You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
TANAY SUB-OFFICE

MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP/TLE-ICT 4


(Entrepreneurship and Information & Communications Technology)
T.P. 2023-2024

Pangalan: __________________________________________ Iskor:______________


Baitang at Pangkat: __________________________________ Petsa: _____________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa sining at kakayahan sa pagnenegosyo?
A. businessman C. entrépreneurship
B. entrépreneur D. kapitalista

2. Si Kuya Wilner ay gumagawa ng dustpan na gawa sa lata ng biskwit. Ano ang


katangian ng entrépreneur ang ipinakikita niya?
A. Ang entrépreneur ay nagbibigay pagkakataong magbenta.
B. Ang entrépreneur ay nakapagbibigay ng bagong hanapbuhay.
C. Ang entrépreneur ay nagpapakilala ng bagong produkto sa pamilhan.
D. Ang entrépreneur ay nakakadiskubre ng mga makabagong paraan na
mapahusay ang kasanayan.

3. Si Juliet Rodillas ay kilala bilang owner ng yema cake na tanyag sa maraming bayan
sa Pilipinas. Ano ang kahalagahan nya bilang isang entrepreneur?
A. Nakapagbibigay ng bagong hanapbuhay.
B. Nagpakilala ng bagong produkto sa pamilihan.
C. Nangungunang pagsamahin ang mga salik ng produksyon.
D. A at C ay tama.

4. Taos-puso na tinanggap nina Vivian at Jojea ang mga puna sa kanila ng isang suki
para sa pag-unlad ng kanilang negosyo. Ano ang katangian ng isang entrépreneur ang
kanilang ipinakikita?
A. pagiging matulungin C. masidhing pagsusumikap
B. pagtanggap ng puna D. kakayahang magtiwala sa sarili

5. Si Aling Bebang ay may ari ng isang restaurant sa Tanay. Malakas ang kanyang
negosyo pero maraming kostumer ang naiinip sa paghihintay ng kanilang order. Paano
matutugunan ni Aling Bebang ang ganitong sitwasyon?
A. magdagdag ng menu C. magdagdag ng lamesa
B. magdagdag ng tauhan D. magdagdag ng kostumer

6. Alin sa mga sumusunod na negosyo ang halimbawa ng “binabayaran ay serbisyo”?


A. Aling Neneng’s Eatery C. Grocery Store
B. Bakery D. Vulcanizing Shop

7. Anong uri ng tindahan ang naglalako ng paninda sa ibat-ibang lugar?


A. Tindahang semi-permanent C. Tindahang permanent
B. Tindahang di-permanent D. Tindahan

8. Anong negosyo ang maaari mong itayo kung ikaw ay malapit sa paaralan?
A. Barber Shop C. Laundry Shop
B. Computer Shop D. Tindahan ng school supplies

1
Markahang Pagsusulit sa EPP/TLE-ICT 4…d2

9. Alin ang tamang pamamaraan ng paggamit ng computer, internet, at email?


A. Gumawa ng password na madaling mahulaan.
B. Gumamit ng ligtas na search engine sa internet.
C. Buksan ang internet kahit walang pahintulot ng guro.
D. I-shut down ang computer at huwag na i-off ang koneksyon.

10. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin?
A. Buksan ang computer, at maglaro ng online games.
B. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko.
C. Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para
makipag-ugnayan sa aking mga kaibigan.
D. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga
pinayagang websites kung may pahintulot ng guro.

11. Alin sa mga sumusunod na malware ang may kakayahang tumawag sa mga
telepono gamit ang computer, kung dial-up modem ang gamit na internet connection?
A. Dialers B. Keyloggers C. Spyware D. Trojan Horse

12. Ano ang dahilan sa paglulunsad ng malware o malicious software?


A. Upang makasira ng computer.
B. Upang mabantayan ang computer.
C. Upang mapangalagaan ang computer.
D. Upang maging maayos ang sistema ng computer.

13.Ang mga files ni Jeremy sa computer ay nabura ng hindi niya nalalaman, mula sa
natutunan mo sa ICT, anong uri ng malware ang naging sanhi ng pagkabura ng files ni
Jeremy?
A. Dialers B. Spyware C. Worm D. Virus

14. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na sa iyong palagay ay hindi


naaangkop. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
A. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
B. Ipaalam agad sa nakatatanda.
C. Huwag pansinin. Balewalain.
D. Lahat ng nabanggit.

15. Sa iyong numero/contact number, may nagpadala ng mensahe na hinihingi ang


iyong e-mail account. Ano ang iyong gagawin?
A. Huwag itong pansinin. C. Ibigay ang iyong contact number.
B. Ibigay agad ito. D. Ibigay ang iyong email.

