,
itaas mo nga ang mitsa ng lampara.
(Pupuntahan ni Padre Irene ang lampara sa table)
Extra1: (off-screen) Magnanakaw! (lilingon ang lahat)
(susulpot si Isagani at itatakbo ang lampara)
Extra1: (tatalon sa stage) MAGNANAKAW!
(mga tao tatayo, magkakagulo) (Ipapakita si Isagani, na itinapon ang lampara sa ilog)
Scene 5: Wala nang flashbacks.
Florentino: Patawarin kayo ng Diyos, Ginoong Simoun. Alam Niyang tayoy anak sa pagkakamali at
nakita Niya ang iyong pagtitiis. Minarapat Niyang matagpuan ang inyong kaparusahan sa kamay ng mga
taong iyong pininsala. Itoy palatandaan ng Kanyang walang hanggang awa. Isa-isa rin Niyang sinira ang
binalak na paghihimagsik. Sundin ang loob Niya at Siyay pasalamatan.
Simoun: Ang ibig nyong sabihin...kalooban Niya na ang bansang itoyFlorentino: Magpatuloy sa kahirapan? Hindi ko malalaman ang kalooban ng Diyos. Ang alam koy hindi
Niya pinababayaan sa oras ng kagipitan ang mga bayang sa Kaniyay nananalig. (pause)
Simoun: (iiyak ng sandali) ..Bakit hindi Niya ako tinulungan..?
Florentino: <pause> Sapagkat di Siya sang-ayon sa pamamaraan na pinili mo. (Simoun, patuloy na
umiiyak, pero tatango at matutulog. Patay na siya.)
Simoun- Uziel

Padre Florentino- Mark

Extra 1- Lawrence Katabi1- Danica


Don Custodio- Ryan

Basilio- Ephra
Katabi2- Justine

Kapitan Heneral- Ulysses Paulita- Trisha

Director- T. Karla, Charlane

Isagani- Kim
Katabi3- Chacha
Juanito- Louie

Extra- Trixia, Deza, Joanna

You might also like