You are on page 1of 2

Pangalawang Sumatibong Pagsusulit

ESP V
(IKALAWANG MARKAHAN)

PANGALAN:_________________

I.Iguhit ang simbolo ng thumbs up kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong


kaisipan at thumbs down naman kung hindi.
___1. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa
kanya ay mawawalan siya ng matutunan. Ayaw sumang – ayon ni Noel dahil
mahilg siyang maglakwatsa. Pinabayaan na lamang ni Tony si Noel sa kanyang nais.
___2. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina.
Binalak ni Grace na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian.
Dahil dito ay magkasamang ipinagbigay alam ng magkaibigan sa opisina ng Lost
and Found ang napulot na pitaka.
___3. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit kapag namatay, hindi
pumayag si Pedro at sinabing sinungaling siya.
___4. Ang mag – asawang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang
iboto sa darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga
napipisil na kandidato. Malugod na tinanggap ng mag – asawa ang kanilang mga
napagdesisyunan.
___5. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa
kanilang pag – kritiko, sinabi ni Jane na mas magaling ang unang kalahok. Ngunit
hindi pumayg si Bea, ayon sa kanya ay mas magaling ang ikalawang kalahok. Dahil
dito ay nagtalo ang magkapatid.
A. Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay nagpapakita
ng pagmamalasakit sa kapwa at malungkot na mukha kung hindi.
___6. Paglilingkuran ko ang mga nangangailangan sa mga hikahos na lugar.
___7. Isasaisip ko ang kapakanan ng mga tao kapg nag-organisa ako ng mga
programang pangmisyon sa ibang lugar.
___8. Magbibigay lamang ako sa aking mga kamag-anak at kaibigan.
___9. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na magbigay ng mga laruan at damit sa
mga batang nabiktima ng kalamidad.
___10. Hindi ko papansinin at pag-aaksayahan ng tulong ang mga taong mahihirap
dahil mapapagod lang ako.
B. Iguhit ang puso sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtulong
sa iba.
___11. Ako ay maglilingkod ng hindi na nag-iisip ng kapalit.
___12. Sasali lamang ako sa mga outreach program kung ang talaan sa pagpasok o
attendance ay itsetsek ng guro.
___13. Magbibigay ako ng damit at sapatos para sa mahihirap.
___14. Higit kong paglalaanan ang tungkol sa ikasisikat ko sa paaralan.
___15. Sasali ako sa mga programa para sa mahihirap dahil gusto kong bigyan din
ako ng mataas na marka.
C. Isulat sa patlang kung Opo o Hindi po, Wala po o Meron po ang mga
sumusunod na pangungusap.
___16. Dapat bang limitahan ang karapatan ng iba?
___17. Mas nakahihigit ba ang karapatan ng mga mayayaman kaysa sa mga
mahihirap?
___18. Maaari bang bilhin ang karapatan?
___19. May karapatan ba ang ibang tao na angkinin ang karapatan ng iba?
___20. Ang mga matatanda lamang ba ang may karapatan?

PERFORMANCE OUTPUT

PANGALAN:_______________
A.Isulat ang TAMA o MALI.TAMA kung wasto ang isinasaad sa bawat sitwasyon at
MALI naman kung hindi wasto ang ipinapakita sa bawat sitwasyon
___1.
Ang paggamit ng”po at opo” sa pagsasalita ay nagpapakita ng paggalang sa
matatanda.
___2. Ang pakikinig ay nag[papakita ng paggalang sa karapatan ng taong
nagsasalita.
___3. Pagtawanan nalang ang mga taong hindi marunong sumayaw.
___4. Pag-iingay habang may taong natutulog.
__ 5. Ang paggalang sa mga karapatan ay dapat ugaliin.
B.Lagyan ng / kung tama at x kung mali.
___6. Karapatan ng bawat bata ang magtrabaho para sa pamilya.
___7. Lahat ng tao ay may karapatan at dapat igalang.
___8. Mas maraming karapatan ang tinatamasa ng mga mayayaman.
___9. Ang mga matatanda lamang ang may karapatang magpasya sa isang tao.
___10. Inaalisan ng mga karapatan ang mga mahihirap.

Talaan ng Ispesipikasyon sa ESP V


Pangalawang Sumatibong Pagsusulit
(Ikalawang Markahan)

LAYUNIN BILANG BAHAGD KINALALA


NG AN GYAN NG
AYTEM AYTEM
1. Nakakabuo at nakapagpapahayag nang may 20 16.67% 1-15,31-35
paggalang sa anumang ideya/ opinion
2. Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba. 15 33.33% 16-30
KABUUAN 35 100% 1-35

You might also like