16. Nais mong makinig ng musika gamit ang iyong laptop. Anong soft copy file ang
iyong bubuksan?
A. Audio Files C. Image Files
B. Document Files D. Video Files

17. Ano ang tawag sa pangalan na ibinibigay at ginagamit upang madaling makita at
malaman ang isang computer file na naka-save sa computer?
A. Computer File Address C. Filename
B. Directory D. File Extension

18. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at application
software.
A. Filename C. Hard Copy
B. Format Cell D. Soft Copy

2
Markahang Pagsusulit sa EPP/TLE-ICT 4…d3

19. Ito ay isang software system na ginagamit sa paghahanap ng impormasyon sa


internet.
A. Search Engine C. Sort Descending
B. Soft Copy D. Spreadsheet Application

20. Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita ng piniling website.


A. Cell Name C. Filename
B. Display Window D. Format Cells

21. Koleksiyon ito ng magkakaugnay na numerikal at tekstuwal na datos na nakaayos


sa pamamagitan ng rows at columns.
A. Dokumento B. Table C. Tsart D. Spreadsheet

22. Ito ay biswal na modelo ng mga numerikal na impormasyon na gumagamit ng mga


imahe at simbolo upang mas maging madali ang pagsusuri ng mga datos.
A. Dokumento B. Table C. Tsart D. Spreadsheet

23. Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento,


pag-eedit, at pag-iimbak ng mga electronic file sa computer file system.
A. Desktop publishing application
B. Electronic spreadsheet application
C. Graphic designing application
D. Word processing application

24. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa insert tab?
A. Columns B. Rows C. Table D. Tsart

25. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa insert tab?
A. Columns B. Rows C. Table D. Tsart

26. Ito ay ang pangalan ng bawat cell sa spreadsheet.


A. Cell Name C. Filename
B. Display Window D. Format Cells

27. Ito ay isang command na kung saan inaayos ang mga numeriko ng mula sa
pinakamataas hanggang sa pinakamababa.
A. Data Tab C. Sort ascending
B. Filter D. Sort descending

28. Ito ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang mabilis na


masuri at masala ang mga impormasyon na kailangan. Hindi lamang nagaayos ng
pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon, itinatago rin nito ang impormasyon na
hindi pasok sa pamantayang naitakda.
A. Data Tab C. Sort ascending
B. Filter D. Sort descending

29. Isa sa pinakamabilis na paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa


ibang tao gamit ang internet.
A. Create an Account C. Password
B. Electronic Mail D. Username

30. Ano ang tawag sa salitang gaya ng .com o .ph sa isang email address?
A. Pangalan ng Domain C. Uri ng Domain
B. Password D. Username

31. Aling button ang iki-click kung nais makita at mabasa ang bagong email na ipinadala
sa iyo.
A. Attach C. Reply
B. Inbox D. Send
3
Markahang Pagsusulit sa EPP/TLE-ICT 4…d4

32. Ano ang iki-click kung tapos na ang paggawa ng email at handa na itong ipadala?
A. Attach C. Reply
B. Inbox D. Send

33. Ito ay naglalaman ng mga command tools na gagamitin sa paggawa ng bago,


pagbukas at pag-save ng file.
A. Drawing Area C. Quick Access Toolbar
B. Paint Tool D. Ribbon

34. Ito ang canvas kung saan maaaring gumuhit o mag-edit ng larawan.
A. Drawing Area C. Quick Access Toolbar
B. Paint Tool D. Ribbon

35. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pag-eedit ng lawaran gamit ang photo
editing tool, maliban sa isa.
A. Buksan ang Paint. Kumuha ng larawan na naka-save sa picture folder.
B. I-click ang angkop na brush at pumili ng kulay na gagamitin. Kulayan ang
iyong drawing.
C. I-click ang eraser, pencil, at iba pang tools. Tingnan ang mangyayari sa
paggamit ng iba’t ibang tools.
D. Magbukas ng bagong larawan sa pamamagitan ng pag-click sa Paint Button.
Piliin ang gagamiting larawan sa inyong folder.

36. Ang isang graphic software ay maaari ding gamitin sa pag-edit ng larawan. Maaari
mong paliitin, putulin, burahin at itago ang ilang bagay sa isang orihinal na larawan.
Maaari mo ring dagdagan ang larawan upang lalo pa itong mapaganda. Ang mga
sumusunod ay mga graphic software na maaaring gamitin sa pag-eedit ng larawan,
maliban sa isa.
A. Adobe Illustration C. Paint Application
B. Adobe Photoshop D. Word Processing Application

II. Panuto: (37-40) Isulat sa patlang ang bilang 1-4 base sa tamang pagkakasunud-
sunod ng mga hakbang sa paggawa ng dokumento na may larawan gamit ang word
processing tool.

