You are on page 1of 24

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN IV

(ENTREPRENEURSHIP AND ICT)

Panuto: Basahin mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Ikaw ang nagmamay-ari ng malaking grocery sa inyong lugar. Bilang isang
matagumpay na negosyante, Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng
wastong paraan sa pagbebenta ng produkto?
A. Sinisigurado ang kalinisan ng mga produkto.
B. Inaayos ang mga produkto ayon sa klase nito.
C. Pagsilbihan ang mga mamimili kahit walang personal touch.
D. Sinusuri ang mga petsa kung kailan ginawa ang produkto at kung kailan ito
masisira.
2. Si Aling Marta ay isang kilalang negosyante sa kanilang lugar. Lagi siyang
binabalik balikan ng kanyang mga mamimili. Bilang isang entrepreneur anong
katangian ang taglay ni Aling Marta?
A. Siya ay mapagkakatiwalaan at nagsasabi ng totoo.
B. Ang kanyang serbisyo ay mabilis at nasa tamang oras.
C. Lahat ng kanyang mamimili ay komportable at nasisiyahan sa serbisyo.
D. Lahat ng nabanggit
3. Tuwing sabado, maraming mga mag-aaral sa baryo ng San Mateo ang lumuluwas
pa ng bayan ng upang magpagupit ng buhok. Anong Negosyo ang maaaring itayo
sa kanilang baryo?
A. Tahian ni Aling Josefa
B. Sungreg’s Beauty Parlor
C. Vulcanizing Shop ni Kuya Fer
D. San Mateo School Bus Services
4. Si Sam ay mahilig magkumpuni ng mga sirang gamit na may kinalaman sa
kuryente sa kanilang tahanan. Upang maibahagi niya ang kanyang talento sa
pagkumpuni, ano ang negosyong maaari niyang itayo?
A. Carinderia
B. Carpentry
C. Electrical Shop
D. Vulcanizing Shop
5. Bilang pag-iingat, ano ang pinakahuling paraan na maaari mong gawin upang
mapanatiling ligtas ang paggamit mo ng Computer, Internet, at email?
A. Magpa-install o maglagay ng internet content filter.
B. Bisitahin lamang ang mga aprubadong websites sa internet.
C. I-shut down at I-off ang internet connection kung tapos ng gamitin.
D. Huwag mamahagi ng personal na impormasyon tulad ng password ng email.
6. May nagpadala sa iyo ng hindi naaangkop na mensahe online, ano ang angkop
na dapat mong gawin dito?
A. Ipagbigay alam agad ito sa barangay.
B. Ipagbigay alam agad sa iyong magulang.
C. Tumugon sa hinihiling ng nagpadala ng mensahe.
D. Ilihim lamang ang mga natatanggap na mensahe.
7. Mayroon kang kamag-aral na hindi sinasadyang nakapag-download siya ng virus
sa hindi kilalang website na kanyang nabuksan. Ano ang maaaring niyang gawin
upang maiwasan ang panganib ng pagkasira ng kanyang files sa computer?
a. Huwag buksan ang file ng virus na nai-download.
b. Mag-download ng anti-virus software sa computer.
c. Tiyakin kung aling websites lamang ang maaaring niyang buksan.
d. Burahin at isara agad ang virus na hindi inaasahang ma-download.
8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng HINDI
magandang dulot ng paggamit ng computer, internet, at email.
A. Maaaring magamit ng ibang tao ang iyong pagkakakilanlan.
B. Makapangalap ng impormasyong makatutulong sa iyong aralin.
C. Malaman ang mga makabagong teknolohiya na magagamit sa araw-araw.
D. Mabilis na komunikasyon sa mga pamilya o kaibigang nasa malayong lugar.
9. Isang computer software na ginagamit upang makapunta at ipakita ang mga
nilalaman sa iba’t-ibang websites.
A. google.com
B. multi-media player
C. search engine
D. web browser
10. Anong bahagi ng search engine webpage ang pinipindot kung tapos ng i-type and
keyword na iyong nais hanapan ng impormasyon?
A. search button
B. search field
C. page title
D. top links
11. Ito ang nagsisilbing storage device o imbakan na maaaring gamitin upang
maingatan ang kopya ng mga files sa computer?
A. audio file
B. flash drive
C. folder
D. program files
12. Ikaw ay naka-enrol sa online class ngayong taon. May asignatura ang iyong guro
sa EPP na kailangang ipasa sa Google classrom. Anong uri ng file ang maaari
mong i-submit sa loob ng google classroom?
A. computer files
B. computer folder
C. hard copy files
D. soft copy files
13. Ano ang kaibahan ng web browser sa search engine?
A. May iba’t-ibang bahagi ang web browser ngunit sa search engine ay wala.
B. Maaaring makapagbukas ng search engine kahit hindi binubuksan ang web
browser.
C. May kaukulang logo ang mga web browser samantalang ang mga search
engine ay wala.
D. Ang web browser ay isang computer software at ang search engine ay isang
software system.
14. Ano ang tawag sa maliit na piraso ng teksto na sipi buhat sa webpage?
A. Browser window
B. Page title
C. Top links
D. Text below the title
Item 15-16
Ang magkapatid na Jenny at Gilbert ay nagkasundong magluto ng miryenda at itinda ito
sa kanilang lugar upang maka-ipon ng pambili ng gamit sa susunod na pasukan. Pag-
aralan ang mga representasyong nasa ibaba ng kinita ng magkapatid sa limang araw na
pagtitinda.

