You are on page 1of 3

“Ang Pasko: Puno ng Kasiyahan sa Kabila ng Kahirapan”

Ni: Doñella Carrelle B. Baluyut

Sa isang bayan sa Mabini, may pamilyang nakatira malapit sa


dagat. Ito ay sina Mang Carlos, isang mangingisda at mapagmahal
sa kaniyang pamilya, at si Aling Aida, ang asawa ni Mang Carlos
na nag-aalaga sa kanilang anak na si Aya, na walong taong gulang
at nag-aaral malapit sa kanilang bayan. Ang kanilang pamilya ay
mahirap at simple lamang.

Isang araw, naghandang almusal si Aling Aida para sa


kaniyang pamilya. Itlog at tuyo lamang ang kanilang ulam dahil
wala silang masyadong makain, ngunit masaya pa rin si Aya dahil
sa kanyang pamilya. “Mama, malapit na po ang Pasko, may Christmas
party po kasi kami sa paaralan at ang guro namin ay nagsabi na
dapat magdala kami ng regalo para sa aming mga kaklase. Pwede po
ba tayong mamili bukas?” sabi ni Aya sa kanyang magulang. “Naku
anak, hindi pa ako sigurado dahil wala pa tayong pera,” sagot ni
Aling Aida. “Ah ganun po ba, okay lang po,” sabi ni Aya. “Papasok
na po ako,” dagdag niya. Pagkatapos nito, pumasok na siya sa
paaralan at patuloy namang gumawa ng gawaing-bahay si Aling Aida
habang ang kanyang mister ay pumunta na sa pangingisda.
Pagkalipas ng ilang oras, umuwi si Aya mula sa paaralan at ang
kanyang ama naman ay galing sa pangingisda. “Mano po, Ma at Pa,”
sabi ni Aya at nagmano.

Ilang araw ang nakalipas, Christmas party na ni Aya.


Nakabili naman siya ng regalo para sa kanyang kaklase. Ang
Christmas party ng kanilang klase ay may masasarap na putahe
tulad ng Adobo at Manok. Kumain muna sila bago maglaro at
magpalitan ng mga regalo. Pagkatapos nilang magpalitan ng mga
regalo, naglaro sila at pagkatapos ay umuwi agad para hindi
magabihan.

Si Mang Carlos at ang kanyang pamilya ay gumigising araw-


araw ng alas-kwatro ng umaga upang dumalo sa Simbang Gabi. Ang
unang misa ay ginaganap tuwing Disyembre 16, at ang huli naman ay
tuwing Disyembre 24, kung saan nagaganap ang Misa de Gallo.
“Panginoon, nagpapasalamat po ako sa lahat ng biyaya na natanggap
ko. Sana po ay iligtas ninyo ang aking pamilya at bigyan ninyo
kami ng kalusugan sa aming katawan,” ang araw-araw na panalangin
ni Aya. Tuwing gabi, namamasko si Aya kasama ang kanyang mga
kapitbahay. Ginawa niya rin ang kanyang sariling parol upang
isabit sa kanilang munting bahay. Dinesenyohan niya ang kanilang
bahay sa tulong rin ng kanyang mama.

Sa araw bago mag-Pasko, dinala ni Mang Carlos ang kanyang


bangka upang mangisda para may maihanda sila sa Noche Buena.
Sinuwerte naman si Mang Carlos dahil naka-huli siya ng bangus at
iba’t ibang isda. Nagluto si Aling Aida ng inihaw na Bangus at
nagluto ng pancit at may kaunting kakanin na inihanda nila para
sa mga bisita nila dahil dadating ang ninang at ninong ni Aya.
Pagdating ng ninang at ninong ni Aya, bineso agad ni Aya ang mga
ito. “Mano po, Ninang at Ninong,” sabi ni Aya. “Ang ganda mo na
at ang laki mo na,” sabi ng ninang ni Aya. “Oo, Mare, mabait at
masunurin pa,” sabi naman ng mama ni Aya. Nagkwentuhan muna sila
sa labas ng bahay nila dahil maliit lamang ito.
Sa pagdating ng alas-dose ng hatinggabi, kumain na sila ng
Noche Buena. “Aya, may ibibigay ako sa iyo na regalo mula sa akin
at sa ninong mo,” sabi ng ninang ni Aya at binigay ang regalo.
“Wow, maraming salamat po sa abala,” sabi ni Aya habang
tinatanggap ang regalo. “Walang anuman, Aya, napakabait mo kaya
nararapat lang ito sayo,” sagot ng ninang. “Buksan mo na at tiyak
na magiging masaya ka sa regalo namin,” dagdag pa niya. “Sige
po,” sabi ni Aya habang binubuksan ang regalo. “Maraming salamat
po talaga,” dagdag pa niya na may ngiti sa labi.

Sa simpleng almusal ng itlog at tuyo, nagpapasalamat pa rin


siya sa Diyos dahil mayroon pa silang makakain. Sa kabila ng
kahirapan, nahanapan pa rin niya ng paraan upang mabigyan ng
regalo ang kanyang kaklase. Sa pagdalo nila sa Simbang Gabi,
nagbibigay sila ng halaga sa pananampalataya at pagmamahalan. Ang
simpleng handaan sa Noche Buena, kasama ang kanyang pamilya, ay
malaking bagay upang pasalamatan ang Diyos. Ang aral sa kwento ni
Aya at kanyang pamilya ay nagpapakita ng kahalagahan ng kasiyahan
sa kabila ng kahirapan. Ito rin ay paalala na ang tunay na
kahulugan ng Pasko ay nasa pagmamahalan at pagkakasama ng
pamilya.

You might also like