You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHAN

LAGUMANG PAGSUSLIT
ESP 4

TALAAN NG ESPISIPIKASYON

# Learning Competencies KINALALAGYAN NG BILANG NG AYTEM


AYTEM

1 Nakapagpapakita ng
pagkamahinahon sa damdamin at
kilos ng kapwa tulad ng: 1 - 10 10
pagtanggap ng sariling
pagkakamali at pagtutuwid nang
bukal sa loob
pagtanggap ng puna ng kapwa
nang maluwag sa kalooban
pagpili ng mga salitang di-
nakakasakit ng damdamin sa
pagbibiro
2 Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan 11-15; 21-25 10
tungkol sa kaguluhan, at iba pa
(pagmamalasakit sa kapwa na
sinasaktang/kinukutya/binubully)
(EsP5P-IIb-23)
3 Naisasabuhay ang pagiging bukas- 16-20; 26-30 10
palad sa:
mga nangangailangan
panahon ng kalamidad
(EsP4P-IIe-20)
Total 30 items
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
IKALAWANG MARKAHAN SA ESP IV
Pangalan: Petsa:
Baitang at Pangkat: Iskor:

I. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at ekis (x)
kung hindi.

______1. Inaamin ang pagkakamali ng maluwag sa kalooban.

______2. Inaaway ang taong pumuna sa iyo.

______3. Nagagalit kapag pinupuna ang iyong mali.

______4. Tinatanggap ang puna ng kapwa at nagpapasalamat dahil ito ay makakatulong para sa ikauunlad
mo.

______5. Naninisi ng iba kapag pinupuna sa iyong pagkakamali.

______6. Ang pagiging mahinahon ay naipapakita rin sa pamamagitan ng pagpili sa mga salitang
gagamitin sa pagbibiro.

______7. Lahat ng napapanood natin sa telebisyon at naririnig na mga katatawanan sa radyo ay dapat
gayahin.

______8. May mga birong nakasasakit ng damdamin kahit hindi sinasadya ng nagbibiro.

______9. Nasasaktan ang taong binibiro sapagkat sila ay pikon.

______10. Dapat piliin ang mga salitang ginagamit sa pagbibiro.

II. Panuto: Tukuyin ang mga pahayag sa bawat bilang kung ito ba ay nagpapakita ng
pagmamalasakit o paggalang sa kapwa. Isulat ang PM kung ito ay nagpapakita
ng pagmamalasakit at PG kung ito ay nagpapakita ng paggalang.

______11. Madalas tulungan ni Sebastian sa pagtawid sa kalye ang sinumang matandang


nakakasabay niya sa pagtawid.
______12. Pinakikinggan ni Maria ang opinion ng kanyang kasama.
______13. Tinuruan ni Helen ang kanyang katabi na nahihirapan sa araling tinatalakay.
______14. Hindi namimili ng aasikasuhing pasyente ang bagong nars sa klinika sa bayan.
______15. Pinakikinggan nang mabuti ni Tasyo ang dayuhang nagpapahayag ng kanyang saloobin.
III. Panuto: Basahin ang sitwasyon at sabihin kung anong damdamin mayroon
sa sumusunod na uri ng pagbibiga

A. Napipilitan lamang magbigay.


B. Nagbigay nang bukal sa kalooban.
C. Nakikigaya sa ibang nagbibigay.
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.
16. May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa mga biktima ng lindol.
Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-aabot sa mga biktima sapagkat may listahan
sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan.
17. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit, at higaan para sa mga
biktima. Nagpunta sila sa evacuation center upang makausap ang mga inilikas na biktima.
Nararamdaman nila ang pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng susunod na
pagdalaw sa mga ito.
18. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng relief goods sa
covered court ng barangay. May inilikas na mga nasunugan at walang nailigtas na gamit
ang mga ito. Inutusan niya ang kaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi na
nasusuot at ang mga de-latang malapit nang masira.
19. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng bagyo. Nalaman
ito ng kanilang kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga damit.
20. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang samahang
nagkakawanggawa sa mga mahihirap subalit may kasipagan at kakayahang mag-aral.
Ipinadadala sa iyong paaralan ng samahang ito ang mga kailangan ninyo sa pag-aaral.

IV. ESSAY: Sagutin ang bawat katanungan. (5 puntos ang bawat bilang).

21-25. Batay sa iyong natutuhan, bakit mahalaga na ang batang katulad mo ay matutong dumamay sa iba?

26-30. Bilang isang mag- aaral, paano mo maipakikita ang pagtulong sa mga taong nangangailangan ng bukal
sa puso o kusang-loob

_____________________
PIRMA NG MAGULANG

You might also like