Illustration B

Illustration A

Illustration C Illustration D

15. Alin sa mga sumusunod na representasyon ang nagpapakita ng kinita ng


magkapatid na naka-ayos ng tekstuwal sa pamamagitan ng rows at columns?
A. Illustration A
B. Illustration B
C. Illustration C
D. Illustration D

16. Kung ang kinita ng magkapatid na Jenny at Gilbert ay ilalagay mo sa Bar chart,
alin sa mga illustration na nasa itaas ang representasyon ng bar graph?
A. Illustration A
B. Illustration B
C. Illustration C
D. Illustration D
17. Pagsunod-sunorin ang mga sumusunod na hakbang sa Paggawa ng Tsart sa
spreadsheet.
I. Gamit ang mouse, i-select ang Cell A2 hanggang Cell C7.
II. Buksan ang file na Spreadhseet Table. Gagawa ng column chart mula sa mga
datos na napasol na natin.
III.I-save ang file sa iyong folder gamit ang bagong file name.
IV. Piliin ang 3-D clustered Column na nasa 3-D column group.
V. Pagkatapos mai-higlight ang cells, i-click ang Insert tab upang magbukas ang
options.
VI. I-click ang Column option na nasa charts group.
VII. Magkakaroon ng tsart sa iyong spreadsheet.
A. I, V, IV, VI, VII, II, III
B. II, I, V, VI, IV, VII, III
C. III, V, I, II, VI, VII, IV
D. I, II, III, IV, V,VI, VII
18. Sa paggawa ng table sa Microsoft Excel, kung pipindutin ang icon na ito
sa home tab ano ang mangyayari?
A. Mabubuksan ang format cells sa dialog box.
B. Magkakaroon ng thick outside border ang cell na iyong pinili.
C. Nagiging isa na lamang ang maraming cell at napupunta sa gitna ang
teksto.
D. Magbabago ang iba pang font properties tulad ng font size, style, border, at
fill color.
19. Ikaw ay naatasang maglista ng mga pangalan ng iyong kaklase sa Microsoft Excel.
Sabi ng iyong guro kailangan ito ay naka-ayos ng alphabetical order. Gamit ang
Microsoft Excel, anong button sa data tab ang iyong kailangan pindutin?
A. Advanced button
B. Filter button
C. Forecast sheet
D. Sort button
20. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA sa paggamit ng filter sa electronic
spreadsheet?
A. Prosesong ginagamit sa pagsasa-ayos ng listahan ng mga impormasyon.
B. Ginagamit upang mabilis na masuri at masala ang mga impormasyong
kailangan.
C. Command sa electronic spreadsheet upang maisaayos ang numerical at
tekstuwal na datos.
D. Ito ay ang pagsusunod-sunod ng tekstuwal na impormasyon ascending at
descending order.
21. Tukuyin kung aling pangungusap ang tamang gawin pagkatapos gumamit ng
email?
A. Laging tandan ang password ng iyong ginamit na email.
B. Laging i-update ang pinagpadalhan ng email sa kaniyang sagot.
C. Tiyaking naka-sign out sa email account bago isara ang web browser.
D. Siguraduhing tama ang nai-type na email address ng taong pinadalhan.
22. Ano dapat tandaan sa paglikha ng email account?
A. Ibahagi sa iba ang iyong nagawang email address at password.
B. Gamitin ang email account sa kapakipakinabang na bagay lamang.
C. Huwag kalimutan ang email address at password na iyong na-create.
D. Tandaan ang pagkakasunod-sunod ng paraan sa paglikha ng email
account.
23. Alin sa mga sumusunod na drawing tools o graphic software ang maaaring gamitin
sa pag-edit ng larawan?
A. MS excel
B. MS paint
C. MS powerpoint
D. MS word
24. Upang makapag-lagay ng larawan sa word processing tool, ano ang unang
kailangang natin pindutin sa menu bar?
A. file
B. home
C. insert
D. layout
25. Alin sa mga sumusunod ang icon ang text wrapping tool?
A.
B.

