You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST #2 IN ESP 5

QT 2
I. Iguhit ang
mga dayuhan at

kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at


kung hindi.

___ 1. Ipaghanda ng miryenda ang mga dayuhan o katutubo sa inyong tahanan.


___ 2.Pakitunguhan o tratuhin ng maayos ang mga panauhing katutubo at mga dayuhan sa
ating paaralan.
___3. Pagtawanan ang mga katutubong nakikita sa lansangan.
___ 4. Huwag pansinin ang mga anak ng inyong bisita dahil hindi mo maintindihan ang kanilang
lingguwahe.
___ 5. Igalang ang karapatan ng bawat tao.

II. Lagyan ng ( / ) ang patlang kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan at
katutubo at ( x) kung hindi.

___ 6. May su masayaw na katutubo sa parke, uuwi na dapat ang ate mo pero tumigil muna
siya at masayang nanood sa ginagawa ng mga katutubo at nagbigay ng konting tulong.
___ 7. Pinagsabihan ng nanay mo ang mga batang nanunukso sa mga batang mangyan na
nakaupo sa parke upang magpahangin.
___ 8. May dayuhan na nagtatanong ng d ireksiyon sa mga kabataabg nakatambay sa harapan
ng tindahan ni Aling Mameng, pinagtawanan lamang nila ito at hindi sinabi ang tamang
direksiyon.
___ 9. Lagi na lamang tinutukso ng iba mong mga kaklase ang hitsura ni Rollen dahil siya ay
anak ng negro.
___ 10. May mga Hapon na pumunta sa inyong paaralan upang magbigay ng tulong sa
kakulangan sa pasilidad.Laking pasasalamat ng inyong paaralan. Kaya ang inyong seksiyon ay
naatasang naatasang magpresinta ng sayaw at awit para sa mga bisita.

III. Sagutin ng Oo kung ang isinasaad ng pahayag ay kanais-nais at Hindi kung di- kanais-nais.

__ 11. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa kanya ay
mawawalan siya ng matutunan. Ayaw sumang-ayon ni Noel dahil mahilig siyang maglakwatsa.
Pinabayaan na lamang ni Noel si Tony sa kanyang nais.

__ 12. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binalak ni Grace
na itago na lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil dito ay magkasamang
ipinagbigay- alam ng magkaibigan sa opisina ng Lost and Found ang napulot na pitaka.
__ 13. Magkaiba ng relihiyon sina Jose at Pedro. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta
sa langit kapag sila ay namatay, hindi pumayag si Pedro at sinabing sinungaling siya.
__ 14.Ang mag-asawng Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa
darating na halalan at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na
kandidato.Malugod na tinanggap ng mag-asawa ang kanilang mga napgdesisyunan.
__ 15. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa kanilang
pagkritiko, sinabi ni Jane na mas magaling ang unang kalahok. Ngunit hindi pumayag si Bea
ayon sa kanya ay mas magaling ang unang kalahok. Dahil dito ay nagtalo ang magkapatid.

IV. Paano mo maipapakita ang paggalang sa ideya ng ibang tao.Isulat ang titik ng tamang
sagot.

16.Isang araw habang papsok ka ng paaralan ay may nakita kang isang grupo ng mga raliyista
na nananawagan sa gobyerno upang itaas ang suweldo ng mga ordinaryong manggagawa.
a.Makikisali ako
b.Sasabihan ko silang itigil nila ang rally
c.Igagalang ko kung ano ang kanilang ginagawa karapatan nila iyon
d.Pagtatawanan ko sila
17. Ang inyong kapitan ay nagtatag ng isang ordinansa na naglalayong lahat ng mga alagang
hayop na hindi na maaring magpakalat- kalat sa buong barangay.
a.Makikiisa ako sa nais ng kapitan dahil ito ay makabubuti sa aming barangay
b Hindi ko papansinin ang kautusan
c.Papakawalan ko ang aking alaga paminsan-minsan
d.Sa gabi ko na lamang papakawalan ang aso namin.
18.Ipinagbabawal sa inyong bayan ang paggamit ng iba't ibang uri ng plastik gaya ng straw, bag
at marami pang iba bilang pagtugon sa talamak na polusyon.
a. Hindi na ako gagamit ng plastik bag
b. Magdadala na lamang ako ng sariling bag sa pamamalengke upang hindi na bibili ng plastik
bag.
c.Iiwasan ko at lilimitahan ang paggamit at pagbili ng mga bagay na o gawa sa plastik
d. Lahat ay tama

19.Inanunsyo ng inyong prinsipal na tatanggalin na sa inyong kantina lahat ng mga paninda na


hindi masustansiya gaya ng hotdog, junkfood, tetra pack na juice at iba pa. Ito ay ilan lamang sa
mga paborito mo.
a.Magbabaon na lamang ako ng hotdog.
b. Bibili ako sa labas ng aming paaralan.
c Bibili na lamang ng mga iba pang paninda sa aming kantina na mas masustansiya bilang
pagsunod sa nais ng aming punongguro
d.Hindi na lamang ako bibili sa kantina
20. Sa wakas ikaw ay papasok na ng kolehiyo inakala mo na matutupad na ang pangarap mong
maging guro ngunit biglang nagdesisyon ang iyong mga magulang na dapat ikaw ay maging
inhinyero dahil wala pa daw inhinyero sa inyong pamilya samantalang ang guro nandiyan ang
nanay at ate mo
a. Igagalang ko kung ano ang pasya ng aking mga magulang ngunit sasabihin at ipapaliwanag
ko kung ano ang aking nais na kuning kurso
b.Hindi na lang ako magkokolehiyo
c. Magtatrabaho na lamang ako
d. Susunod na lamang ako at hahayaan sila kung ano ang nais nila sa akin.

You might also like