You are on page 1of 9

ARALIN

ANG
25
KASIYAHAN NG
ISANG TITSER
SA BARY0
Ni Nimitr Bhumithaworn
TAUHAN TAGPUAN
◦Kru Dej/Viradej Bangyom ◦Baryo
◦Ai dua- Kaibigan ni Kru
Dej
◦Chao Paw- Lalaking
Espiritu
◦Chao Mae- Babaeng
Espiritu
BUOD
Kru Dej ang tawag sa akin ng mga taga-baryo
pero ang totoo kong pangalan as Viradej
Bangyom.
Siya ay titser sa eskwelahang municipal sa
probinsya. Siya ay isang prinsipal na kung
tatawagin nila ay
Kru Yai (malaking maestro) pero hindi lang siya
isang principal kung hindi pati na rin ay titser ay
dyanitor. Ang paaralan ay Ban Don Prai. Isang
araw mayroong naganap na pagpili ng
“maswerteng” kandidato sa opisina ng
gobernador.
Mayroong mahigit na limampung bakante at ang nakakakuha ng pinakamataas na marka ay ang unang pipili ng
pwestong gusto niya. Si Kru Dej ay maswerteng unang napili. Binasa niya ang listahan ng mga paaralan at napili
niya ang Ban Don Prai dahil hawig nito ang tunog sa Don Muang sa Bangkok. Ang Ban don prai ay matatagpuan
sa kagubatan at kapag umuulan ay kinakailangan lumusong ka sa putik at burak upang makarating.
Kapag tag-araw mabuhangin ang lupa at pataas palagi ito kaya mas madaling maglakad. Malawak ang
lupa nito at nakatayo sa paanan ng isang burol. Ang tanawin ay magaganda tulad lamang ng mga
kawayani at mga punong-kahoy, mga halaman tulad ng orchids, at iba pa. Ang Ban don prai ay gawa
lamang sa mga di-mamahaling materyales kagaya ng torso,kawayan bilang balangkas sa bubong at pawid.
May kanal sa ilalim ng mga media-agua sa paligid ng paaralan para mapaagos agad ang tubig ulan. Ang mga
estudyante ni Kru Dej at may talino sa arte. Ang mga desk ng mga ito ay gawa sa troso. Mahigit animnapung
bata ang nagsiksikan sa paaralang ito. Grade 1 at Grade 2 sa kaliwang bilog habang ang Grade 3 at Grade 4 sa
kanan. Araw-araw si Kru Dej ay magtuturo sa lahat ng baitang mula sa 1 hanggang sa 4 sabay sabay.
Magtuturo sa Grade 4 at iwanan ng mga gawain, tatakbo sa Grade 3 magtuturo at iwanan ng Gawain tapos balikan ang
Grade 4 tatakbo sa Grade 2 magtuturo at iwanan ng Gawain tapos balikan ulit ang Grade 4 tapos paulit-ulit lang ito.
Pagkatapos ng lahat na ito ay siguradong sasakit ang ulo niya at siya ay iinom ng dalawang aspirin kasabay sa tubig ulan
at hitit ng sigarilyo at balik nanaman, pagkaubos ng kanyang sigarilyo ay tanghalian na. Ganon siya magturo araw-araw.
Limang taon na siyang nakatira sa Ban Don Prai. Ang pangunahing hanap buhay ng taga- Ban don prai ay pagsasaka ng
palay.
Si Kru dej ay mayroong kaibigang nagngangalang Ai Dua. Naniniwala ang mga tao sa baryo sa espiritu katulad nila
Chao Paw, ang lalaking espiritu, at si Chao Mae, ang babaeng espiritu. Masaya si kru dej sa buhay na ito dahil lagi
siyang may bakasyon at sweldo ay iyon ang kaparte ng kaligayahan ng isang titser sa baryo.

You might also like