C.

D.
SUSI SA PAGWAWASTO

1. C
2. D
3. B
4. C
5. C
6. B
7. B
8. A
9. D
10. A
11. B
12. D
13. D
14. D
15. B
16. A
17. B
18. C
19. D
20. B
21. C
22. C
23. B
24. C
25. A

INIHANDA NI:
MELANIE F. SARMIENTO
TEACHER I
SAN RAFAEL (BBH) ELEMENTARY SCHOOL
SDO-CITY OF SAN JOSE DEL MONTE
AGRIKULTURA

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa
sagutang papel.
1. Bilang isang mag-aaral, natutunan mo ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga
halamang ornamental kaya hinikayat mo ang iyong mga kapatid na tulungan ka
sa pagtatanim nito. Ang gawaing ito ay magdudulot ng mga sumusunod na
kapakinabangan maliban sa _________.
A. Napagkakakitaan
B. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
C. Nagpapaluwag sa lupang taniman
D. Nagpapaganda ng kapaligiran
2. Nais mong magtanim ng mga halamang palumpon sa harapan ng inyong bahay.
Alin sa mga sumusunod ang hamlibawa nito?
A. Five fingers
B. Sampaguita
C. Niyog-nyogan
D. Kadena de amor
3. Bakit kailangang isagawa ang air layering o marcotting? Upang _________.
A. Maparami ang halaman
B. Mapalambot ang lupa
C. Mapasibol ang buto
D. Mapagdikit ang mga sanga
4. Ang mga mag-aaral ay nasa taniman ng kanilang paaralan. Sila ay inatasan na
linisin ang kalat tulad ng tuyong dahoon at iba pang uri ng basura bilang
paghahanda sa kanilang pagtatanim. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang
higit na kailangan nila sa paglilinis?
A. Asarol
B. Kalaykay
C. Lagadera
D. Pala
5. Sa paggawa ng organikong pampataba, Alin ang tamang pagkakasunod-sunod
ng mga hakbang?
I. Gumawa ng hukay na 2 metro ang haba, luwag at lalim
II. Sabuyan ng abo at patungan ng lupa
III. Humanap ng medyo mataas na lugar
IV. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at
pinagbalatan ng gulay at prutas