________ A. Mag-insert ng larawan sa pamamagitan ng pag-click sa button na ito sa


Insert Menu. Kumuha ng larawan sa naka-save na file.
________ B. Buksan ang MS Word. Magbukas ng bagong dokumento. Mag-type ng
salita o mga kataga sa blangkong dokumento.
________ C. I-highlight ang salita sa pamamagitan ng pag-click sa unahang bahagi ng
salita at i-drag ang mouse hanggang sa dulo ng bahagi ng salita. Palitan
ang text style.
________ D. I-format ang larawan sa pamamagitan ng pag-double click dito. Pumili ng
angkop na format mula sa Picture Styles. Pagandahin ang mga larawan at
i-layout ito sa gamit ang wrapping tool. I-save ang proyekto.

4
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
TANAY SUB-OFFICE

TABLE OF SPECIFICATION
QUARTER TEST IN EPP/TLE-ICT 4
(Entrepreneurship and Information & Communications Technology)
School Year 2023 – 2024

Most Essential Learning No. of No. % Knowledge Understanding Thinking Item


Competencies days of 50% 30% (Applying, Placement
Taugh Items analyzing,
t Evaluating,
Creating)
20%

Naipaliliwanag ang kahulugan


at kahalagahan ng
2 5% 1 1 1-2
entrepreneurship
Code EPPIE-0a1
Natatalakay ang mga katangian 10
ng isang entrepreneur 3 8% 2 1 3-5
Code EPPIE-0a2
Natatalakay ang iba’t- ibang uri
3 8% 2 1 6-8
ng Negosyo Code EPPIE-0b4
Napaliliwanag ang panuntunan
sa paggamit ng computer 2 5% 1 1 9-10
internet at email
Natatalakay ang mga panganib
na dulot ng mga di kanais- nais
na mga software (virus at
2 5% 1 1 11-12
malware), mga nilalaman at
mga pag- asal sa internet*Code
EPPIE-0c6
15
Nagagamit ang computer,
Internet, at email sa ligtas at
1 3% 1 13
responsableng
pamamaraan*Code EPPIE-0d7
Naipaliliwanag ang kaalaman
sa paggamit ng computer at
internet bilang mapagkukunan 2 5% 1 1 14-15
ng ibat-ibang uri ng
impormasyon
Nagagamit ang computer file
3 8% 1 1 1 16-18
system *Code EPPIE-0e9
Nagagamit ang web browser at
ang basic features ng isang
search engine sa pangangalap 2 5% 1 19-20
ng impormasyon *Code EPPIE-
0e10
Nakakagagawa ng table at
10
chart gamit ang word 3 8% 2 1 1 21-23
processing tool
Nakakagagawa ng table at tsart
gamit ang electronic 3 8% 1 1 1 24-26
spreadsheet tool
Nakakapag sort at filter ng
impormasyon gamit ang 2 5% 1 1 27-28
electronic spreadsheet tool
Nakasasagot sa email ng iba 2 5% 1 29-30
Nakapag dadala ng email na
may kalakip na dokumento o 2 5% 1 1 31-32
iba pang media file
Nakaguguhit gamit ang drawing
2 5% 1 1 33-34
tool or graphics software 5
Nakakapag edit ng photo gamit
2 5% 1 1 35-36
ang basic photo editing tool
Nakagagawa ng dokumento na
may picture gamit ang word
4 10% 2 1 1 37-40
processing tool desktop
publishing tool
100
40 40 20 12 8
%

5
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
TANAY SUB-OFFICE

KEY TO CORRECTION
QUARTER TEST IN EPP/TLE-ICT 4
(Entrepreneurship and Information & Communications Technology)
School Year 2023 – 2024

1. C 11. A 21. B 31. B


2. D 12. A 22. C 32. D
3. D 13. D 23. D 33. B
4. B 14. D 24. D 34. A
5. B 15. A 25. C 35. B
6. D 16. A 26. A 36. D
7. B 17. C 27. D 37. 3
8. D 18. D 28. B 38. 1
9. B 19. A 29. B 39. 2
10. D 20. B 30. C 40. 4

Inihanda:

CYRILLE E. MARBELLA
Teacher III
EPP/TLE-ICT 4 Writer
Date Validated: October 20, 2023

Siniyasat:

AMABELLE P. ACLETA
Master Teacher I

SINIYASAT:

LOLITA D. DE LEON
Principal Consultant

NIEVA B. TONGOHAN
Principal Consultant

You might also like