You are on page 1of 2

“Ang dagang matagumpay”

Isang araw, nagkaroon ng pagtitipon-tipon dahil sa isang daga.


Siya lamang ang nag-iisang nilalang na naging matagumpay sa
buong bayan. Gusto siya ng lahat maliban sa isa, ang pusa. Ang
pusa ay naiinggit sa daga dahil sa mga nakamit nito.
Malungkot siyang nakaupo sa damuhan habang pinapanood ang
mga taong nagdidiwang. “Sana gan'yan din ako. Matagumpay,
masayahin, at palakaibigan.” malungkot na sabi ng pusa. “Ano ba
ang problema?” bulong sakanya ng ahas na bigla na lamang
sumulpot. “Gusto ko siyang maglaho sa bayang ito!” sigaw ng
pusa.
Sadyang kay sama ng loob ng pusa dahil sa inggit. “May plano
ako. Ako na ang bahala sa'yo.” natutuwang sambit ng ahas. Ang
ahas ay naglagay ng maliliit na piraso ng keso sa daan na
papunta sa madilim na gubat. “Ano ang gagawin mo?”nag
aalalang tanong ng pusa. “Papapuntahin ko siya sa madilim na
gubat at doon ko siya kakainin.”
Biglang nakonsensya ang pusa kahit inggit na inggit siya rito.
Nakalipas ang isa't kalahating oras nang mailagay ng ahas ang
pira-pirasong keso. “Ano 'yung naaamoy ko?Keso ba iyon?”
paninigurado ng daga. Unti-unti niyang sinundan ito ngunit
pinigilan siya ng pusa. “Huwag mong sundin 'yan. Mapapahamak
ka.” nagaalalang sabi ng pusa. “Bakit naman? Paborito ko 'to eh.”
sabi ng daga.
Tunay ngang naawa ang pusa sa daga kahit gusto niya itong
maglaho noon. “Kakainin ka ng ahas 'pag sinundan mo iyan. Ako
ang may kasalanan. Inggit na inggit kasi ako sa'yo. Matagumpay
ka at hindi ko manlang makamit ang mga nakamit mo.
Nakonsensya ako sa plano nung ahas dahil alam kong maraming
nagmamahal sa'yo. Sa akin, wala.” malungkot na sagot ng pusa.
“Salamat dahil sinabi mo sa'kin ang iyong alam.
Salamat sa pagligtas saakin. Huwag na 'wag kang mainggit sa'kin
sapagkat ang tagumpay ay hindi mo dapat hanapin. Mapapasayo
ito kung iyong sisikapin.” ani daga. “Umalis na tayo dito, baka
maabutan pa tayo ng ahas.” pagmamadali ng pusa.
“Hindi ko inaakala na kung sino pa ang may sama ng loob sa'kin,
ang siyang kasama ko sa pagsubok na haharapin.” —daga.

You might also like