A. I-II-III-IV
B. IV-III-II-I
C. III-IV-I-II
D. III-I-IV-II
6. Sa panahon ng pandemya, maraming tao ang nanatili sa loob ng tahanan
sapagkat limitado ang paglabas. Ang kanilang mga alagang hayop ang
nagsilbing paraan upang mabawasan ang pagkainip. Sa ganitong pagkakataon,
alin sa mga sumusunod ang naging kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop sa
tahanan?
A. Nakapagbibigay saya
B. Nagdaragdag ng responsabilidad sa mga kasapi ng pamilya
C. Nakapagdaragdag ng kita sa pagbebenta sa pamilihan
D. Nagpapalakas ng pisikal na katawan
7. Balak ng iyong pamilya magtinda. Ang mga sumusunod ay maaaring makatulong
upang maging maayos at matagumpay ang pagtitinda maliban sa _________.
A. Markahan ang mga paninda
B. Linising mabuti ang loob at labas ng tindahan
C. Magbenta ng mataas na uri ng paninda sa mataas na halaga
D. Mag-ingat sa pagkukuwenta at pagbibigay ng sukli
8. Si Berto ay magbebenta ng mga halaman mula sa kanilang taniman. Ang
puhunan ng bawat halaman ay P15.00. Magkano ang magiging presyong
pantinda nito kung dadagdagan ito ng 15% sa puhunan?
A. P17.00
B. P17. 25
C. P17.50
D. P18.00
9. Bakit mahalaga ang paggawa ng talaan ng puhunan at ginastos? Upang
__________
A. malaman ang bilang ng paninda
B. malaman ang kalamangan sa ibang mga nagtitinda
C. makita kung dapat nang isara ang tindahan
D. makita ng nagnenegosyo kung saan siya kumita o nalugi
10. Kung nais mong mag-alaga ng aso, alin sa mga sumusunod ang HINDI mo
dapat gawin?
A. Bigyan ng sapat at malinis na tubig
B. Panatilihing malinis ang kulungan ng aso
C. Lagyan ng sapat na bentilasyon ang kulungan ng aso
D. Bigyan ng gamot na kontra bulate pagkasilang ng aso
11. Nakita sa CCTV ang isang lalaki na nagmamaltrato at naninipa sa isang aso.
Aling batas ang kanyang nilabag sa nasabing sitwasyon?
A. RA 8585
B. RA 7610
C. RA 914
D. RA 814

12. May puno ng kaimito ang pamilya ni Glenford. Upang maparami ito, pinagsama
nila ang isang sanga nito sa isang punong nakalagay sa paso. Ang ganitong
pamamaraan ay tinatawag na _______.
A. Grafting
B. Inarching
C. Cutting
D. Marcotting
13. Nais ng Barrio Masikhay na mapagyaman ang lupa sa kanilang pamayanan
upang mas marami ang maitanim at maging bunga nito. Alin ang dapat nilang
ilagay sa lupa?
A. abono
B. asin
C. tubig
D. bato
14. Bilang proyekto sa pamayanan, ang mga tao ay dapat magtanim ng dahong-gulay
sa kanilang bakuran. Alin sa mga sumusunod ang maaari nilang itanim?
A. malunggay
B. rosas
C. ipil-ipil
D. gumamela

15. Sa bakuran ng bahay ni Melissa ay may mga nakatanim na mga rosas, sitsirika,
kamya at dapo na kanyang inaalagaan. Ang mga halamang ito ay halimbawa ng mga
____________.
A. halamang dahon
B. halamang namumulaklak
C. halamang palumpon
D. halamang baging
16. Nais mong maging malusog ang iyong halaman. Ano ang dapat alisin sa iyong
taniman na maaring makaagaw sa sustansya ng mga halaman?
A. bato
B. damo
C. dahon
D. bulaklak
17. Anong mangyayari sa halaman ni Miko kung ang lupang pinagtaniman niya ay hindi
angkop pagtaniman? Ito ay _______
A. magiging malusog
B. magkakaroon ng maraming bunga
C. magiging payat
D. mawawalan ng ugat
18. Sa pagpapasibol ng mga butong pantanim, alin sa mga sumusunod ang unang
dapat gawin?
A. Takpan ang kahong punlaan
B. Ihanda ang kahong punlaan
C. Ilantad sa araw ang kahong punlaan.
D. Ibabad nang magdamag ang mga butong pantanim
19. Kung ikaw ay pipili ng mga itatanim na halamang ornamental para sa tahanan at
pamayanan, ang mga sumususnod ang dapat isaalang-alang maliban sa ________.
A. lawak ng lugaw
B. edad ng magtatanim
C. kaangkupan sa panahon
D. gamit ng halaman sa kapaligiran
20. Nais ni Reniel magsagawa ng marcotting o air layering. Sa anong halaman niya ito
maaaring gawin?
A. bougainvillea
B. gumamela
C. kamatis
D. manga
21. Si Mang Juan ay nagdidilig o nag-iispray ng solusyong abono sa mga dahon ng
halaman . Ang pamamaraan na ito ay tinatawag na ____________.
A. Broadcasting Method
B. Side-dressing Method
C. Foliar Application Method
D. Ring Method
22. Ang mag-amang Mang Enrico at Elmer ay maghuhukay ng kanal sa lupa upang
maiayos ang kanilang taniman. Anung kagamitan ang kanilang higit na kakailanganin?
A. pisi
B. pala
C. regadera
D. tulos
23. Nang magbenta si Liza at Lorna ng halaman, ang halagang pinagbilhan ay P550.00.
Sila ay may puhunan na P375.00. Magkano ang kanilang naging tubo o kita?
A. P175.00
B. P925.00
C. P180.00
D. P125.00
24. Ang pamilya Santos ay nag-iisp na mag-alaga ng hayop upang maging dagdag na
kita sa kanilang pamilya. Anung batayan sa pagpili ang kanilang dapat isaalang-alang
batay sa kanilang layunin?
A. Nakapagbibigay aliw
B. Mahusay kasama sa bahay
C. Mabilis lumaki at madaling dumami
D. Nagbibigay pagkain sa hapag kainan

