You are on page 1of 5

DEPARTMENT OF EDUCATION

Division of Bohol
Bien Unido District

SECOND QUARTER – PERIODICAL TEST


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

Pangalan: _______________________________ Marka:


___________

I. Iguhit ang puso ( ) kung ang mga nakasulat ay patungkol sa mabuting


pagtanggap o pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan. Iguhit naman ang
buwan ( ) kung ang mga nakasulat ay patungkol sa paggalang sa mga
kaugalian at paniniwala ng mga katutubo at mga dayuhan.

__________1. Magiliw na nanonood sina Lina sa ipinamalas ng mga Aeta na para


bang ginagaya nila ang mga hayop at kulisap sa kanilang pagsayaw.

__________2. Namangha sina Aling Ising at Mang Kardo sa paraan ng


pagliligawan ng mga Aeta na kung saan hindi hahawakan ang
kamay ng babae habang sumasayaw. Ang pagngiti ng babae ang
magiging hudyat na tinatanggap na niya ang kaniyang manliligaw.

__________3. May mga bisitang dumating si nanay na taga ibang bansa at nang
matapos na ang kanilang maikling bakasyon sa amin, pinabaunan sila
ni nanay ng mga kakaning gawa niya.

__________4. Nakikinig nang mabuti si Ana habang ikinukuwento ni Shalomm


ang paraan ng kanilang pagsamba.

__________5. Magiliw na tinanggap ng pamunuan ng mga guro at magulang ng


Paaralang Elementarya ng Daang Bago ang mga volunteer workers na
nagmula pa sa Korea na magpipinta sa paaralan.

__________ 6. Ipinaghanda ng miryenda ni Aling Tanya ang mga Haponesang


bumisita sa kaniyang mga anak.

__________7. Pinarangalan ng mga taga-Dinalupihan ang mga panauhing


katutubong Agta na nagmula sa Isabela sa paraan ng kanilang
pagtugtog gamit ang kanilang tradisyunal na instrumento na
tinatawag na Sabkal.
__________8. Nakipagkaibigan si Alicia sa mga kamag-anak nila Rolly na mga
katutubong Aeta.

__________9. Hindi kumakain ng karne ng baboy ang bisita nilang Muslim, kaya
naghanda sila ng ibang pagkain na ayon sa paniniwala ng kanilang
panauhin.

__________10. Gumawa ng banner ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang


mga kaibigang nagmula sa ibang bansa.

II. Iguhit sa patlang ang bituin( ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


paggalang at pagrespeto sa opinyon ng iba at tatsulok ( ) kung hindi.

______11. Pakikinig nang mabuti sa kausap habang siya ay nagsasalita.

______12. Pakikipagkwentuhan sa katabi dahil hindi ka interesado sa opinyon ng


nagsasalita.

______13. Paggawa ng ingay habang may nagpapahayag ng kaniyang saloobin.

______14. Pagtahimik sa tuwing pagkakataon na ng ibang tao upang magbigay ng


kaniyang opinyon.
______15. Pagbibigay pagkakataon sa iba na sabihin ang kaniyang sariling mga
ideya at opinyon.

______16. Pagsasaalang-alang sa damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng maayos


at marapat na pagsasalita at pagkilos.

______17. Pagtanggap sa opinyon ng iba lalo na kung ito ay mas makabubuti hindi
lamang sa sarili kundi para sa lahat.

______18. Pagbibitiw ng masasakit na salita kapag hindi mo nagustuhan ang


saloobin ng iba.

______19. Pagiging mahinahon kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang


naibigay na opinyon sa iyo.

______20. Pagsasalita ng mahinahon kung ikaw ay may nais sabihin.


III. Isulat sa patlang kung Opo o Hindi po ang mga sumusunod na
pangungusap.

_________21. Dapat bang limitahan ang karapatan ng iba?


_________22. Mas nakahihigit ba ang karapatan ng mga mayayaman kaysa sa
mga mahihirap?
_________23. Nililihim ang mga balita tungkol sa bagyo upang hindi matakot
ang mga tao.
_________24. Nirereport agad sa barangay ang mga kaguluhang nangyayari sa
paligid.
_________25. Unahin munang pakainin ang mga nakababatang kapatid bago
maglaro sa labas ng bahay.

IV. Isulat ang TAMA o MALI. TAMA kung wasto ang isinasaad sa bawat
sitwasyon at MALI naman kung hindi wasto ang ipinapakita sa bawat
sitwasyon

_____26. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo.


_____27. Pagnakawan ang mga naiwang bahay ng mga lumikas dahil sab aha.
_____28. Pagtawanan nalang ang mga taong hindi marunong sumayaw.
_____29. Pagtawanan ang mga kaklaseng mali ang mga sagot.
_____30. Paupuin muna ang mga nakakatanda sa loob ng bus o jeep na
masasakyan.

Pangalan At Lagda Ng Magulang

__________________________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
Division of Bohol
Bien Unido District

SECOND QUARTER – PERIODICAL TEST

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

TABLE OF SPECIFICATIONS
Level of Difficulty/ Item Placement Total Number
Competencies
Easy Average Difficult of Items

Nakapagsisimula ng
pamumuno para
makapagbigay ng
kayang tulong para
sa nangangailangan
1.1. biktima ng
kalamidad 26,27 24 3 4
1.2. pagbibigay ng
babala/impormasyon
kung may bagyo,
baha, sunog, lindol,
at iba pa Week 1
EsP5P – IIa –22
28,29, 2
Nakapagbibigay-
alam sa kinauukulan
tungkol sa
kaguluhan, at iba pa
(pagmamalasakit sa
kapwa na
sinasaktan /
kinukutya / 1, 4 9,10,14
binubully Week 2 ,5,6,7, 2, 10
EsP5P – IIb – 23 8,

Nakapagpapakita ng
paggalang sa mga
dayuhan sa
pamamagitan ng:
3.1. mabuting
pagtanggap/pagtrat
o sa mga katutubo
at mga dayuhan
3.2. paggalang sa
natatanging
kaugalian/paniniwala 11,12,13,
ng mga katutubo at 15,17,18, 8
dayuhang kakaiba sa 19,20
kinagisnan EsP5P –
IIc – 24

Nakabubuo at 25,30 16 3
nakapagpapahayag
nang may paggalang
sa anumang
ideya/opinion Week 22, 23 21 3
3 EsP5P – IId-e – 25

Nakapagpapaubaya
ng pansariling
kapakanan para sa
kabutihan ng kapwa
EsP5P – IIf – 26

Nakapagsasaalang-
alang ng karapatan
ng iba Week 4
EsP5P – IIg – 27

Total Number of
21 (70%) 6 (20%) 3 (10%) 30 (100%)
Items/Percentage

Prepared By:

EFREANO C. ALBORES JR. MARILYN M. GARCIA


Teacher III School Head
Approved:

DEMOCRITO BONIEL RAINELDA B. GALULA


Grade Level Coordinator PSDS

You might also like