Sa kasulok-sulokan ng gubat ay may isang kuweba na pag-aari ng isang
malaking ahas na sobrang kinakatakutan ng lahat, kaya naman walang hayop ang nagtatangkang harangin siya maliban sa isang Agila. Isang araw habang siya ay naglilibot sa gubat para makahanap ng pagkain ay may nakasalubong siyang isang Agila. “Naghahanap nanaman ng pagkain?” tanong ng Agila sa Ahas. “Oo, bakit?”sagot ng Ahas at huminto sa kinaroroonan ng Agila na nasa isang punongkahoy.“Wala lang, palagi ka nalang naghahanap ng pagkain at napapansin ko wala kang kaibigan. Subukan mo kayang pumunta sa teritoryo ng mga tao, wala namang masamang mangyayari doon kapag hindi ka nangangagat at sa pagkakaalam ko masaya doon.”sabi ng Agila. “Ano nanaman gagawin ko dun? Matatakot lang ang mga tao sakin, masaya na ako dito at gusto ko lang ng mapayapa na buhay at may isa man lang na kaibigan”sagot ng Ahas. “Subukan mong pumunta doon, gagabayin kita papunta doon. Magkita tayo dito bukas. Aasahan kita dito kaibigan. Pag-isipan mo ng mabuti.”sambit ng Agila. Hindi na nagsalita ang Ahas at gumapagapang ito papalayo sa Agila. Pinag-isipan ng mabuti ng Ahas ang desisyon niya. “At nandito ka rin. Masaya ako sa desisyon mo kaibigan. Hali na magsimula ka ng gumapang at nasa itaas lang ako naggagabay sa iyo.” sabi ng Agila. Dalawang araw ang nakalipas nakarating na sila sa teritoryo ng tao sa isang parke. “Iwanan na kita dito, ikaw na ang lumibot diyan sa lugar na iyan maraming taong namamasyal diyan, nagugutom na ako maghahanap muna ako ng makakain ko.”sambit ng Agila. “Salamat nga pala, ayos na ako dito. Paalam”sagot ng Ahas at masayang gumagapang papuntang parke punong-puno ng mga tao. Nung una natakot ang Ahas pero na isip niya ang Agila. Lumabas na ang ahas at masayang gumagapang sa parkeng maraming tao pero hindi niya inaasahan ang mga pangyayari. Nagkagulo sa parke dahil sa Ahas at pinapalo-palo pa ng mga tao ang Ahas. Nagalit ang Ahas at umalis ito naging malungkot siya at hinintay niya maggabi para walang makakita niya sa parke. Iniisip niya kung nasaan ang Agila na yun kung na isip niya ba yung nararamdaman niya ngayon. “Nagulat lang siguro kayo sa aking itsura kaya kayo napaganoon yung reaksiyon ninyo” sabi ng Ahas sa sarili. Nagulat ang Ahas dahil may isang taong naglalakad parang may hinahanap at may dalang patay na manok. “Nandiyan ka pala Ahas”sabi ng tao. “Bakit mo ako hinahanap hindi ka ba natatakot sa akin?”tanong ng Ahas. “Hindi, at may dala akong pagkain sa iyo baka kainin mo pa ako at baka rin nagugutom ka na “biro pa ng tao. “May tanong ako, bakit kaya ganoon ang reaksiyon ng tao sa akin gusto ko lang naman ng kaibigan na makakausap ko”sabi ng Ahas. “Hindi ko rin alam, dahil natatakot sila? May sasabihin ako sa inyo ang pagkakaroon ng kaibigan ay masaya at magulo. Nagtatawanan kayo sa mga biro niyong wala namang kwenta at nagsusuporta kayo sa isa’t-isa. Hindi nagpaplastikan sa sarili, kayo ay totoo sa isa’t-isa kahit ano pang hitsura mo mahal ka niya. May kaibigan akong Ahas din, siya ay masayahin ngunit mapagbiro ang tadhana namatay siya. Nalaman ko ang dahilan, hindi siya sanay na mamuhay sa teritoryo ng mga tao kaya ikaw masaya man sa paningin mo ang mamuhay kasama ang mga tao hahanap-hanapin mo parin ang gubat. Sa tingin ko may kaibigan ka hindi ko lang alam kung sino siya” sabi ng tao. Habang nagkwekwento ang tao kumakain ang Ahas ng patay na manok na dala ng tao. Napagtanto din ng Ahas ang mga sinabi ng tao. “Tama ka, hahanapin ko ang gubat dahil doon ako isinilang”sabi ng Ahas at patuloy paring iniisip ang Agilang tumulong sa kaniya. “Paalam na Ahas masaya akong nakipagkwentuhan sa iyo. Nawa’y may aral kang napulot sa aking mga sinabi”sabi ng tao at umalis. “Salamat sa iyong kabutihan kaibigan kong Agila”sabi ng Ahas sa sarili habang tumitingin sa langit na may Agilang lumilipad.