25. Ang paggawa ng iskedyul nga pag-aalaga ng hayop ay mabisa upang __________.
A. maipakita ang pagkakaisa ng bawat kasapi ng pamliya sa pagganap ng tungkulin.
B. mabigyan ng responsabilidad ng mga magulang ang lahat ng mga anak anumang
edad o gulang ito.
C. mahati ang mga hayop sa bilang ng miyembro ng pamilya sa panahon ng
pagbebenta nito
D. magdulot ng away sa mga miyembro ng pamilya dahil sa pagkukumpara ng mga
nakaatang na tungkulin sa bawat isa.
SUSI SA PAGWAWASTO

1. C
2. B
3. A
4. B
5. D
6. A
7. C
8. B
9. D
10. D
11. A
12. B
13. A
14. A
15. B
16. B
17. C
18. B
19. B
20. D
21. C
22. B
23. A
24. C
25. A

INIHANDA NI:
BONIFACIO R. DUNGHIT JR
TEACHER I
MARANGAL ELEMENTARY SCHOOL
SDO-CITY OF SAN JOSE DEL MONTE
EDUKASYONG PANG-INDUSTRIYA
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa
sagutang papel.
1. Si Jose ay kasalukuyang nagsusukat ng mga kahoy na may malalapad na laki at
gild. Alin sa mga sumusunod na kasangkapang panukat ang maaari niyang
gamitin?
A. iskuwalang asero.
B. meter stick.
C. tape measure.
D. zigzag rule.
2. Ilang piye ang kadalasang haba ng zigzag rule?
A. 4
B. 6
C. 8
D. 9
3. Alin sa mga sumusunod na kasangkapang panukat na ginagamit sa pagkuha ng
digri kapag gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na linya?
A. eskuwala.
B. metro
C. protraktor
D. ruler
4. Nais mong gumuhit ng mahabang linya. Alin sa mga sumusunod na kasangkapang
panukat ang dapat mong gamitin?
A. meter stick.
B. pull-push rule
C. t-square.
D. zigzag rule.
5. Ilang yarda ang katumbas ng 3 piye?
A. 7.
B. 5.
C. 3.
D. 1.
6. Ilang metro ang katumbas ng 1 kilometro?
A. 1
B. 10
C. 100
D. 1000
7. Si Bb. Josie ay kasalukuyang gumagawa ng sertipiko at diplomang kanyang mga
mag-aaral. Anong uri ng letra ang pinakamainam niyang gamitin?
A. gothic.
B. roman.
C. script.
D. text.

8. Alin sa mga sumusunod na uri ng letra ang may pinakamakapal na bahagi?


A. gothic.
B. roman.
C. script.
D. text.
9. Alin sa mga sumusunod na linya ang tinatawag na visible line?
A. - - - - - - - - - - - - - - - - -
B. ______________________
C. ____________ ___ ____________
D. ______ ______ ______ ______ ______
10. Anong uri ng alpabeto ng linya ang pinapakita ng larawan?

A. border line.
B. center line.
C. extension line.
D. reference line.
11. Anong uri ng alpabeto ng linya ang pinapakita ng larawan?

A. border line.
B. center line.
C. dimension line.
D. section line.
12. Ito ay tumutukoy sa simple at dali-daling pagguhit gamit ang lapis at papel.
A. basic shading
B. basic sketching
C. basic outlining
D. freehand drawing
13. Ito ay nagpapakita ng iba’t ibang tanawin o views ng proyekto.
A. isometric
B. ortographic.
C. perspective.
D. retrospective.
14. Nais mong ipakita ang tatlong tanawin o views ng proyekto na may kanya-kanyang
sukat. Sa anong paraan mo ito magagawa?
A. isometric
B. oblique
C. ortographic
D. perspective
15. Isa sa mga proyekto ang pagguhit ng globo. Alin sa mga sumusunod ang iyong
gagamitin upang makaguhit ng perpektong bilog?
A. compass.
B. divider.
C. french curve.
D. zigzag rule
16. Ito ay ginagamit sa paghahati-hati ng linya at sa paglilipat ng mga sukat.
A. compass.
B. divider.
C. french curve.
D. zigzag rule.
17. Ang Molave, Narra, at Yakal ay nakapaloob sa anong materyales sa gawaing
pang-industriya?
A. abaka
B. kahoy
C. metal
D. plastik
18. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng matagumpay na proyekto?
A. pag-aayos
B. pagpaplano
C. pagsusukat
D. pagsusulat
19. Nais mong gumawa ng isang proyektong mesa. Alin ang tamang pagkakasunod
ng hakbang?
1.Gumamit ng katam sa paglilinis sa magagaspang na mga bahagi ng kahoy.
2.Gumamit ng liha upang pakinisin ang buong patungan bago pahiran ng barnis.
3.Ihanda ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin.
4.Isaalang-alang ang pagbuo ng plano ng proyekto

A. 3, 2, 1, 4
B. 3, 4, 1, 2
C. 4, 3, 1, 2
D. 4, 1, 3, 2

20. Ito ay tinatawag na “Puno ng Buhay” dahil sa ang bawat bahagi nito ay may
sadyang gamit?
A. kawayan.
B. niyog.
C. palma
D. rattan.
21. Ang napili mong proyekto ay ang paggawa ng lubid. Alin sa mga sumusunod na
materyales ang dapat mong gamitin?
A. abaka.
B. kawayan.
C. palma.
D. rattan.
22. Ito ang pinakamalaking palmer ana tumutubo sa bansang Pilipinas.
A. abaka.
B. buri.
C. palma.
D. rattan.
23. Ito ay isang uri ng pako o fern na may mga dahoon ugat, at tangkay, ngunit walang
bulaklak at buto.
A. abaka.
B. nipa.
C. nito.
D. rattan.
24. Si Jose ay kasalukuyang gumagawa ng proyekto. Alin sa mga kasangkapan ang
dapat niyang gamitin kung nais niyang pakinisin ang ibabaw ng tabla o kahoy na
kanyang gagamitin?
A. barena
B. katam
C. kikil
D. paet
25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kagamitang panukat?
A. balbike
B. eskuwala
C. metro
D. ruler
SUSI SA PAGWAWASTO

1.A
2.B
3.C
4.C
5.D
6.D
7.D
8.B
9.B
10.A
11.C
12.B
13.B
14.A
15.A
16.B
17.B
18.B
19.C
20.B
21.A
22.B
23.C
24.B
25.A

INIHANDA NI:
ADRIAN I. GOJO CRUZ
TEACHER II
PARTIDA ELEMENTARY SCHOOL
SDO-CITY OF SAN JOSE DEL MONTE

EPP IV
PANGALAN_______________________________
BAITANG____________
EDUKASYONG PANTAHANAN
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. Inutusan si Aron ng kanyang ina na magsipilyo alin sa mga sumusunod ang kanyang
gagamitin upang maging matibay ang kanyang ngipin?
A. Bimpo
B. Shampoo
C. Tuwalya
D. toothpaste
2. Ang mga sumusunod ay kagamitang panlinis sa katawan. Maliban sa isa, alin ito?
A. shampoo
B. gatas
C. sipillyo
D. sabon
3. Madalas nagbubuhol at dikit dikit ang buhok ni Marie .Alin ang dapat niyang gamitin
upang maging maayos ang kanyang buhok?
A. sipilyo
B. tuwalya
C. suklay
D. tabo
4. Naliligo si Aldrin araw araw bago pumasok sa paaralan alin ang dapat niyang gamitin
upang maalis ng mabuti ang kanyang libag
A. shampoo
B. sabon
C. bimpo
D. tootpaste
5. Ginagamit ito sa pagputol ng mahahabang kuko sa ating daliri sa kamay at paa. Ano
ito?
A. gunting
B. nail cutter
C. cutter
D. kutsilyo
6.Madumi ang upuan at nais mong maupo. Ano ang iyong gagawin?
A. Lilinisin ito bago maupo
B. Uupo sa lupa.
C. Uupo na agad
D. Aalis na lang at dudumihan pa.
7. Alin ang gagamitin upang sukatin ang iyong katawan kung nais magpatahi ng damit?
A. Metro
B. Medida
C. Meter stick
D. Ruler
8. May programa sa inyong paaralan. Nakita mong nakakalat ang karayom sa ibabaw
ng mesa. Saan mo ito maaaring ilagay?
A. Sinulid
B. Gunting
C. Pin cushion
D. Karayom
9. Ano ang iyong gagawin kung natanggal ang butones ng iyong uniporme?
A. Itapon ang damit
B. Susuutin ang uniporme
C. Ilalagay sa aparador
D. Tatahiin ito
10. Saan ilalagay ang maayos,malinis at tamang damit?
A. Drawer o cabinet
B. Drier
C. Washing machine
D. Freezer
11. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela
A. medida
B. gunting
C. didal
D. emery bag
12. Itinutusok dito ang karayom pag hindi ginagamit upang hindi kalawangin.
A. sewing box
B.pin cussion
C.emery bag
D .didal
13.ginagamit ito sa paggupit ng tela
A. medida
B.didal
C.gunting
D. emerybag
14. Upang di matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa inyong gitnang daliri.
A. medida
B. didal
C.gunting
D. emery bag
15. Magkasama itong ginagamit sa pagtahi o pagtatagpi ng sirang damit.
A.karayom at sinulid
B.didal at medida
C.gunting at lapis
D.emery bag at didal
16. Ang silid ng may sakit ay kailangang mapanatilling kaayaaya at________.
A. malinis
B.makalat
C. marumi
D. magulo
17.Hayaang palagiang bukas ang bintana ng silid ng may sakit upang makasok
ang______.
A. insekto
B. virus
C. hangin
D.ibon
18. Kung pupunasan ang maysakit basain ang bimpo ng ________ na tubig.
A. mainit
B.malamig
C. maligamgam
D.kumukulo
19. Ang sanggol ay nilalagyan ng _______upang huwag siyang madapuan ng lamok at
iba pang insekto.
A .kulambo
B. kumot
C. unan
D.tuwalya
20. Dapat paliguan nag bata sa tamang oras tuwing ______.
A. gabi
B. umaga
C. tanghali
D. madaling araw
21. Ginagamit ito sa pagwawalis ng magaspang na sahig at bakuran.
A. walis tambo
B. walis tingting
C.mop
D.bunot
22. Nais mong maglinis ng mga bintana at cabinet ng inyong bahay ano ang dapat
mong gamitin?
A. walis tingting
B. mop
C.basahang tuyo
D.pandakot
23 Sa pagpapakintab ng inyong sahig ito ang iyong dapat gamitin.
A.floor polisher
B.iskoba
C. bunot
D.pandakot
24.Ginagamit ito sa pagsipsip ng mga alikabok sa karpet at upuang upholstered.
A.bunot
B.iskoba
C.vacuum cleaner
D. basahang tuyo
25. Sa paglilinis ng sahig ninyong makinis alin sa mga sumusunod ang dapat mong
gamitin?
A. bunot
B.walis tingting
C. walis tambo
D.floor polisher
SUSI SA PAGWAWASTO

1.D
2.B
3.C
4.C
5.B
6.A
7.B
8.C
9.D
10.A
11.A
12.C
13.C
14.B
15.B
16.A
17.C
18.C
19.A
20.B
21.B
22.C
23.C
24.C
25.C

INIHANDA NI:
GRACE S. DE VERA
TEACHER I
SANMARTIN BBC ELEMENTARY SCHOOL
SDO-CITY OF SAN JOSE DEL MONTE

You might also like